Chapter 15
Yna’s POV
Ep-ep:
Ate, tumawag dito si Tiyo kanina. Nasa Maynila na siya. Tinatanong ako kung nasaan ka raw pero ayokong sabihin. Ayaw rin ni lola. Sana ligtas ka dyan ate. Wag mo na kaming isipin pa dito. Sabi ni lola, ang mas isipin mo raw ay ang sarili mo.Matagal nang alam nina lola ang mga naging sakripisyo ko noong maghiwalay ang mga magulang ko. Ako na ang halos nagpalaki sa sarili ko. WA akong mapili sa pagitan nina mama at papa. Kung nasa puder ako ni papa, ang kamay na bakal niya ang palagi kong kausap. Kung kina mama naman, nasa puder lang ako ng kinakasama niya.
Pero kahit papaano, may magandang nangyari naman noong nasa Cavite ako.
Nakilala ko si Josh.
Sabay kaming naglalakad-lakad. Iniwan na muna namin sina Pablo at Athena. Saka napagkasunduan rin naman namin ni Josh na… hanapin sina Scarlet at Justin. Gusto rin naming makumpirma kung talagang… sinundan ng dalawa sina Stell at Liane.
“Ang tahimik mo naman, baka pwedeng magkwento ka,” paunang sabi ni Josh.
“Anong ikukwento ko?”
“Kahit ano.”
“Once upon a time–”
“Hindi ganyan. Gusto kong malaman kung anong naging buhay mo sa Masbate.”
Matagal akong napatingin kay Josh. Nang mahuli niya ang tingin ko, umiwas ako kaagad.
“Akala ko napag-usapan na natin ‘to?”
“Pakiramdam ko kasi may mga hindi ka pa nasasabi.”
Unti-unting lumakas ang pagkabog ng dibdib ko.
“Yun na ‘yon lahat,” matigas kong sinabi sa kanya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad na tikom ang bibig. Hindi nagtagumpay si Josh na pagkwentuhin pa ako.
“Ikaw na lang kaya ang magkwento.”
“Tungkol saan?”
Matipid akong napangiti. “Trainee days.”
May kaunting kaalaman naman ako dahil sa mga vlogs na tungkol sa kanila. May mga video pa nila noong nagsisimula sila bilang P-POP idols. Sa ngayon, gusto kong marinig mismo mula sa bibig niya.
“Okay naman. Teka. Hanap nga muna ng mauupuan. Mahaba-haba ‘to eh.”
“Go!” mahina akong natawa.
Nang makahanap kami ng silong, doon kami naupo. Nagsimula na rin siyang magkwento. Hindi biro ang naging karanasan niya dahil kailangan din niyang magtrabaho habang nagtitraining. Bukod sa training nila mismo, kailangan din nilang turuan ang ibang trainees.
“May time na ilang beses kong naisipan na sumuko, eh, pero kapag naaalala ko yung pakiramdam kapag nasa stage ako, isinusuko ko ang pagsuko. Pangarap ko ‘to eh.”
“Sikat na kayo ngayon.”
“Malayo pa, Yna. Baka nga ngayon, nasa starting line pa rin kami. Nakausad lang ng kaunting hakbang.”
“Oo nga pala. Kasisimula lang din ng 1Z ngayon.”
Tumango si Josh. “Marami pa kaming plano na gawin sa company ngayon. May mga collaborations din kami. Abangan mo lang.” Napabuntong hinga siya kaya napatingin ako sa kanya.
“Oh, ba’t parang lumungkot ka naman yata.”
“Naalala ko lang. Dati kasi, ang laman ng kwentuhan natin, tungkol sa mga panalo ko sa DOTA.”
“Ngayon, yung mga wins nyo bilang idols.”
Natatawang tumango ulit si Josh. “Sa totoo lang–” humarap siya sa akin– “Na-miss kita, Yna. Noong nasa Masbate ka, hindi ko alam kung sino ang kukwentuhan ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Ikaw lang yung tao na gusto kong makarinig tungkol sa buhay ko. Lalo na noong down na down ako.”
