Hinila ko si Mark sa likod ng building ng mga nursing. Doon kase may maliit na park na ginawa para sa mga gustong tumambay. Sakto lang at konti ang tao ngayon dito. Humarap ako sa kanya para kausapin siya. Funny nga dahil ako itong gusto siyang kausapin noon pero nawalan ako ng courage dahil sa mga narinig at nakita ko. Kaya this is my chance na para kausapin siya kasi siya na itong lumalapit. Nasuntok pa ni Aaron. Napabuntong hininga na lang ko nung makita ko ang pasa sa pisngi at bibig niya.
"Amara..." tanging salita na lumalabas sa bibig niya. Ang mga tingin niya ay halos parang nagmamakaawa. Para saan? Gusto kong tanungin. Pero ayoko ulit mag assume.
Hinila ko siya paupo doon sa isang upuan na may round table na kahoy.
"I know na naging malandi ako at parang tanga na nagpapapansin sayo. Ang mali ko ay sa messenger pa. akala ko binura mo na lahat iyon kasi sabi mo may girlfriend ka. Mark...." Nagsusumamong saad ko.
Umiling siya na parang tinatanggi ang kasalanang hindi niya ginawa. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko. Kung dati siguro na gustong-gusto ko siya ay baka hindi na naman ako patulugin ng saya ko dahil dito. Pero iba na ngayon eh. May lamat na. I tried my best to love him by just having him beside me as a friend or by watching him from afar. Kasi ayokong makasira ng relasiyon. Kasi alam kong hindi na pwede at mas lalong hindi pwede kasi siya na itong umiiwas. Kung sa panahon pa siguro na patay na patay ako sa kanya at kahit may girlfriend siya kung gusto niya rin yung ginagawa kong pagpapapansin sa kanya and he accepted me ay baka pinili kong pagbigyan ang bugso ng damdamin ko kahit pa maging isang third party. Pero hindi yun nangyari kasi alam niya ang ginagawa niya sa panahong hindi ko alam ang direksiyon na tinahak ko. Yun ang isa kung bakit kahit papano ay may respeto ako sa kanya. Kasi hindi niya hinayaan na matukso at patulan ako ng mga panahong iyon.
Sinubukan kong hilain ang kamay ko ngunit hindi niya iyon binitawan.
"wala akong alam. Wala akong ka-alam alam na nakita niya pala yung convo at iniscreenshot pa para ipost. I swear, saka ko lang nalaman na may ganong issue nung pinakita ni sandra sa akin yung post."
"sandra? Yung ex mo?"
Lumunok siya at alanganin na tumitig sa mga mata ko.
"o-oo. Pero matagal na. The relationship we had before is purely platonic. Kaya casual na magkaibigan lang kami ngayon."
"so siya yung nagpost?" mapait na tanong ko. "pero parang ayos lang sayo na pinagtatawanan ako habang binabasa yung convo sa harap mo?" naiiyak na sabi ko. kasi tangina naman. Ano pa ang purpose ng pag-uusap namin 'to kung parang wala rin naman pala sa kanya. Ano nandito siya para magsorry? Mag paliwanag? Ano pa? anong ipapaliwanag niya.
Yumuko siya.
"hinayaan ko sila kasi hindi ko kayang sitahin sila. Tsaka isa pa ay wala na rin naman akong maitatago, hindi ko rin alam paano iexplain sa kanila kung bakit----"
"p'tangina naman! Mark!" nagulat siya sa pagsigaw ko kaya nabitawan niya ang kamay ko nang hilain ko ito at lumayo sa kanya. Hindi ko parin alam kung bakit sa kabila ng sakit ay parang wala ng lumabas na luha ko. Sinubukan niyang lumapit sa akin pero lumayo ako sa kanya.
"maling mali ang pagkakakilala ko pala sayo! You're too kind.....too kind para hindi manlang malimitahan ang mga kaibigan mo sa pakikialam sa privacy mo. Hindi mo manlang sila mabawalan, and you...you don't know how to keep privacy either. Oo kasalanan ko, pero bakit kailangan pang ibroadcast? Paano nila nahanap kung dapat natabunan na iyon sa mga messages! tinigilan na kita eh. Ayos lang sana kung noong kinukulit pa lang kita saka nangyari 'to. Pero bakit ngayon pa na nakaka abante na ako."
"I'm sorry..." tanging saad niya sabay yuko. Mapait akong tumawa. Ganon naman talaga eh. Aside sa sorry ano pa ba ang dapat sabihin pag may mali kang nagawa? Pero nangyari na eh. Tapos na kaya walang magagawa kundi tanggapin na lang.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Heiress
RandomI have no desire to be an heiress, living a life of extravagance and possessing things that most people cannot afford. Instead, I long for a life that is vibrant, carefree, and filled with contentment. What truly matters to me is being loved and car...