"GAME?" HER FOREHEAD was knotted in confusion. Libo-libong katanungan ang dumaan sa utak niya. What game is she talking about?
Enesha stared at her for a few moments as if analyzing her behavior before nodding her head. "Yeah. You didn't play it? Blackjack? Iyon ang nilaro mo no'ng una nating pagkikita rito so I thought you played it today."
"Oh. . ." Napakurap siya sa narinig. Masyado na yata siyang nabaliw sa palaro ni Kevan that hearing the word 'game' from someone who's. . . suspicious-looking makes her associate the word to Kevan's games.
She shook her head and smiled at her. "No. Wala akong dalang pera rito."
Enesha nodded continuosly. "Kaya pala. Sabay na tayong pumasok sa room. I'll wait for you."
Tumango na lang siya rito. Maghuhugas lang naman siya ng kamay.
"I've heard from my brothers that you requested for a bodyguard. May nangyari ba, Jill?" Kunot ang noo nito at bakas ang pag-aalala sa boses. Napanguso siya at umiling bago binuksan ang faucet at naghugas ng kamay.
"Wala naman. Wala na. . ." And she's sure of that. Hindi naman siguro harmless si Kevan. . .
Kasi kung oo, paniguradong matagal na siyang tigok. Paniguradong matagal na siyang nakatanggap ng death threats pero so far, wala naman.
"Wala na. . ." Tumango-tango ito at kalauna'y mapaglarong ngumisi sa kanya. "Pero nasa bahay mo pa rin si Jack. Nagkabalikan na kayo, 'no?"
"Hindi pa!" Nanlalaki ang mga matang sagot niya rito. Hindi niya naitago ang kanyang gulat at malakas pa siyang napasinghap.
Dang. She didn't know that Enesha had a playful side.
Umarko ang kilay nito. "Hindi pa, huh?" she said, emphasizing the 'pa', at saka lang niya napagtanto ang kanyang sinagot dito na kaagad ikinapula ng kanyang mga pisngi.
"Yiee, may nagba-blush."
"Enesha!"
The woman just giggled. "Pero botong-boto ako sa iyo kay Jack. 'Di nga lang ako boto kay Jack para sa 'yo. Gago 'yon, eh."
Muntik na siyang matawa sa sinabi nito bago kumuha ng tissue upang punasan ang basang kamay.
"Grabe ka naman sa kapatid mo." Itinapon niya ang tissue sa basurahan at tumayo nang maayos. She looked at the mirror to check herself, but her heart dropped to her chest upon seeing Enesha behind her, staring coldly at her from the mirror.
Nanlaki ang kanyang mga mata at napahawak siya sa dibdib bago ito nilingon. Nakatitig pa rin ito sa salamin na para bang may nakita roon. She could feel how her heart beat against her palm at kinapos siya sa paghinga.
Fuck! Enesha can sometimes be scary! Can she see ghosts? May multo ba? Shit!
"Look at the mirror," seryosong saad nito habang may maliit na ngiti sa mga labi. Titig na titig pa ito sa kanya kaya sunod-sunod siyang napalunok bago sinunod ang sinabi nito.
There. . . She can see herself in the mirror, and Enesha in front of her. The lady is still staring at her as if reading her soul, at hindi niya maiwasang mailang.
Licking her lips, she breathed. "A-Anong meron?"
Pero gano'n na lang ang pagtataka niya nang itinaas ni Enesha ang kamay nito habang nakatingin sa kanya. She looks like she was about to do. . . a snap.
Nilingon niya ito, wanting to ask her what she was planning to do when she snapped. The sharp sound of her snap echoed throughout the empty bathroom kaya 'di niya maiwasang mapakurap.
BINABASA MO ANG
Game Over, Engineer
Mystery / ThrillerFC Arcade Series #2: J She's known as the best hacker in their organization. . . but someone managed to hack her computer. ----- Jilyanzel Jalvore is working at a detective agency. She is known as the best hacker in their organization, until someon...