Matagal kong tiningnan si Josh. Kahit ako rin naman, gusto kong makinig sa mga ikukwento niya. Gusto kong alamin ang buhay niya.
“Sorry.”
“Wag kang manghingi ng sorry. Wala kang kasalanan. Alam ko naman na kailangang nandoon ka sa Masbate.”
Sumang-ayon ako sa kanya.
“Hayst.” Tumayo si Josh at nag-unat. “Nagugutom na naman ako. Gusto mo ng halo-halo?” Inilahad niya ang kamay niya kaya inabot ko iyon para makatayo na rin ako.
“Tara,” sagot ko. Babawiin ko na sana ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang paghahawak non. “Teka, Josh, yung kamay ko.”
Imbis na bitawan, hinigpitan pa niya lalo.
Wala na tuloy akong ibang nagawa pa… dahil ang kalmado sa pakiramdam na magkahawak ang aming kamay.
—
Josh’s POV
Ano bang… Ano ba ‘to? Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang… Teka nga. Ba’t ba natutuliro ako?
Eh, ano naman kung magkahawak kami ni Yna? Eh ano naman kung para akong kabado na ewan ngayon? Eh ano naman kung parang natatakot ako na biglang maging psmado ang kamay ko? Eh ano naman kung parang kabado ako na isipin ni Yna na kadiri ang kamay ko?
Ayokong mandiri siya sa akin.
Ayokong may isipin siyang masama tungkol sa akin.
Ay– Teka nga! Bakit ba ako nag-ooverthink?
Hindi ka ganito, Josh. Kalmado kang tao. Hindi ka nagpa-panic kapag may emergency. Hindi ka kaagad tumatakbo kahit na may tigre sa paligid. Nakakaya mong buhatin ang ref kung may sunog.
Kamay lang ni Yna ‘tong hawak mo pero… ba’t ba sobrang kabado ako?
Hawak ko ang kamay ni Yna?! Shemay. Anong gagawin ko nga ulit? Ba’t nga ulit kami umalis sa pinipwestuhan namin kanina? Ba’t naglalakad kami ngayon habang magkahawak ang kamay?
Ano nga ulit ang nangyayari? Ba’t rin pala kami nasa labas ni Yna?
“Josh!”
Pakiramdam ko, nag-init ang tainga ko noong tawagin ako ni Yna. Ba’t naman ganon ang dating ng boses niya sa akin? Ang lamyos ng boses niya. Parang pinapakalma ako pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon. Parang kakawala na sa katawan ko ang puso ko. Ano bang ginagawa ko? Ano ulit ang ginagawa namin?
Hindi ako nakasagot agad sa kanya kaya hinila na lang niya ako. Bakit niya ako hinila? Anong gagawin namin sa isang sulok? Bakit muna kami nasa sulok?
“Nandyan sina Justin!” natatarantang bulong niya sa akin.
“A-anong nandyan sina Justin?”
“Magkasama nga sila ni Scarlet.”
Tapos? Eh, ano naman kung magkasama sila ni Scarlet?
Bakit ba hindi ako makapag-isip nang maayos?
“Sinusundan yata nila sina Stell. Nasa unahan lang sila ni Liane, eh.”
“Tapos?”
“Anong tapos? Sundan kaya natin sila?”
“Sinong sila?”
“Sila Scarlet!”
“Susundan natin sina Scarlet na sinusundan sina Stell?”
“Oo. Buti naman na-gets mo agad.”
Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Nagkatinginan kami.
“Siguro mas okay na sundan natin sila na hindi magkahawak ang kamay?” suhestiyon niya sa akin. Imbis na bitawan ko siya, ginawa kong intertwined ang mga kamay namin.
Habang nakasunod kami kina Scarlet at Jah na nakasunod kina Stell at Liane, natutuliro na naman ako.
May hiwaga bang ginagawa sa akin si Yna?
YOU ARE READING
CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |
RomanceCLANDESTINE LOVE SERIES #3: Sincerely, Yours "Sinaunang Stylist" Ito ang bansag ng SB19 kay Halina Hara. Siya kasi ang naging unang stylist ng grupo noong nagsisimula pa lang ang mga ito sa training. Subalit, nang dahil sa personal na problema, kail...