Naupo ako sa tabi niya at halos idikit ang mukha ko sa kanya. Grabe wala siyang kapores-pores. Ang kinis ng mukha niya.
"sama ako." With beautiful eyes pa.
Nilayo niya ang kanyang mukha at gamit ang kanyang hintuturo ay tinulak niya ang ulo ko ng dahan-dahan kaya nakanguso ako sa kanyang lumayo.
"no." maikling sagot niya.
"yes." Pagpipilit ko sa kanya. May gagawin pa nga pala ako bukas. Yung balak kong b-byahe pa pasig pero pwede naman iyon ipagpaliban muna hahaha.
Hindi na siya nagsalita kaya nagpaalam na akong aalis na kasi chat na nang chat si Melody.
"7 am sharp." Pahabol ni Hanimark nung paalis na ako. Napa-yes! na lang ako pagkalabas ko at pinaplano na ang mga adventure na gagawin ko bukas.
Nagtext ako kay ate Merlin na ayusin lang konti ang bahay kasi may bisita ako na mag s-sleep over, though lagi namang maayos ang bahay pero sinabi ko yun para aware siya na may bisita ako. Baka magalit na naman na bigla-bigla eh may dadating.
Pumunta akong canteen at nandon na silang lahat.
"tara na." sabi ko.
"ayy wait. Maglalakad tayo or mag t-tricy na lang? walking distance lang naman pero medyo malayo hehe."
"don ba sa bandang nakita kitang naghihintay ng tricy?" tanong ni Mark.
"oo."
"malapit lang. sabay sakin yung dalawa. Yung iba, kayo na bahala yung lalakarin niyo or magt-tricy kayo." Saad niya.
"sabay ako sayo." Sabi nung si Reema. Napangiwi si Melody at napatingin sa akin. Matic naman na kami dapat ni Melody ang sasabay kay Mark pero meron yan.
"sige. Sino pa yung isa. Kasya na tayo don sa motor. Ikaw Mel?" tanong niya kay Melody.
"sabay mo na yung iba. Balikan mo na lang kami ni Amara, malapit lang naman sabi mo."
"mahal ang gas." Nakangising tugon ni Mark. Napairap si Melody. "sige kami na lang magt-tricy. Pero alangan naman na mauna kayo don tas mahuhuli ang may-ari ng bahay?"
Tumingin sa akin Mark pero hindi nagsalita.
"ikaw na Amara sumama sa kanila. Kami na magt-tricy." Sabi ni Mel.
Hindi pa ako nakakapagreact pero "so, ayos na! tara na para makapagsimula na tayo." Sambit ni Mark at nauna nang maglakad sa parkingan.
So ganon nga ang set-up. Nakarating kami sa bahay ng walang interaction sa aming dalawa ni Mark. Hindi muna kami pumasok at hinintay sila sa labas ng bahay. Si Reema naman ay kinakausap si Mark. Casual lang naman si Mark na nakikipag-usap sa kanya pero si Reema, the way she talk may halong flirt na. Habang pinagmamasdan ko sila ay unti-unti ko na naman nararamdaman yung inggit at paglalagay sa sarili ko na what if ako yung girlfriend niya tas saakin lang siya sweet, tapos kahit hindi ko siya nakikita ay loyal pa rin siya, alam niyang dumistansya sa mga babaeng dumidikit sa kanya, wala siyang pakialam sa ibang babae. Yan yung mga meron siya na kung bakit gusto ko siya. I can't say na mahal ko siya because there is thing feeling na hindi ko parin ma figure out.
Pagkarating nila Melody ay pumasok na kami ng gate. Patingin-tingin pa sila sa paligid ng bahay.
"kotse ba yun?" tanong ng isa naming kasama. "ay hindi barko. Kita na ngang sasakyan tatanungin pa." pambabara sa kanya ng isa. "ayy sorry naman, igno lang."
"sira ba yun kaya dimo nagagamit? Nagproblema pa tayo ng sasakyan kanina may sasakyan ka pala." Curious na tanong ni Melody.
"ah bago yun. diko lang ginagamit muna kasi di ako marunong magdrive." Maikling sagot ko at binuksan ang pinto para papasukin sila.
BINABASA MO ANG
The Forgotten Heiress
RandomI have no desire to be an heiress, living a life of extravagance and possessing things that most people cannot afford. Instead, I long for a life that is vibrant, carefree, and filled with contentment. What truly matters to me is being loved and car...