Chapter 16
Josh’s POV
Lugi kami ah. Nakakotse sila tapos commute lang kami.
Sumakay sa kotse sina Jah at Scarlet kaya kaming dalawa ni Yna ay sumakay ng tricycle. Magkatabi kami sa loob matapos naming alalahanan ang driver na sundan ang nasa unahan namin. Mabuti na lang hindi masyadong mainit dito. Malaking tulong rin kasi ang mga puno sa magkabilaang kalsada. Ang sarap sa pakiramdam ng lilim.
“Seryoso ka talaga na susundan natin sila?” tanong niya sa akin.
“Oo. Part ng game, remember?”
Tinanguan lang ako ni Yna sabay diretso ng tingin sa daan. Hindi rin kasi kami makapag-usap nang maayos dahil malakas ang makina ni kuya drayber.
Nang mahinto na sila Jah, naghintay muna kami na makapasok sila ni Scarlet bago kami bumaba.
“Ito po 100, Kuya Drayber. Keep the change na lang po or buy something nice.”
Sinimangutan naman ako ni kuya. “100 talaga ang bayad, sir.”
Para mabawi ko ang pagkapahiya ko, inabutan ko na lang siya ng kung anong papel na nasa wallet ko. Hindi ko na na-check pa kung resibo ba yon o paper bill. Nang sulyapan ko si Yna, nakatakip lang siya ng bibig at nagpipigil ng tawa.
“Happy?” kantyaw ko sa kanya.
“Oo naman.”
Same. Kasama ba naman kita, eh.
Hindi kami tuluyang nakapasok dahil nasa sulok sina Jah at Scarlet. Mukhang malamok sa pwesto nila dahil panay rin ang palakpak ni Scarlet para makapatay ng mga nakakairitang insekto.
Hinila ko na naman si Yna para magtago kami sa dalawa. Pero may sapat na distansya pa rin para marinig ang kwentuhan nila. Mabuti na lang, hindi gaanong malamok sa pwesto namin. Nakapalda pa naman si Yna. Ayokong magkapantal siya dahil sa kagat ng lamok.
“Sir, umamin ka nga sa akin, crush mo si Ate Liane, noh?” tanong ni Scarlet kay Justin. Kung makapagtanong naman ‘to, diretso kaagad. Walang paligoy-ligoy.
“Can you just shut your mouth?” At as usual. Ang sungit na naman ni Jah. Masayahin naman si Tita pero bakit parang ang daming sama ng loob ng lalaking ‘to. Lagi niyang sinusungitan si Scarlet na Personal Assistant niya.
Nagkatinginan kami ni Yna.
“May mananalo na kaya sa atin?” bulong niya sa akin.
“Masyado pang maaga para d’yan,” sagot ko sa kanya. Sinimangutan lang ako!
Magsasalita pa sana siya kaso nakarinig kami ng pamilyar na pamilyar na boses.
“At bakit nandyan kayo sa damuhan?!” Takte! Si Stell!
“G-gusto ko lang naman malaman kung okay ba ang date niyo!”
Kinakalabit na ako ni Yna. Inaaya na ata ako na lumayo na kami sa apat. Baka mahuli rin kami. Anong isasagot namin kapag nagtanong sila? Pinagpustahan namin sila? Laman sila ng tsismisan namin? Masyado kaming bored kaya sila ang napagtripan namin?
Sa huli, pumasok na lang kami sa restaurant para kumain. Buti na lang, wala ring nakapansin sa aming dalawa.
“Kakain na naman? Nilutuan na tayo ni Pablo kanina ah.”
“Nakakagutom kaya sumunod sa iba! Don’t worry, sagot ko naman.”
“Aba, dapat lang. Malayo pa ang a-kinse. Hindi pa ko nakakasahod.”
Itinuloy namin ni Yna ang kwentuhan sa resto habang kumakain. Kwentuhan lang naman. As a friend. Teka, bakit parang may kirot sa parte na ‘yon?
“So, anong tingin mo kina Pablo at Athena?” tanong ni Yna sa akin.
“Tao. Mukha ba silang iba sa paningin mo?” pamimilosopo ko. Tumaas na naman ang kilay ng kasama ko. “Okay naman sila.”
