CHAPTER 49

208 3 1
                                    

Last day na namin sa London!

Nasa kwarto ako ngayon ni Amy kasama si Aggie.

Nakahanda na lahat ng gamit namin at nakapang-alis na kami.

Mamaya pa ang schedule kaya nakahilata kami sa kama at nakasandal sa head board.

Magkabilaan kami ni Amy habang nasa gitna si Aggie.

Bahagya kaming pinalo ni Aggie,
"Uy ah, chat chat parin ah. Mamimiss ko kayong dalawa."

Dinantay ko yung legs ko sa kaniya na parang unan,
"Oo naman. Ikaw pa ba?"

Niyakap naman niya ako,
"Yiiieeee labyou"

Umupo si Amy,
"Nako nako baka nga ikaw di magreply diyan, Ate Aggie eh. Ganyan mo rin ba sabihan ng labyou si Kuya Ted?"

Hala weh?!

Tinanggal ko legs ko kay Aggie,
"Ted?! Sinagot mo na siya??"

Nagtaklob ng unan si Aggie,
"Oo"

Napaupo ako,
"Oh my gosh! Since when? Bakit hindi ko napansin?! Bakit hindi niyo sinabi?!"

Tumawa si Amy,
"Hindi daw kasi niya masabi sayo. Tapos hindi pa daw siya sure kung tatagal sila ni Kuya Ted."

Hinampas ko yung unan na hawak ni Aggie,
"Hoy! Kailan pa yan ha? Saka bakit ka naman nag-aalanganin? Mukha namang matino si Ted ah."

Umupo narin si Aggie,
"Matagal na kami! Naalala mo nung nalasing si Ted?"

Wait...

"Yung after ng shooting?" tanong ko

Tumango siya,
"Yep. Then after nun, tinext ko siya na need namin mag-usap?"
"And then?" nag cross ako ng arms

Tinuro niya si Amy,
"Dumating si Kuya Ted habang naglilinis kami at nag-usap na sila."

Napaisip ako bigla.

Teka

Napakunot ako ng noo,
"Ibig sabihin, madalas na kayo mag-date ever since?"

Sumingit si Amy,
"Sobrang dalas, Ate! Tapos kada break time binubuksan agad niya locker niya para replyan si Kuya Ted. Tapos minsan nga tumatawag pa eh."

Aaaaaahhhh

Hinawakan ko si Aggie sa braso at ginewang gewang.
"Kaya pala lagi nang good mood si Ted!! Naalala ko nung may shooting si Thomas sa Neal Yard tapos ito naman si Kuya mo Ted nakangiti sa harap ng cellphone! Boy meme daw yun tapos ikaw pala kausap!"

My gosh

"Really? Nakangiti siya?" nakangiting tanong ni Aggie

"Oo, weird nga eh" sagot ko sa kanya

"Cutiiiieeee!!" hinampas hampas niya ako

Tinulak ko siya.

Aray ah

Masakit

Kinikilig yarn?

Bugbugin kita dyan

Hinimas ni Amy braso ko na pinaghahampas ni Aggie,
"Ate, diba mashakit? Mapanakit yan si Ate Aggie kapag kinikilig kaya huwag ka na magsasabi ng ganun tungkol kay kuya Ted."

Tinitigan namin ng masama si Aggie,
"Oo nga"

Niyakap niya kami ng kapatid ko,
"Sorry naaaa!"

My Dream Boyfriend Is My BossWhere stories live. Discover now