Lagpas lunch time na nang makarating kami sa kabahayan. Gutom na gutom na kaming lahat kaya bago kami umuwi sa kanya-kanyang bahay ay pumunta muna kami sa isang restaurant. Ang haggard na naming lahat pero si Hanimark ay parang ang cool pa rin ng dating.
"boss, libre mo ba?" tanong ni Aaron. Sinabayan naman siya ng iba kaya tumango na lang si Hani. Ili-libre niya lahat ng 'to?
Pagkatapos naming kumain ay nakipagpilitan pa ako kay Hani na hati kami sa babayaran pero hindi siya nagpatalo. Dapat ako manlilibre sa kanila eh ang dami kong perwisyo.
"I won't let a woman pay for my meals."
"edi bayaran mo kinain mo, yung kinain ng iba lang babayaran ko." oh diba? Para mabawasan yung babayaran niya. Grabeness bente sila, idagdag mo pa ako kaya naging 21. Babayaran niya lahat ng kinain namin? Sinamaan niya ako ng tingin at don nga ay wala rin akong nagawa.
Pagkatapos kumain ay napagdesisyunan nang umuwi para makapag pahinga. Saka ko lang nalaman na sa iisang dorm lang pala sila pero ibang room section yung mga girls but sa iisang building lang din. Chineck ko ang phone ko at napagtantong lowbat iyon. Paano ko tatawagan si manong Efren nito?
"may pantawag ka?" tanong ko sa kanya. Nagsi-uwian na yung iba.
"shutdown." Nanlumo ako. Pagod na buong katawan ko kung magt-tricy pa ako pauwi.
"where do you go home?"
"medyo malayo na malapit lang din." Pagod na sagot.
"come with me." At hinila na niya ako. pagod na sumama ako sa kanya. Pumunta kaming dorm nila kaya ganon na lamang ang ngisi ng mga lalaking kasama niya. Nalampasan pa namin ang room ng mga girls, para silang sinisilihan na kinikilig. Pero si Ashley grabe makatingin sa akin nung nilampasan namin sila.
Binuksan na niya yung isang pinto at bago kami pumasok ay may pahabol pang biro yung mga lalaki. Isang matalim na tingin lang ang binato niya sa kanila.
Pagpasok namin don sa kwarto ay nagulat ako kasi ang inaasahan ko ay typical dorm room lang na mga double deck at marami siyang karoom mate. Pero itong sa kanya ay para nang apartment style. Is he that VIP student para magkaroon ng ganitong room? Provided ba ito ng school sa kanya or he pays rent?
Pinaupo niya ako don sa sofa, oo sofa. He instruct me to wait for him kasi magpapalit lang siya muna. While waiting for him to change ay naglibot-libot ako dito sa kwarto niya. Ay hindi pala kwarto ito, parang living room style tas yung pinasukan niya, yun yung kwarto niya. Ibang room din yung kusina niya. Mag-isa niya lang talaga dito? Dito sa sala ay may banyo, sa room din kaya niya?
Nang makita ang banyo ay napagdesisyunan kong maghugas muna doon kasi feeling ko ang lagkit na ng katawan ko. Pagpasok ko ay kumpleto ang mga toiletries niya. Hindi naman ako sensitive sa sabon kay naghilamos ako at ginamit yung sabon na narito. Pagkatapos ay lumabas ako. Sakto rin na lumabas siyang nakabihis na ng fresh. Napatigil pa siya at napatitig sa akin. Pero agad din siyang nakabawi.
May kinuha siyang susi na nakasabit don sa wall. "let's go." Wala akong ibang ginawa kundi sumunod at bumuntot sa kanya. Pumunta kaming likod ng dorm at doon nakita ang ilang mga motor na nakaparada. Ahh so may parking lot pala rito. Pinatunog niya ang isang pinakamagandang motor doon. Diko alam kung anong pangalan. My parent's business is about techs pero hindi ako nakikialam don kaya pati mga ganito ay hindi ako pamilyar.
"ang cool." Manghang nasambit ko.
Nahirapan akong sumakay kasi mataas siya. Bumaba siya at nagulat ako ng bigla akong umangat sa lupa. Binuhat niya ako na parang bata, binuhat sa may kili-kili at tinulungan na masakay. Tulala ako ng mga sandaling yun, saka lang ako bumalik sa ulirat nang nakasakay na siya sa harapan ko. "hold on tight." Kaya kumapit ako sa balikat niya. Napa 'tsk' siya sa hindi ko malaman na dahilan pero hinayaan na lang ako.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Heiress
RandomI have no desire to be an heiress, living a life of extravagance and possessing things that most people cannot afford. Instead, I long for a life that is vibrant, carefree, and filled with contentment. What truly matters to me is being loved and car...