Chapter 1

160 11 4
                                    

Chapter 1

Maulap ang langit. Buwan ng Abril pero hindi pangkaraniwan ang init. Mahangin ang paligid. Malakas ang hampas ng hangin dahil sinasalubong ko rin ito ng pagtakbo. Halos manlambot na ang tuhod ko pero kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong bagtasin ang kahabaan ng daan paalis sa palayan, malayo sa lugar na minsan kong tinawag na tahanan.

Natuyo na ang pisngi kong nilandasan ng luha. Naghahapdi rin ang braso kong may mga sugat. Ramdam ko na rin ang kirot mula sa pasa ko sa hita.

Ngayong tanghali lang, umuwi ang ama kong may halimuyak ng alak. Ginamit niya ang mabigat na kamay para paalisin ang impluwensiya ng kalasingan pero halos ako naman ang nawalan ng malay. Kaya habang maaga pa, habang kaya ko pa, kailangan ko nang lumayo. Dahil hindi na katulad ng dati ang buhay ko. Dati, may umaakay pa sa akin para tumakas, ngayon ako na lang ang mag-isa.

Nang makakita ng tindahan, naupo na muna ako sa bakanteng upuan sa gilid nito. Sinimulan kong punasan ang mukha at pag-aayos sa magulong buhok.

"Yeah, yeah, we gonna go up. Ibibigay ko ang aking puso~"

Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ko. Naririnig ko ang boses nilang lima sa kanta na naging susi para maabot ang pangarap nila.

"Halina? Ikaw ba 'yan?" sabi ng isang paos na boses.

Humarap ako sa ale na dumungaw sa bintana ng tindahan. "Lola Imang, ikaw po pala 'yan. Mabuti po at maayos na ang radyo niyo."

"Naku. Hindi na nga, eh. Binilhan ako ng anak ko ng bluetooth speaker. Tapos itong apo ko naman ang nagpapatugtog." Matagal akong tinitigan ni Lola Imang. "Tatay mo ba ang may gawa n'yan?"

Hindi ako nagsalita dahil alam naman niya ang sagot sa sariling tanong.

"Bering," tawag ni Lola Imang sa apo. "Kumuha ka nga ng damit ng nanay mo at ibigay mo sa Ate Halina mo."

"Ayos lang po. Uuwi rin po ako sa amin maya-maya."

Malamig ang tingin ni Lola Imang nang bumalik sa akin ang mga mata niya. "Pumasok ka muna sa bahay nang makapagbihis ka."

Tinanggap ko ang bigay ni Bering pero hindi lang t-shirt at shorts ang ibinigay niya. May kasama pang bag na may dalawang pares ng damit at walong nakatupi na 500.

"Para saan po ito?" tanong ko sa mag-lola.

"Padala iyan ng nanay mo. Gumawa ka ng magandang buhay sa Maynila. Umalis ka dito at iwan mo na ang inutil mong tatay."

Kumunot ang noo ko. "Nagsabi ka po kay mama?"

"Halos araw-araw ka nang binubugbog ni Mang Lito, ate," sagot sa akin ni Bering, ang binatilyong apo ni Lola Imang. "Baka sa susunod na punta mo rito, wala ka nang malay. Wag naman sana."

"Pero paano po si papa?" May diperensya ang paa at kamay niya dahil sa naging aksidente dati. Mahihirapan siya sa gawaing-bahay kung wala ako.

"Wag mo na siyang isipin, Halina. Isipin mo ang sarili at pangarap mo. Mas magkakaroon ka ng magandang buhay kung aalis ka sa bayan na 'to," ani Lola Imang.

Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil iniisip ko rin ang mangyayari sa akin kung pupunta ako sa Maynila. May mga opportunity nga roon pero kaya ko bang makipagsapalaran?

Maya-maya pa ay meron nang busina ng motor sa labas ng bahay.

"Kinontak ko na rin si Tiyo Junior. Ihahatid ka niya sa terminal."

Katawan ko ang nagdesisyon para sa akin dahil hati ang isip ko. Gusto kong manatili sa amin para alalayan ang tatay katulad ng dati ko pang ginagawa pero ang alok ng pangarap ay maganda rin naman.

Baka sa pagkakataong ito, kaya ko na maging isang...

Natagpuan ko na lang ang sarili na nasa loob na ng bus. Mga ilang minuto pa ang lumipas, nakadungaw na ako sa barko. Isang oras pa ang lalakbayin ko para makarating ng Albay tapos anim na oras pa sa pagpunta naman sa Maynila. Dala ko ang isang magaan back pack, mabigat na puso at walang kasiguraduhang isip.

Traffic ang tumambad sa akin nang makatuntong na sa kalsada ng Maynila ang bus na sinasakyan ko. Maliwanag ang daan dahil bukod sa mga ilaw ng sasakyan, kabi-kabila rin ang makukulay na billboard.

Naging maingay ang mga nakaupo sa harapan ko. "Mama, oh! SB19!" Tumayo pa ang bata sa upuan para ituro ang nasa labas.

Dahil sa pamilyar na pangalan, tiningnan ko rin ang itinuturo ng bata...

CLS#3: Sincerely, Yours | SB19 FANFICTION |Where stories live. Discover now