Chapter 7

14 8 0
                                    


Sinamaan niya ako ng tingin at binitbit ang storage box saka nauna na namang naglakad. Napapalayo na yata kami sa kabihasnan. At itong kasama ko mukhang sanay na sa ganitong adventure. Naaalala pa rin kaya niya yung mga dinaanan namin? Paano kami makakabalik kapag? Hindi kami naglagay ng palatandaan kanina sa mga dinaanan namin.

Imposible pang mahanap namin ang yung iba, sa lawak ba naman nito.

Medyo makulimlilm na rin dahil mukhang uulan pa. Matamlay na akong nakasunod lang sa kanya at medyo nabibigatan na sa camerang nakasukbit sa leeg ko. Napansin yata ni Hanimark na natahimik ako sa likod niya kaya nilingon niya ako. Hindi siya nagsalita pero hinawakan niya ang braso ko, magaan lang ang paghawak niya doon. Medyo hinila niya ako at itinabi sa kanya. Kinuha niya ang camera sa leeg ko at siya na ang sumuot doon. Pagkatapos ay nilipat sa kaliwang kamay niya ang hawak niyang storage box at gamit ang kanang kamay niya ay inalalayan akong naglakad.

"looks like it's going to rain. We need to find a shelter for the time being. We're too far to go back immediately baka abutin tayo sa daan ng ulan."

Sa gitna ng paghahanap namin ay unti-unti nang pumatak ang ulan.

"I think there's a cave there." Sabi niya.

Inalalayan niya akong sa pagtakbo kasi nababasa na ang mukha namin, mabigat na nga ang hawak niya tapos pabigat pa ako. Mukhang malaki ang nagawa kong perwisyo sa kanya. Paano kaya kung hindi ako sumama? Edi mas marami siyang nadiscover na plants. Yung nahanap namin common plants pa.

Nakarating nga kami sa cave na sinabi niya. At pwede nga itong silungan. Tinignan ko ang oras, 5 na pala ng hapon. Kung magpapatuloy ang ulan ay siguradong gagabihin kami dito at baka di na kami makauwi.

"you okay?" nag-aalalang tanong niya. Binaba niya ang malaking bag at box tapos ay lumapit sa akin. Basang-basa na rin ang buhok niya at tumutulo pa ang tubig sa mukha niya. Hindi niya iyon pinansin at lumapit sa akin na basa na rin.

Napatulala na lang ako sa kanya nang walang alinlangan niyang inayos ang magulong bangs ko na tumatakip sa mukha ko. Inayos ang buhok ko at binuksan ang bag niya, kumuha siya roon ng extra na shirt niya. At pinunas iyon sa buhok ko para kahit papano ay mabawasan ang basa.

"wala ka nang pampalit." Sabi ko habang pinunasan ang buhok ko.

"I have another extra in the bag."

Sanay nga talaga siya sa ganito. Ang dami niyang dala para ready pag ganon na may unexpected na mangyari. Tapos ako na sarili lang ang bitbit, camera at selpon wala pang signal at katamtaman na bag na puro walang kwentang laman. Naiiyak na ako. Feeling ko sobrang pabigat na ako sa kanya talaga. At gusto ko nang umuwi kaso ang lakas pa ng ulan.

Napansin niyang medyo namumula ang mata ko dahil sa namumuong luha kaya hinawakan niya ang pisngi ko. Tumitig siya sa akin ng malamlam, halos isang dangkal lang ang layo ng mukha naming dalawa kaya kita ko sa likod ng eyeglass niyang suot ang mga matang may mapupungay na tingin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Madalas kasi ay halos nakakamatay na tingin ang binibigay niya sa akin.

"what's wrong?" mahinahon na tanong niya.

"makakauwi ba tayo?" tanong ko gamit ang paos at nag-aalanganin na boses.

Tinitigan niya lang ako at unit-unting umiling. "not when it's still raining."

Lumayo siya sakin para ayusin ang mga gamit niya. Naghanap siya ng pwesto at nilapag doon ang manipis na tela. Umupo siya don. Lumapit naman ako at tumabi sa kanya,

"ano yan?" tanong ko sa ginagawa niya. Naglabas siya ng tumbler or thermos tumbler yata yun at baso. Kape? Wow. Apaka ready naman nito. Pati mga ganito, meron siya. Para siyang si Doreamon.

The Forgotten HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon