Chapter 2

75 12 10
                                    

Chapter 2

“Mama, oh! SB19!”

Kumpleto pa rin silang lima pero malayo na sa unang pagkakakilala ko sa kanila. Maaayos na ang damit at postura nila.

Tiningnan ko ang billboard. May hawak silang laptop na ACER ang tatak. Naka-green sila na mga damit na swak sa pangangatawan at style nil. Kahit colored ang hair ng ilan sa kanila, nag-compliment sa outfit.

Hindi ko matukoy kung kanino ko ibibigay ang credit. Sa sponsor ba nila, sa stylist o sa kanila mismo. Magaganda rin naman kasi ayusan ang SB19. Kayang-kaya nilang dalhin ang mga damit na binibigay sa kanila.

Naalala ko tuloy ang unang media exposure ng grupo sa SB19 sa ASAP ng ABS-CBN. May nakapansin man sa damit nila pero hindi naman maitatanggi na maganda at bagay iyon sa kanila. Mas nararapat nga lang ang itsura nila ngayon.

Bagay kay Stell ang pulang buhok. Ang tikas na rin ng katawan niya. Maamo naman ang magandang mukha ni Justin. Si Ken, walang duda na maangas pa rin. Wala ring pinagbago ang aura ni Pablo. Sa picture pa lang, nag-uumapaw na ang aura ng pagiging leader niya.

Talagang hinuli ko si Josh. Si Josh Cullen Santos. Natural talaga ang pagiging maputi niya. Matagal kong tiningnan ang mga mata niya. Sobrang saya siguro niya kapag nakikita ang sarili sa billboard.

“May concert pala SB19 dito!” rinig ko pang sabi ng bata sa harap ko.

Concert? Parang dati lang sinasabi nila sa akin na pangarap nilang mapuno ang Araneta Coliseum. Tingnan mo nga naman ngayon.

“Araneta! May bababa ba ng Araneta dito?!”

Humigpit ang hawak ko sa bag. Kahit sandali lang siguro na mapagbigyan ako. Kahit sulyap lang muna sa kanila bago ako magpunta sa ibang landas.

Gusto ko muna silang makita ulit.

Gusto ko siyang makita, kahit ngayon na lang.

Bumaba ako sa bus. Katulad ng palagi kong ginagawa sa Masbate, kapag gusto kong magpunta sa ninanais kong lugar, tumatakbo ako. Ayoko na kasing mahuli pa ulit…

Halos lahat ng sulok ng Araneta may mga tao. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa umabot ako sa likurang bahagi nito. Sinundan ko rin kasi ang isang babae na sa tingin ko ay umiiyak pero hindi lang pala ako ang nakasunod sa kanya.

Dumistansya ako para hindi nila mapansin.

“Pasok na po tayo sa loob sir, medyo mahamog rito sa labas eh; baka lalabas na naman ang kasungitan ng boss ko.”

Pero sapat na distansya lang para marinig ko pa rin sila.

Nag-ayos ang babae ng damit. Nakilala ko naman ang kasama niya. Mukhang naramdaman nito ang panunuod ko sa kanila kaya lumingon siya.

Hindi ako nagkamali, si Stell itong nakikita ko.

Namilog ang mga mata niya at sumenyas sa akin gamit ang palad niya. Sinasabihan niya akong maghintay na muna. Tumango muna ako at naghintay sa tabi.

May dumating pang isang babae at isang lalaki.

“Scarlet!!!”

Napailing ako. Sa likod rin kasi ng maamong mukha ni Justin, may tinatago siyang sungit. May kaunting komosyon pa ang nangyari sa pagitan ni Justin at Stell. Umalis na rin yung tinatawag na Scarlet.

Nagsimula na ako sa paglalakad papalapit sa kanila. Una kong pinuntahan ang babaeng naiwan. Kilala ko siya. Siya ang palaging kasama ni Justin noon. Palagi pa rin pala silang magkasama hanggang ngayon.

“Liane…” tawag ko sa babae.

Napalingon siya sa akin. Mula sa malungkot niyang mga mata, lumiwanag ito nang makita ako. Kahit ngayon, ang sopistakada pa rin.

“OMG! Yna! Ba’t ngayon ka lang ulit nagpakita?!” Tumakbo siya para salubungin ako ng yakap.

“Ang ganda-ganda mo pa rin, Liane.”

“Inuuto mo pa rin ako. Na-miss kita. Wala na akong naging balita from you.” Hinawakan niya ako sa palapulsuan at mataman niya akong tiningnan. Ngayon niya napansin ang biglang pagbagsak ng katawan ko. “Tara, let’s get inside. Concert ng SB19 ngayon. Alam mo bang half a decade na sila ngayon?”

Nagpahila na ako kay Liane. Bago kami makapasok, may isang sumalubong sa amin. Akala ko sulyap lang ang mangyayari ngayong gabi.

Hindi ko akalain na pati ang pagharap sa kanya, magagawa ko.

“Josh…”

CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now