Chapter 10
Pilit kong inaalis sa isip ko ang heart emoji habang nasa biyahe. Normal lang naman na maihalo yon sa text message di ba?
Sa 1Z na muna kami huminto bago magpunta sa airport. Tahimik lang si Scarlet magmula sa biyahe hanggang ngayon. Si Stell naman, as usual, maligalig na naman habang si Justin ay nakasimangot. Magkasabay naman kaming naglalakad ni Liane.
“Bakit naman ang tagal niyo?” bungad ni Pablo nang makapasok kami. Isa-isa niya kaming tiningnan at noong dumako sa amin ni Liane ang mga mata niya, napahawak sa akin ang kaibigan ko. Ngayon lang siguro niya nakita na ganito ang lider ng grupo.
“Chill ka lang diyan, Pab. Medyo traffic pa kasi. Ang dami pa naming dinaanan,” si Stell ang nagpaliwanag para sa amin. Totoo namang traffic sa bawat daan. Nakakaawa na nga si Justin dahil naka-ilang detour din kami makapunta lang dito on time pero sa kamalas-malasan nga naman, medyo late kami.
Natanaw ko sina Josh at Ken kaya pareho ko silang nginitian. Sabay rin naman silang ngumiti sa akin.
“Tara na nga lang.” Inaya na kami ni Pablo kaya sumunod na rin kami sa kanya. “Hoy, Athena, tumayo ka na diyan!” pasigaw pa niyang sambit sa babaeng nakatutok sa cellphone.
Tumingin ako kay Justin at Scarlet pati na kay Pablo at Athena. Hanggang ngayon, naninibago ako sa pagtrato nila sa Personal Assistant at Make Up Artist nila. Hindi ko alam kung nasa lugar ba ako pero umaangal ako sa pagbulyaw at pagsusungit nilang dalawa sa mga babae. Wala namang ginagawang masama sina Scarlet at Athena sa kanila.
“Ayos ka lang ba?” Hindi ko namalayan ang paglapit ni Josh sa akin. “Nakakunot ang noo mo. Saan ka ba naiirita?” tanong pa niya.
“Normal ba na ganito sina Justin at Pablo?” tanong ko pabalik sa kanya.
Nagkibit-balikat si Josh kaya mas tumalim ang tingin ko sa kanya. Napansin niya iyon kaya itinaas niya ang dalawang kamay niya. “Perfectionist kasi sila kaya gusto nila nakaayon ang lahat sa plano.”
“Hindi yan magandang dahilan, Josh.”
“Pagsasabihan ko sila, don’t worry. Wag ka nang magalit d’yan.”
Tumango ako para hindi na humaba pa ang usapan. Baka marinig pa kami ng iba.
“Sinong galit, Josh?” tanong ni Ken sa likuran namin. Kakasabi ko lang na baka may makarinig, meron na ngang isa.
“Wala,” umiiling na sagot ni Josh. “Hindi naman galit si Yna.” Kumindat pa sa akin ang loko kaya pumantay na lang ako sa paglalakad ni Liane. Nang lumingon ako sa dalawa, magkaakbay na sila.
Sumakay kami sa van. Dalawang van ang nakahanda, isa para sa amin at sa SB19, ang isa naman ay para sa mga iba pang staffs.
“Pwede bang ako na lang sa may bintana, Yna?” paalam sa akin ni Ken pero bigo siyang makuha ang gusto niyang pwesto dahil umiling ako. Gusto ko rin kasi ang pwesto na ‘to.
“Baka ayaw mo kong makatabi?” pilyo ang ngiti ni Josh sa akin. Inirapan ko naman siya.
“Si Ken lang ba ang may gusto na pumwesto sa tabi ng bintana?” patanong kong sagot kay Josh pero mukhang naging iba ang tono ng pananalita ko. Hindi ko naman gusto ang magsungit ngayon. Natatawa na lang si Josh sa akin habang si Ken naman ay isinuot ang hood ng jacket niya. Hanggang sa napunta na naman siya sa sarili niyang mundo.
Pero bago tuluyang umalis, bumaba si Ken at doon na lang tumabi kina Stell at Scarlet. Akala niya siguro magkaaway kaming dalawa ni Josh
“Sleepy?”
YOU ARE READING
CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |
RomanceCLANDESTINE LOVE SERIES #3: Sincerely, Yours "Sinaunang Stylist" Ito ang bansag ng SB19 kay Halina Hara. Siya kasi ang naging unang stylist ng grupo noong nagsisimula pa lang ang mga ito sa training. Subalit, nang dahil sa personal na problema, kail...