Chapter Twenty Six

75 0 0
                                    

Ryanne's POV

Nakahinga na ako ng maluwag! Maayos na ang lahat. Yung schedule, mga booths, and lahat. Isa nalang ang prinoproblema ko, singer na guy! Saang lupalop naman ako hahanap nun? Kung pwede lang humila ng singer sa tv, ginawa ko na.

Masaya rin ako kay Monina at Hunter, masaya na sila sa isa't isa. Kahit pala gaano kabigat ang isang problema, natatapos din. Rainbow after the rain sabi nga nila. Bagay na bagay silang dalawa. Pero nakakalungkot dahil hindi muna maglalaro si Monina ng volleyball kasi nga napilay siya. Oww kawawa naman si Monina pero todo alaga sakanya ng boyfriend niya tapos ang sweet sweet pa nila. Oo na, sila na kasi! hahahaha.

"Miss Ramirez?" napalingon ako dun sa tumawag sakin, aruy! Si Principal.

"Good Morning po." bati ko. lagot! Wala pa akong nakikitang singer! Aish! Patay na. Naayos ko nga lahat, wala naman singer.

"Follow me." tipid niyang sabi. Woooo! Ang cold ng boses niya. >__<

"S-sige po." relax ka lang ryanne, wag kang kabahan. Principal lang hindi, hindi nangangain yan.

@ OFFICE

"Have a seat, miss ramirez." agad naman akong umupo. Umupo din sa dun sa chair niya at tinignan niya ako.

"M-may dumi po ba sa mukha ko?" pinunasan ko yung mukha ko, malay ko baka may dumi hindi niya lang sinasabi.

Tumawa siya, "Wala wala! Tama nga ako at ikaw ang pinili kong mag'organize ng intrams. Look, bumenta kagad eto sa mga students ng Forbes university. Good job, miss ramirez." sus! Yun lang pala akala ko na kung ano, napahinga naman daw ako ng malalim.

"T-thank you po." and then nagsmile ako.

"By the way, may nahanap ka ng singer?"

UH OH!

"Ah kasi po wala pa. Pero ginagawa ko naman po lahat ng makakaya ko para makahanap ng singer. May nahanap na po ako kaya lang, ayaw po niya." nawala ang ngiti ng Principal.

"Miss Ramirez, tatlong araw lang ang intrams iha. I'minus mo tong araw na to, edi dalawang araw nalang. Libo ang estudyante dito ryanne. Iisa'isahin mo silang papakantahin? Hindi pwede yan ryanne, pilitin mo yung taong yun."

Gusto kong isumbat kay Principal, 'Sa tingin nyo po ba ganun kadaling maghanap ng singer na lalaki? Eh ikaw kaya maghanap! Ikaw naman may kailangan eh!" errr! Hindi naman kasi ganun kadali tapos yung iba hindi pa sila interesado.

"S-sige po." tumayo na ako at lumabas. Ish! Sino bang marunong kumanta diyan? lalaki ah! Yung maiinlove si Principal sa boses niyo! >___<

Lumabas ako ng office at sakto namang nakasalubong ko si Wesley.

"Wesley!" tawag ko, tinignan niya lang ako at binigyan ng bored look!

"What?" naiirita niyang tanong. Lumapit ako sakanya at hinawakan yung right hand niya.

"Please wesley! Kumanta ka na!" tinanggal niya yung pagkakahawak ko sakanya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi pwede?"

"Ilang beses rin ba kitang tatanungin?"

"Miuelle, please stop!" napatigil naman ako sa sinabi niya. Tinawag niya akong MIUELLE? Himala!

"A-anong sabi mo?"

Umiwas siya ng tingin, "W-wala! Aalis na ko."

Alam kong medyo OA pero first time niya akong tinawag na Miuelle. Kundi Halimaw, ryanne. Ngayon lang niya ako tinawag na miuelle. And eto pa, walang tumatawag sakin na miuelle, puro ryanne or ry. Aba! Siga yung trent na yun ah! O para patas, miuelle sakin, trent sakanya. Pero basta, hindi ako susuko kakakulit sakanya. Kaya mo to, ryanne!

Marrying the PERFECT man ღ (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon