Phase 22

171 5 0
                                    

"Honey? Are you okay? Buong weekends ka nang hindi lumalabas ng kwarto," nag-aalalang sabi ni Mommy na nasa labas ng kwarto ko. Agad akong umahon sa pagkakahiga at inayos ang sarili. Pinunasan ko rin ang luha na kanina pa tumutulo.

I have no idea how many hours I've been crying. Akala ko kagabi, naiyak ko na lahat. Ngunit kagising ko kanina, umiiyak pa rin ako dahil sa lahat ng mga nangyari. I didn't expect Sylvan would be this worst. I already know he's a jerk. Nothing can change that, but what he did was just pure evil.

What he did really hurt me. It hurts me the way how much I like him. I can't accept the fact that everything was just his plan. That his sweet words, his feelings, and his efforts were all fake. He deluded me.

"Cerestine, I'm worried. Can you please tell me what's happening? Is it about your grades?" si Mommy nang makapasok na sa kwarto ko.

Hindi ako nakapagsalita kaagad dahil mas pinokus ko ang sarili sa pagpipigil ng luha. I reminded myself countless times that Sylvan is not worthy of my tears, but I can't bear the pain anymore. Kung hindi ako iiyak, mababaliw ako.

I can't write or paint about this to alleviate, he'll be included in my craft again. At mas lalong hindi siya deserving do'n! My talents are too precious. I won't pour any of my passion into him. Never!

"Sweetheart, grades don't define you, alright? Your Dad and I are still proud of you. May finals pa naman, anak. Makakabawi ka," pag-comfort ni Mommy sa akin dahil alam na niya ang pagbaba ng ranking ko.

Gladly, she thought it was because of that. Well, partly it was. Pero wala nang mas sasakit pa sa ginawa ni Sylvan sa akin. I thought he was really sincere. That somehow, it was genuine.

"Finish your meal, okay? Kabalik ko, dapat ubos na ito," paalala niya kaya tumango at ngumiti.

"I'll finish my lunch, Mom. Don't worry," I assured and lay on my bed again. Wala na siyang sinabi pa at lumabas na lamang ng kwarto ko. When Mom left, my tears rolled down again. Nonstop. I'm so disappointed and disgusted with myself. I'm better than this.

After minutes of crying, my door opened again. Akala ko si Mommy ulit na nag-aalala na baka hindi pa ako kumakain pero si Constance na galit na galit ang bumungad. My lips trembled from the sight of him. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot dahil nandito siya. I already know what he'll say.

"What did he do?" he said with so much conviction. Na para bang sigurado at alam na agad niya ang nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero tila sigurado siya.

"C-Constance..." Nautal ako at hindi nakapagsalita nang maayos. I can't lie to him. He knew it already, but I don't want any troubles or additional problems at this moment. Hindi siya kalmado at baka kung ano pang magawa niya gayong mainit ang ulo niya.

"Fuck, Cerestine. I already told you many times. Tarantado iyon. Hindi ka kasi nakikinig, eh!" pagalit niyang sabi at palakad-lakad sa kwarto ko na tila hindi mapakali.

"No, it's not about Sylvan," giit ko ngunit tinawanan lamang niya.

"Don't lie to me," He inhaled and balled his fist.

"Ano'ng ginawa niya?" tanong niyang muli at dumilim ang mga mata niya na nakatingin sa akin. My lips quivered more. My eyes watered again. Hindi ako nakasagot at tinakpan na lamang ang mukha para hindi makita ang pagbuhos ng panibagong luha.

"Ceres, answer me. What did he fucking do?" My brother asked softly, but still, anger was evident.

"Hindi, wala. Kasalanan ko naman. Tanga ako," I cried. Nanginig at nanlamig ang mga kamay kong nakatakip sa aking mukha. Everyone warned me about him. I deserve what I tolerate, right?

Symphonic Waves (Ciudad de Escalante #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon