Chapter 13

39 3 6
                                    

Chapter 13

Josh’ POV

Bangungutin daw. Ang gwapo ko naman masyado para mapunta sa bangungot.

Itinabi ko na ang cellphone sa side table. Nasa kwarto na kami ngayon at ready na para sa inaasam na pagtulog. Hindi na ako nag-reply pa dahil baka maasar lang yun lalo sa akin. Panay irap na nga ang natanggap ko ngayon. Masyado na niyang sinasaktan ang puso ko. De joke lang.

Papikit na sana ako kaso para naman akong nililindol. Ang hirap namang katabi ang isang ‘to.

“Hoy, Stell, bakit hindi ka makatulog?" tanong ko sa kanya.

Bumangon pa nga ang loko sabay hawi ng buhok. “Gising ka pa pala."

"Paano ako makakatulog eh kanina ka pa galaw ng galaw diyan," reklamo ko. Bumangon na rin ako. Ayokong tumingala eh. Nasisilaw ako sa ilaw.  "Wala pa rin si Jah?" tanong ko nang makita ang bakanteng kama.

"Oo, kanina pa nga siya hindi bumabalik," sagot ni Stell.
Tumingin ako kay Ken na may halong inggit. Buti pa siya, tulog na.

"Eh bakit ikaw hindi ka makatulog? Huwag mong sabihing excited ka sa date mo bukas?" Inasar ko na lang siya at iniwasan na mapatingin uli kay Ken dahil naiinggit talaga ako. Ganyan na rin sana ako kung wala lang akong malikot na katabi. Sobrang likot na nga, mahina pa akong sinuntok.

"Loko, nag-aalala lang ako kay Justin. Alam mo naman kapag yun nagtampo," paliwanag niya sa akin. Si Liane naman kasi, pinili pa si Stell.

Pero kung iisipin din naman silang dalawa, may chemistry sila. Hindi naman sa ayaw ko kay Justin para kay Liane pero ang cute din naman kasi nilang tingnan. Iniisip ko na nga magiging itsura nila sa date– Teka, bakit parang ako tuloy ang excited?

"Huwag mong isipin masyado si Jah. Fan service naman ang gagawin mo." Huminto ako sa pagsasalita nang may maisip.

"Ganun pa rin ba ang tawag kung hindi naman fan si Liane?" natatawa kong tanong. Nahawa na rin tuloy si Stell sa tawa ko.
Si Justin lang naman kasi ang talagang kilala ni Liane sa amin. Though, nagkikita na kami dati pa noong nag-sub ako kay Jah sa cover group nila.

"Kung ayaw niyo pa matulog, magpatulog kayo!"

Napahinto kami sa pagtawa at nagkatinginan ni Stell nang marinig namin ang boses ni Pablo. Nagising namin ang loko. Kung magalit naman ‘to, akala mo tatay eh. May gana pa kaming magturuan ni Stell. Siya naman ang may kasalanan kasi ano… Okay, sige pati ako may kasalanan na rin.

"Oh san ka pupunta?" mahinang tanong ko nang tumayo si Stell. Lalabas daw muna siya. Mukhang kabado sa magiging date nila ni Liane bukas.

Bumalik ang paningin ko kay Pablo at Ken. Ang hihimbing na ng tulog. Binalot ko na lang ang sarili sa kumot. Gagayahin ko na lang sila tutal naiinggit na rin naman ako.

Dumilat ako. Bumangon mula sa… teka. Katre ba ‘to ng dati naming bahay? Naramdaman ko ulit ang pamilyar na pananakit ng likod ko. Naalala ko, ganito palagi ang umaga ko noong nasa Cavite pa lang ako.

“Bangon ka na, Josh,” narinig ko ang boses ni Mama Lily, ang babaeng kumukupkop sa akin pansamantala. “Hinihintay ka ni Yna.”

Yna?

Tumayo kaagad ako. Nang magpunta sa sala, nakita ko kaagad si Yna na suot ang school uniform niya. Matagal akong natulala dala na rin ng pagiging bagong gising… saka sa itsura rin ni Yna. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at meron pang suot na puting headband. Bagong pulbos ang mukha at leeg niya. Humahalimuyak ang Johnson’s baby cologne pink mula sa kanya.

“Good morning.” Nakangiting bati niya sa akin. Napakamot na lang ako. “Mag-almusal ka na muna bago tayo umalis.”

“Ha? Saan tayo pupunta?”

Sinundan ko si Yna nang magpunta siya sa pinto ng bahay. Binuksan niya iyon at nagmamadaling lumabas. Sumunod ako. Kaso, nang makalabas naman ako, umihip ang malakas na hangin.

“Ready ka na ba, Josh? Pupunta na tayo sa South Korea!”

“Aray!”

Tumingin ako kung sino ang sumiko sa akin. Nakita ko na nakangiti sa akin si Ken. Nasa likuran niya si Pablo na nakahalukipkip lang at sina Jah at Stell naman ay magkausap.

“Ha? Anong gagawin sa South Korea?” Parang kanina lang si Yna ang kasama ko at nasa bahay naman kami. Ba’t naman ako napunta kaagad sa airport?

“Magti-training na tayo,” masungit na sambit ni Pablo.

Oh? Training?

“Teka, Josh,” Nilingon ko kung kanino galing ang pambabaeng boses na ‘yon.

“Yna? Anong ginagawa mo dito?”

Hindi na nakasuot ng school uniform si Yna. Sa halip, may suot na siyang pantalon at simpleng black shirt. May maleta rin siyang dala. Saan naman siya pupunta? At bakit siya umiiyak?

“May gusto sana akong aminin…” Hinintay ko pa ang sinabi niya kaso nawawalan na siya ng boses.

“Yna, hindi kita marinig.”

“Ang sabi ko mag-ayos ka na para sa date nina Stell at Liane. Kaya gumising ka na Josh o bubuhusan kita ng tubig.”

Pablo?

Nang may yumugyog sa katawan ko, napadilat na naman ako. Panaginip lang pala. Sumalubong sa akin ang nakakunot na si Pablo.

“Bangon ka na, Josh,” sabi pa niya. “Hinihintay ka ni Yna.”

“Nandito si Yna?”

Imbes na sumagot siya, ang narinig ko pa ay ang halakhak ni Ken. “Sabi ko sa ‘yo, magigising ‘yan pag binanggit si Yna.”

“Tsk.” Napansin ko na kaming tatlo lang ang laman ng kwarto.
“Nasaan yung dalawa?” Hinahanap ko sina Jah at Stell.

“Nag-aayos na kasi pupuntahan na natin si Liane. Ayoko na ma-late tayo, Josh. Kaya mag-ayos ka na.”

“Ayos mukha, bro, ha? Nandoon si Yna.”

“Loko ka. Tigilan mo nga ako. Umagang-umaga.” Lakas ng trip.

Bumaba kami sa sala ngayon matapos ang pag-aayos sa mga sarili namin. Ayaw naming humarap na may natuyong laway sa gilid ng labi. Ang pangit naman non.

Hinihintay namin ang pagbaba ni Liane. Naririnig naman namin na may mga habilin pa si Jah kay Stell. Ito naman kung makapader sa bestfriend niya. Isang beses lang naman magdi-date ang dalawa.

“Nagtataka na tuloy ako kung bakit hindi mo pa niligawan yang si Liane sa lagay na yan,” komento ko kay Jah kaso anak yata ‘to ni Pablo. Ang taray eh.

Naunang bumaba si Liane habang nakasunod naman sa kanya sina Athena, Scarlet at Yna. Walang duda na mas lalong nangibabaw ang ganda niya ngayon. Iba talaga kapag may ka-date!

“Maganda ka pala talaga, Liane,” sabi ko sa kanya pero nakapako kay Yna ang paningin ko.

Nakalugay ang mahabang buhok ni Yna. Naka-off shoulder na yellow at white skirt siya. Nakatingin rin siya sa akin at nangungunot naman ang noo.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin sa tagiliran. Si Ken pala. Bumulong pa sa akin. “Ready ka na ba, Josh? Ilalabas mo rin ba si Yna?”

“Depende sa mood ko.”

Tumawa lang si Ken at mahinang sinuntok ang balikat ko.
Pinanuod namin ang pag-alis nina Liane at Stell. May mga naging habilin pa sina Pablo at Jah. Nang makaalis na sila, sinundan ko si Yna na papunta sa kusina.

“Gusto mo ba ng pustahan?” tanong ko sa kanya.

“Wala akong pera, Josh.”

“Hindi naman pera, eh. Fun games lang.”

Tumaas ang kilay ni Yna kaya lumawak ang ngiti ko. “Game. Anong pustahan ba ‘yan?”

“Sino ang magiging endgame ni Liane? Syempre, Team Stell ako. Ikaw ba?”

“Team Justin.”

CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now