Chapter 1

1K 28 0
                                    

Mc Llishan Pov

ISANG malakas na suntok ang dumapo sa aking panga at isang sipa rin sa aking tiyan ang dahilan upang ma-out of balance ako at mapasub-sub sa simento. Wala akong makita dahil may piring ang dalawang mata ko at naka posas rin ang dalawang kamay ko. Hindi pa sila nakuntento dahil hindi pa ako nakakabawi nang sinapain na naman ako sa aking tiyan kaya hindi ko na mapigilan ang sumigaw dahil sa sakit at na pabaluttot na lang ang aking katawan.

Im just waiting for mercy dahil kung walang sasaklulo sa akin ngayon. Isa lang ang alam kung mangyayari sa akin ang mamatay ako rito dahil sa turtore.

"THAT B*LLSH*T!" isang galit na sigaw ang umalingangaw sa loob ng kwarto at na pangisi ako dahil kilala ko ito. Masakit na ang buong katawan ko kaya isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

Salamat naman at dumating siya! sabi ko sa akin isipan.

"Who told you to hurt him?!" tanong niya sa mga guards at pinatayo ako. Walang makasagot sa kanila kaya mabilis niyang hinampas ang mesa sa galit niya at pati ako napa atras na rin.

"Now leave us alone or else!"galit niyang utos at inalis ang piring ko. Naramdaman kung nagsilabasan na ang mga jail guard pero nagbanta parin itong officer.

"I'll f*ck*ng kill all of you!" pa habol niya kaya napailing na lang ako.

Officers Montefalco have kind of temper na hindi kami pwedeng pagsamahin dahil walang mapupuntahan ang trabaho namin dalawa kundi puros mura lang. Kaya mas gusto ko na lang dito sa loob!

"T*ng*na, muntik na ako doon, "Sabi ko habang tinitignan ko si Officer Montefalco na inaalis ang posas ko sa kamay.

" Tsk! "

He smirked at me at umiling kaya umiling rin ako habang hinahaplos ang pulsohan dahil ramdam ko ang hapdi at may daan ng posas.

"Hindi mo naman ako e inform na may ganito palang pa welcome dito sa US Disciplinary Barracks. Hindi pa naman magaling ang tatlong tamang natamo ko sa bansang Egypt!" wika ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at umupo sa harapan ko pero tumayo ako upang maunat ko ang katawan ko upang makadaliw ng normal ang dugo sa buong sistema ko at pagkatapos umupo rin ng sumeryoso ang mukha ni officer.

" Pag isipan mong mabuti itong dicision mo, dahil hindi kana makakalabas hanggang matapos ang mission mo dito sa Barracks, "Seryosong sabi niya at pinagcross ang dalawang braso niya sa dib-dib.

Nagbuntong-hininga ako at umiling. Kung iisipin marami akong kasalanan pero ni isang sumbat galing sa ex-wife ko wala akong narinig kundi ang binigyan ako ng halik at yakap. Sapat na iyon upang parusahan ko ang sarili ko dahil sa kabutihan niya sa akin.

"Sapat na ang dicision ko upang makatulong sayo at pati dito sa bansa,"Sagot ko. Taliwasan sa nasa isip ko at tumango rin naman siya.

"I will relieve you from Philippines National Police for 3 years at makakaasa kang pagbalik mo, isa ka ng Police Bagadier General."

Natuto na ako sa nakaraan ko at hindi na ako naghahangad sa promotion ngayon dahil sapat na sa akin ang maging tama ako sa babaeng minahal ko mula bata pa ako.

"Your to young Police Leutenant Colonial Sanchez, your like your daddy. Sabi nga ng daddy ko, " he compliment. Yumuko ako at ngumiti dahil lahat ng pinaghirapan ko galing sa kakayahan ko.

"Im so proud of you Sanchez. Kaya tama ako na sa inyo ko ito binigay, dahil alam kung kaya mo, "sabi niya sa akin at pagkatapos ay tumayo na. Na pa angat ako ng ulo upang tumingin sa kaniya. He give me salute at mabilis rin akong tumayo at inayos ang aking sarili at nagsalute rin sa kaniya.

Naunang lumabas si officer Montefalco at iniwan akong mag-isa sa kwarto. Wala na talagang atrasan ito kaya ngayon ay magfocus na muna ako sa mission ko dahil dito talaga siguro ang kapalaran ko. Ang dapat kung isipin ay ang makatulong ako sa bansa at maparusahan ang aking sarili sa malaking pagkakasala sa dati kong asawa.

Umupo ulit ako sa upuan ko at nag-antay ng ilang minuto kung sino ang susundo sa akin upang maihatid ako sa aking selda. Kailangan pagplanohan lahat ng gagawin dahil hindi madali ang trabaho kong ito dahil kailangan kung mag-ingat. Wala pa akong masiyadong kaalaman dito sa loob ng kulungan dahil unang- una sa lahat hindi ko pinangarap na pumasok bilang isang bilanggo andito ako dahil gusto kung parusahan ang sarili ko.

This is a dicision that I choose to be made. Hindi ko sinasabing no choice ako. Ang gusto ko lang ipaintindi sa hinaharap ay? Ito, ito lang kasi ang paraan na alam ko upang mapatawad ko ang aking sarili sa kasalanan ko sa dati kong asawa.

When, I was in the battle of Egypt. I realised the hardship of being a uniformed man. Doon ako naka pag-isip na palayain ang aking asawa dahil kailangan. I give her pain. Iyong sakit na hindi pwedeng gamotin ng mga gamot kung ererecita ng doctor. She suffered from me, she give everything like pag - aaruga pag mamahal pero anong sinukli ko? Sakit ng loob at parusa dahil sa pag seselos simula pagkabata at marami pang iba. Kung iisipin sa paraan na lang na 'yon hindi na ako mabuting tao! Tapos naki-pagsapalaran sa gyera para sa kaligtasan ng mga tao.

That was ridiculous I made to myself in Egypt!

God open my vision to accepted the fact at palayain ang dapat palayain at magsimula sa panibagong yugto ng aking buhay dahil naniniwala akong kailangan ko itama muna ang aking sarili para maging tama ako sa kaniya kung talagang kami ay para sa isa't-isa. I do believe in second chance. Yes! Naniniwala ako dahil noong natamaan ako ng tatlong bala sa katawan dahil sa batang niligtas ko. Akala ko iyon na ang huling hininga ko pero miracle na rin na nabuhay ako dahil naalis ni Psalm ang mga bala sa katawan ko na sa San Francisco pa tinangal...

Tumayo ako at sumunod sa jail guard na siyang sumundo sa akin. Palinga-linga ako sa mga selda madaan namin upang makiramdam kung may negative energy akong mararamdaman sa nasa loob nito. Hanggang sa marating namin kung saan ang selda ko. Na pa antras ako dahil Atomatic na bumukas ang railing upang makapasok ako sa loob. Nilibot ng paningin ko ang loob ng cell kaya na pa iling na lang ako. Na patingin ako sa pagsirado ng railing kung saan electronic na ang nagpapagalaw sa bawat selda dito sa loob. This is it! Ito na ang araw na kung saan magsisimula na ang lahat.

The cell is to small and also the bed too. Tinignan kong maigi ang nasa loob ng selda ko para hindi ako maisihan. I checked that wall. Kinapa-kapa ko ito at noong ma pagtanto kung negative naman ay naglakad ako papuntang kama at umupo sa dulo nito. Hindi kakasya ang dalawang katawan dito sa kama dahil sakto lang ang isang katawan na makatagilid ka at makatihaya.

Pumikit ako at tumingala dahil ito na ang simula ng dicision ko!

A/N: Hello habebe! Happy new year po. Salamat po sa comment, criticism po sa pag susulat ko. Masaya po ako dahil nakakabasa po ako ng komento galing sa inyo, lalong - lalo na po sa pag korek ng aking pagsusulat. Makakaasa po kayong mas pagbubutihin ko pa po ang pagsusulat. Maraming salamat po. Just do comment lang po negative man po iyan o positive. Tatangapin ko po upang mas matuto pa po ako. Salamat po. Mahal ko kayo! ❤️

Emblem of Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon