Chapter 11

10 8 0
                                    

Naghalungkat ako nang naghalungkat. Halos ilabas ko na lahat ng laman ng bag kasi hindi ko yun mahanap. Maliit lang kasi yun kaya mahirap hanapin lalo na at naihalo iyon sa mga gamit na malalaki kaya natatabunan. Kaya nang mahanap ko ay nabuhayan ako ng loob.Kkaso nga lang pagtingin ko sa paligid ko ay ang kalat na ng mga gamit ko na basta na lang nilapag sa lupa.

"bwisit na buhay 'to!" ginulo ko ang buhok sa sobrang inis sa sarili at no choice na inayos na naman ang mga gamit.

"Neneng, anong ginagawa mo rito sa gitna ng gubat?" napapitlag ako nang marinig yung nagsalita habang inaayos ang mga gamit ko. nilingo ko siya.

Isang matanda, no, hindi pala mga nasa 40s lang siguro, pero dahil sa suot niyang mga lumang damit na halos parang basahan na at mga balbas niya na mahahaba ay nagmukha na siyang matanda. Matangkad siya at hindi ganon kalaki ang katawan. Medyo payat nga eh. Ang kinagulat ko ay ang hawak niyang itak.

Halos malanghap ko na lahat ng hangin sa lalim ng paghinga ko nang makita iyon. Pero bago ko ipakita sa kanya na natatakot ako ay sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at normal na kinausap siya.

Mabilis na inayos ang gamit at tumayo para makausap siya at mabilis lang gumalaw pag may ginawa siyang hindi kaaya-aya.

"ahh...naliligaw po kasi ako." natawa siya nang makita niyang patingin-tingin ako sa hawak niyang itak.

"pasensya na dito. Sakto lang kasi na mangangahoy ako tapos may narinig akong nagsalita banda rito kaya pinuntahan ko kaya kita nakita. Saan yung mga kasama mo? Mag-isa ka lang?" maayos naman na pakikipag-usap niya.

"mag-isa lang po ako. tsaka may pupuntahan sana akong sinasabi nilang village dito na malayo sa kabihasnan kaso diko alam yung daan." Ang tanga ko. ba't ko sinabing mag-isa lang ako. ganito talaga napapala pag sobrang honest eh, napapahamak.

"village? baka don sa amin. Wag kang umaakyat ng mag-isa sa bundok neneng lalo na at babae ka. Sa banda rito ay medyo ligtas pa kasi malapit pa lang ito sa kabihasnan at pinupuntahan pa ng mga tao at mga hikers. Pero pag napapalayo ka na rito ay maraming mga hayop diyan at hindi na alam ang posibleng panganib na mangyayari sayo."

Base on how he said those ay mukhang kabisado na niya ang gubat na 'to. Tsaka based on his tone ay maririnig mo ang totoong concern niya. This gives me the courage to trust him.

"salamat po sa payo. Ako po pala si Amara." Sabay abot sa kanya na kamay para magkipagkamayan. Kaso natawa lang siya habang tinitignan ang kamay ko. "tawagin mo na lang akong mang Toni, tsaka madumi kamay ko para makipagkamayan sayo."

"ganon ba. Malayo pa ba rito yung village niyo po?"

"malayo-layo pa, neneng. Kung gusto mo sumama ka na lang sakin para hindi ka maligaw."

I don't know if I can trust him fully. Tinitigan ko siya. Nakita niya siguro yung nag-aalanganin kong mga mata.

"naiintindihan ko kung ayaw mo. Pero ikaw ang bahala." He said at akmang aalis na.

Bahala na.

"wait!" tumigil siya.

"s-sama po ako." he smiled genuinely. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng pinapakita niya.

"tara na."

Tinulungan pa niya akong buhatin ang mga gamit ko. Yung itak na hawak niya kanina ay nilagay niya iyon don sa lagayan na nakatali sa bewang niya. Ako na itong nahihiya kasi another perwisyo na naman itong ginagawa ko. Araw-araw na lang ba.

Nagkuwentuhan kami habang naglalakad. Marami akong nalaman about sa kanya. Matagal na silang nabubuhay dito. May anak siyang isang batang lalaki na 10 years old. Namatay ang asawa niya dahil sa sakit na hindi nila kayang ipagamot dahil sa kapos sa pera. Tanging ang anak niya lang ang kasama niya sa bahay. Iniiwan niya mag-isa ang anak para mangahoy at maghanap ng pagkain, marunong naman ang bata sa mga gawaing bahay at alam na mga ginagawa.

The Forgotten HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon