"there's a time when you have to stop crossing oceans for people who wouldn't jump a puddle for you."
.
.
.
.
.
.
.Nang aalis na ako para maghanap ng bagong libro babasahin ay muli siyang nagsalita.
“panyo mo.” Saad niya.
Nilingon ko ang inupuan ko kanina at nandon nga ang panyo ko.
“babalik pa naman ako.”
Hindi na siya nagsalita pa pero alam kong narinig niya ang sinabi ko. Sineryoso na yata niya ang pagbabasa don. Siyempre interesting naman talaga basahin ang librong iyon. Hindi pa ako nakakalayo sa pwesto ko nang makita ko si Mark doon sa malaking table, marami siyang kasama. Lumipat sila doon para mas malaki ang space kasi marami sila. Yun ilan don ay mga kakilala ko, mukhang mga kasama niya sa research group mga yan. Nagdidiscuss sila tas ilan ay busy sa laptop. Mga apat na table lang pagitan namin dito sa table namin ni Hanimark. At madadaanan ko ang table nila para pumunta sa book section. Matapang lang akong landiin si Mark pag mag-isa siya. Pero pag ganyan na may kasama siya ay natatanggalan ako ng buntot.
Tatalikod na sana ako nang tinawag ako ni Melody. Yung isang kasama nila. Kaklase ko rin siya noon last year at medyo naging kaibigan ko rin. Mukhang masungit pero sadyang prangka lang talaga at mabait naman.
“Amara! Amara Magastino!” medyo sigaw pero pabulong. Basta ganon hahaha. At dahil tahimik sa library talagang maririnig ko yun. Wala rin naman sumita sa kanya kasi lumabas yung librarian. Napilitan akong lumingon sa kanila at hinanda ang pilit na ngiti para magmukhang masaya ako na nakita ko sila, kunwari pang wala lang na wala akong ginagawang kalandian dito sa isang kasama nila na ramdam kong nakatingin sa akin. Pangiti-ngiti lang din at minsan ay nagtatanong sa mga kasama niya about sa diko alam na bagay. Nang makalapit ako sa kanila ay ako na agad ang nagsalita. Mukang cool lang pero deep inside hiyang-hiya na. Hindi kasi alam ng mga ito ang kagagahang ginagawa ko, pangungulit ko kay Mark. Nasa iisang circle lang kami kasi dati. Pero dahil irreg ako at minsan pa silang makasalubong man lang sa school ay kinalimutan na ako sa circle nila.
“kamusta third year?” tanong ko sa kanila. Pangit-ngiti lang naman sakin ang isang lalaki at dalawa pang babae na kasama nila na hindi ko kilala.
“Eto hirap nga sa research eh. May isa pa na case study.” At doon nagstart ang kamustahan when in fact gustong-gusto ko ng umallis dito. Pero mukang nagbago yata ang mood ko nang tinabihan ako ni Mark at casual na nakipag-usap. Na parang hindi ko siya kinukulit sa messenger, nagsesend ng mga lyrics video about love, eww. Corny ko talaga pag iniisip ko yun pero natatawa na lang ako habang sinesend sa kanya. Sineseen niya lang yun at wala siyang respponse kahit emoji man lang.
“second year ka ngayon diba?” tanong niya sakin.
“oo, second year regular. Tas next sem magiging irreg third year na naman.” Sagot ko.
Kating-kati akong tanungin sa kanya ng personal kung totoo bang may girlfriend na siya. Kasi nasabi niya sakin yun dati eh nung umamin ako sa kanya eh.
Flasback
Bakasyon ng time na yun nang may nakita akong video sa tiktok. Edit siya kung saan may nakasulat na “kunwari hindi kita pinapansin sa school pero deep inside pinagmamasadan talaga kita” with music. Sinend ko sa kanya yan sa messenger. Natatawa pa nga ako eh at wala lang sakin yan, trip trip lang sana dapat yan kaso totoo naman na crush ko siya non pero medyo mababaw lang. Nung dipa siya nag seseen ay inisip kong pahabulan yun ng jokes like nang-aasar lang pero ewan ko ba ano inisip ko nung time na yun at medyo sineryoso ko. Like, nandito na bat diko na lang totohanin ang pag-amin ko sakanya.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Heiress
RandomI have no desire to be an heiress, living a life of extravagance and possessing things that most people cannot afford. Instead, I long for a life that is vibrant, carefree, and filled with contentment. What truly matters to me is being loved and car...