“Sa tingin ko, may something sa kanila, eh. Lalo na kay Pablo.”
“Ano bang napansin mo?” tanong ko bago uminom ng red tea juice.
“Ang protective kasi ni Pablo, eh. Binilhan daw niya si Athena ng swimming attire at panty shorts pa binili. Hindi naman sa umaangal ako pero maganda naman. Gusto ko lang maging proud si Athena sa sarili niyang body. Ganoon ba talaga si Pablo?” kwento niya sa akin.
Sumagot naman ako. “Protective talaga ‘yon sa mga babaeng mahalaga sa kanya–” May na-realize ako.
Nagkatinginan kami ni Yna. “Bias ni Athena si Pablo, di ba?”
“At workmates sila bilang client at make-up artist.”
“Tumira si Athena kina Pablo.”
“Gusto ni Tita Grace kausap si Athena.”
“Protective si Pablo kay Athena.”
“Ayaw pa mag-aminan.”
“Ayaw pa. Mahihinang nilalang.”
Nagkatinginan na naman kami. “Pustahan,” aya ko sa kanya. “Sinong unang aamin? Hula ko, si Athena.”
“Masyadong halata si Pablo. Sige, pupusta ako sa kanya.”
Nag-fistbomb kaming dalawa sabay sabi ng, “deal.”
“Sinong next?”
“Si Scarlet. Kanino mo siya ipa-pares?”
“Kay Justin,” sagot ko.
“Walang partner si Ken.”
“Love triangle sila? Ken-Scarlet-Justin?”
“Parang imposible.”
“Imposible nga. Mas malapit pa si Stell kay Scarlet kaysa kay Ken.”
Nagkatinginan ulit kami. “Love square?” sabay naming bulalas.
“Stell-Liane-Justin-Scarlet?”
“Exactly.”
“So, sinong pair mo?” tanong ko sa kanya.
“Syempre, Liane at Justin. Stell at Scarlet.”
“Mas papasang magkapatid sina Stell at Scarlet, eh. Kaya Liane at Stell tapos Justin at Scarlet. Deal?”
“Deal.”
“Sinong next?”
“Wala pa akong nakikilala na pwede ma-partner kay Ken. So, isa siya sa atin na single,” natatawang saad ni Yna.
“Paano naman si Xi-Anne?”
Nagkatinginan na naman kami for the nth time. “Ihanap na natin siya ng magiging jowa? Sakto, nanghihingi siya ng reto sa akin.”
“Sumbong kita kay Xi-Anne, ah.”
“Biro lang,” natatawa niyang sagot sa akin.
Bukod sa pinagtsismisan namin ang iba naming mga kasama, marami rin kaming napagkwentuhan pa. Nadamay rin yung ibang mga kumakain sa kabilang mga mesa. Pinapansin niya kasi ang suot nila. Hindi naman para makapanglait siya. Hindi ko naman nakikilalang laitera si Yna. Bukod sa puna, nagsasabi rin siya sa akin kung ano yung mga bagay na damit sa iba.
“Kapag babae kasi tapos inverted triangle ang body shape, ideal talaga ang wide leg pants,” sampe kung paano siya mamuna.
Marami pa siyang ibang sinasabi na hinahayaan ko lang. Minsan nga, hindi ko na rin marinig dahil abala ako sa pagtitig sa kanya este sa pagkain ng sisig. Oo, sisig. Ang alam ko ayaw ni Stell ‘to pero masarap naman.
Napansin ko na panay ang sulyap niya sa phone ngayon.
“May problema ba?” tanong ko sa kanya.
“Wala naman. Hayaan mo na. Ano nga ulit pinag-uusapan natin?”
“Kung anong bias mo sa number ng electric fan.”
“Loko ka talaga, Josh.”
YOU ARE READING
CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |
RomansaCLANDESTINE LOVE SERIES #3: Sincerely, Yours "Sinaunang Stylist" Ito ang bansag ng SB19 kay Halina Hara. Siya kasi ang naging unang stylist ng grupo noong nagsisimula pa lang ang mga ito sa training. Subalit, nang dahil sa personal na problema, kail...