Chapter 12

9 6 0
                                    

NARRATORS POV

"ate! Si Amara?" tanong ni Cielo pagpasok niya sa bahay ni Amara. Ngayon na lang ulit siya bumisita, wala pa ang dalaga.

"naku! Umalis siya. May lakad daw siya sa bundok."

Napakunot-noo si Cielo. "bundok? Anong gagawin niya ron? Mamamasyal?"

"ewan ko ba don sa batang yun. Hinatid siya ni Mang Efren kanina. Napansin niyang wala pa siyang kasama." Bakas din sa mukha ng babae ang pag-aalala. Maging si Cielo ay hindi rin mapakali at kinalikot ang phone para tawagan si Amara pero hindi yun nagr-ring. Walang signal sa bundok.

Napamura sa isip si Cileo. Shit! Why I am feeling nervous. Hindi ako mapakali hanggat hindi ko siya nakikita.

"may sinabi po ba siya kung anong oras siyang uuwi? Magdidilim na hindi pa siya matawagan."

Umiling si Merlin na hindi rin alam.

Meanwhile, may kadiliman na pero busy pa rin si Hanimark sa research niya sa laboratory. Nandon rin si Aaron, hindi pa siya umuwi at tinutulungan ang professor niya. Halos siya na ang naging assistant. May hinahabol silang deadline. Kailangan matapos ni Hanimark ang research niya ngayong gabi para bukas ay mafinalize for processing.

Hanimark is too serious and concentrate in his experiment. Maging si Aaron na kilalang hinahaluan ng humor ang trabaho niya ay seryoso rin ngayon. Ito ang research na hindi basta-basta. Dito nakasalalay ang pangarap ni Hanimark abroad. And Aaron is too supportive in him. Aaron is just a happy go lucky guy. May kaya ang pamilya nila at may business naman na pinapaikot, and his parents him want him to enroll in a business related course. Pero dahil medyo matigas ang ulo niya dati ay pinili niyang ienroll yung course na malayo sa gusto ng parents niya. At isa pa, mahilig siya sa plants, that's why he searched about it. Hanggang sa mabasa niya sa isang website ang tungkol kay Hanimark. Namangha siya rito at ginawa ang lahat para maging isa sa mga estudyante niya.

Nilahad ni Hanimark ang kamay niya kay Aaron. Nagmamadali naman si Aaron na iabot sa kanya ang processed liquid ng poinsettia.

Pero ang alam ni Aaron ay nahawakan na iyon ni Hani kaya binitawan niya. Sa kasamaang palad ay nahulog iyon sa sahig at nabasag ang maliit na boteng kinalalagyan niya kaya nagkalat ang laman.

"shit!/shit!" sabay nilang mura.

Kinabahan si Aaron at halos mamutla na sa kaba dahil iyon na ang last na huling step na gagawin nila kaso natapon pa. Napapikit ng mariin si Hanimark at kinalma ang sarili. He knows that this is not rational to be angry for. The best way is to find another solution as soon as possible.

"m-may extra pa pala akong tinago diyan! Yun muna ang gamitin mo. Pareho lang naman, gagamitin ko sana iyon sa research ko." mabilis na hinanap ni Aaron yung sinasabi niya.

Hindi na rin tumanggi si Hanimark kasi hindi na pwedeng ipagpabukas pa ito.

While waiting for the result of the solutions thay have mixed ay seryoso lang si Hanimark ngunit may pagkabalisa. He didn't know if he is just nervous with the result of their experiment or he's nervous with something he can't name. Pero sa kabila ng nararamdaman niyang iyon, he tried to looked normal infront of Aaron. Aaron is feeling something too but he just concluded na excited at kinakabahan din siya sa result. Kaya tutok na tutok siya sa magiging resulta.

After an hour ay napasigaw si Aaron.

"yesss! Boss! We did it!" masayang sigaw ni Aaron. While Hanimark is still processing something on his thought. Pero kahit ganon at hindi siya nagkulang ng atensiyon sa research niya. He listed all his observation while Aaron is cleaning the mess in the laboratory. Habang pinupunasan ni Aaron ang table na ginamit nila ay napapahinto siya. Napatingin siya kay Hanimark na nagtatanggal na ng lab coat.

The Forgotten HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon