chapter 3

20 9 0
                                    

"when you open the need to control every outcome, you open yourself up to a carefree life full of serendipity and wonder."

.
.
.
.
.
.
.
.

Pag-uwi dito sa bahay ay nandito na naman si Cielo. Sa labas pa lang ay nakita ko na ang nakapark niyang sasakyan. Ba't hindi na lang niya pinasok sa garahe.

Pagpasok ko sa gate ay nakita agad ako ni ate Merlin. She’s 30  years old na at wala pang asawa at anak, she started working on me nung bata pa lang ako kaya halos nanay narin turing ko sa kanya. Yung parents ko? Ayun nagpapakayaman abroad. Iniwan nila ako dito sa pinas at pinagkatiwala kay ate Merlin. Iisang anak lang ako kaya spoiled if it’s about material things. Pero nasanay akong lowkey rich girl, charot. Nasanay akong lowkey status lang kaya yung mga mamahalin na bagay na pinapadala ng parents ko ay nakatambak lang iyon sa iisang room. At si Cielo, bata pa lang magkakilala na kami. Palagi rin siya sa bahay namin noong sa Manila pa kami nakatira kaya kilala na siya ng magulang ko at pinagkatiwala rin nila ako sa kanya. Nung umalis sila mama ay pinaayos nila ang lumang bahay nila mama dito sa probinsiya para dito ako patirahin. Mas safe raw kasi dito kesa sa Manila. Gusto nila akong isama abroad pero naisip ko wala rin naman silang time sa akin, ano pa pinagkaiba ng sumama ako sa kanila kung puro na lang sila trabaho diba?

“Nandiyan na pala si Amara!” sigaw ni ate Merlin habang sinasalubong ako.

Lumapit din sa amin si Cielo at kinuha ang bitbit kong mga gulay na pinamili ko. Bago kasi ako umuwi ay dumaan muna ako sa talipapa. Kaming dalawa lang kasi ni ate Merlin sa bahay at hindi ko siya pwedeng utusang bumili kasi alam kong pagod din siya kakalinis at kakalaba.

“nandito ka na naman, gabi na.” saad ko kay Cielo. Natawa lang siya at hindi niya dinamdam iyon. Sanay na iyon sa akin.

“ayaw mo na talaga akong makita ano? Aalis din ako agad, matutulog sana ako rito pero tumawag si mama.” Sabi niya na may halong nabubwisit. Pagkalagay niya yung mga gulay sa table dito sa kusina ay inopen niya agad ang ref at naghalungkat don.

“ano na naman problema ng mama mo?” tanong ko habang nakasandal sa gilid ng table at pinapanood siya sa ginagawa niya. Kinuha niya ang manok don sa freezer at dinefrost. Pagkatapos ay tinaas niya ang manggas ng kanyang long sleeve at kinuha yung binili kong wumbok para hugasan.

“kilala mo naman si mama. Pag sinabi niyang family dinner, kailangan kumpleto kami. Pag hindi nakadalo ay siguradong maghahanap na iyon ng ipapaasawa sa amin.” He said while washing the vegetable. Natahimik na lang ako dito sa likod niya habang pinapanood siya.

Natigilan siya at may pagsusumamong lumingon sa akin.

“I’m sorry. I forgot you’re sensitive about this.” He said. When it’s about family matters natatameme na lang kasi talaga ako kasi di ako makarelate. Pero hindi naman ako sensitive na tipong mag e-emote at magdadamdam. Namimis-understand lang niya yung pagkatahimik ko.

Umiling-iling ako at nagpaliwanag na wala akong pake dun.

“tapusin mo na nga yan, gutom na ako.” Pang uutos ko sa kanya at tumalikod na para pumuntang kwarto para magshower bago kumain. Ang lagkit na ng katawan ko.

“ay hala! Cielo, ako na diyan. Inayos ko lang saglit yung ibang pinamili ni Amara inagawan mo na ako ng trabaho ay!” Saad ni ate Merlin pagkapasok niya dito sa kusina. Nakipag-agawan pa niya kay Cielo sa ginagawa niya pero natatawa na lang si Cielo na pinapalayo si ate Merlin.

“ako na dito ate, parang dika naman na sanay. Lagi naman ako ang nagluluto pag bumibisita ako rito.” Natatawang sabi niya at wala na ngang nagawa si ate Merlin kundi magpatalo.
Nakalabas na ako ng kusina at hinayaan na lang sila doon sa loob.

The Forgotten HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon