DALAWANG linggo ang nakalipas simula nong pumasok ako dito at isang linggo na rin na ramdam ko ang sakit ng katawan ko. I didn't thought na ang bagal talaga ng oras dito sa loob kaya nakakabagot dahil ang bagal ng araw. Kinuha ko ang pagkain sa may kitchen area bago nag hanap ng bakanteng mesa. Nang makahanap na ako sa may dulo tinungo ko ito at umupo. Inayos ko muna ang mga pagkain ko at dahil bagohan pa lang ako dito wala pa akong kaibigan at simpre hindi ko pa masimulan kung anong dahilan kung bakit andito ako sa loob.
Nagsimula akong kumain habang napapa-iling dahil wala naman lang kalasa-lasa ang pagkain simula noong una at hanggang ngayon wala pinagbago. Wala akong magawa dahil hindi naman pwedeng magreklamo na ganito ang pagkain kaya kinakain ko na lang din at sinusundan ng tubig para pumasok talaga sa tiyan ko. Naiisip ko tuloy ang dati kong asawa na ganito rin naman magluto noon dahil hindi naman marunong pero kapag kinakain ko ay natutuwa pa ako dahil kahit papaano ginagawa niya ang lahat para asikasohin ako at pagsilbihan bilang asawa, iyon nga lang nasaktan ko siya sa pag aakalang mas priority niya si Aaron kaysa sa akin.
Pinagpatuloy ko ang pagkain nang maubos ko ito at akmang tatayo pero mayroong mabilis na umupo sa harapan ko. Kumunot ang noo ko dahil ayaw ko ng gulo kasi ako pa rin ang pinaparusahan ayaw ko ma punta sa bartolena ulit. Yumuko siya sa akin kaya hinayaan ko na lang din dahil kapag hindi ko ma pigilan ang sarili ko at ang temper ko baka sa silid na madilim na naman ako matutulog at pagtra-trabahohan ko na naman sa oval field ng isang linggo kung wala lang ang kapatid ko at si officer Montefalco. Iwan ko lang baka hindi ako abotan ng tatlong taon dito kasi failed ang mission ko.
Mahirap ang uniformed Man kapag ma-detained dahil mabigat ang ipapagawang trabaho sa'yo. May kaibahan sa ordinaryong preso lalo na dito sa US kaya kapag police at military ka at gagawa ka ng kasalanan sa batas dapat pag-isipan mong maigi dahil buhay mo ang nakataya kasi walang miracle dito sa loob ng kulongan. Okey lang sana kapag patayin kana lang daritso pero kapag na kulong ka at murder ang case ang kaso mo naku! kawawa ka nilalang dahil lahat ng mabibigat na trabaho ay ipapatrabaho sa iyo at bawal kang magreklamo hanggang matapos ang oras kung ilan ang binigay sayo dahil kakawawain ka lang.
Mabilis ang mga mata kong makita ang nilapag niya sa malapit banda sa plato ko. Nakakunot na ang noo ko pero mas kumunot pa.
"T*ng*na!"mura ko at mabilis na pinatungan ito ng plato ko para hindi halata kung sakaling mahagilap ng cctv camera. Kailangan kong mag ingat talaga dahil ako lang ang kawawa kapag makita ng taga bantay kung ano ito. Hindi ako pwedeng makampante dahil ang sarili ko lang ang kakampi ko. Tumayo ako at dahan-dahan na tumukod upang maabot ko ang tainga niya at bumulong.
"I f*ck*ng k*ll you!" bulong ko at dahan-dahan kung inangat ang plato kasama na kung ano ang pinatong niya kanina. Iniwan ko siya at tinungo kung saan iniiwan ang mga platong nagagamit namin katulad ng plato, baso at iba pa dahil huhugasan nito ng naka schedule na preso. Pumwesto ako sa hindi mahagilap ng cctv at nilagay ko sa garter ng brief ko ang pinatong niya sa mesa kanina. Maingat talaga ako dahil lahat dito cctv ang mata at always nag kakaroon ng surprised checking at bigla-bigla kang pahuhubarin bago ka papasokin sa cell mo.
Hindi purket may kakampi ako sa labas hindi na ako mag-iingat dahil hindi pwede iyon dahil mission ko ito at bayad ako kahit double purpose ito sa buhay ko.Mabilis akong pumunta sa loob ng bathroom na parang isang metro lang ang lawak at ang haba. Sa loob ng bilangguan ang bathroom lang ang pinaka safe sa lahat dahil may privacy ka at wala ng cctv.
Mabilis kong kinuha sa garter ng brief ko ang nilagay kanina sa mesa ko sinuri ito. Na pangiti ako dahil ito na ang simula ng mission ko. Binuksan ko ito at binuhos sa may basin at ginamitan ko ito ng flushed para kahit papaano walang evidence na may nakuha akong ganoon dito sa loob. Lumabas ako sa bathroom at tinungo ang maliit na kama upang huminga.Kinapa ko ang tama ng bala sa tagiliran ko pati sa bandang tyan ko kahit papaano ay dahan-dahan ng nagkakascar pero may sakit parin. Mayroon pa akong tama sa may likod ng balikat ko na alam kung si Psalm ang doctor na naka alis ng bala sa katawan ko. Siya lang!
Nag-aagaw buhay ako noong time na iyon dahil infected na ang tama ng bala sa katawan ko kasi hindi maalis ng doctor sa Egypt dahil lock of equipment sila doon kaya inuwe nila ako sa California pero sa San Francisco nila ako inoperahan. Nanghihina na ako noong pero malakas parin ang pang amoy ko kaya amoy ko ang pabango ng asawa ko at naniniwala akong siya parin ang doctor ko pero malungkot man isipin na pagdilat ng mga mata ko at gusto ko siyang makita noong hinanap ko na siya. Sinabi lang naman nilang hindi raw siya ang nag-alis ng bala sa katawan ko. Ayaw ko maki pag-argue sa magulang ko dahil sapat na ang paniniwala ko at alam ito ng puso ko.
Habang nagpapagaling ako sa California doon ako gumawa ng final decision na kailangan ko munang palayain siya dahil kailangan kong harapan at baguhin ang sarili ko upang maging tama ako para sa kaniya. Kailangan kong itama ang dapat itama dahil para rin ito sa sarili ko at kung siya man talaga ang kabiyak ko alam kong lahat ng bagay may tamang oras at tamang pagkakataon na alam kong ang Dios lang rin ang nakakaalam ng lahat. Kailangan lang natin maghintay kung ano ang vision na ipapagawa niya sa'tin at sa buhay ng bawat isa because God is the Author of human being.
Pagkatapos kung trinabaho ang pinapatrabaho sa akin ng kaibigan kong si Axl Ken Montejo, na inbestigahan ang babae niya at ibigay lahat ng kailangan niya. Mula sa information kung saan siya nag mula at hanggang sa lolo ng lolo ng lolo niya at pagkatapos saka naman binigyan ako ng ganitong trabaho ni officer Montefalco at dahil para sa bansa. I'llngrab this opportunity to work with him at upang maparusahan na rin ang sarili ko sa mga kasalanan ko mula sa dating kong asawa at sa pagkukulang ko sa mga magulang ko at sa kapatid ko.
Hindi man madali ang decision ko dahil plano ko pa sanang ayusin ang pagsasama namin ng dati kung asawa after Egypt crisis pero... pinirmahan ko ang divorce paper at binigay ko ito kay attorney Marcus Levi para siya na ang bahala sa lahat dahil wala ng urungan ang lahat.
I'll confirmed the divorced paper kung okey na ba ito at kung na grant na.Bago ako pumasok dito sa loob ng bilangguan na isa na akong single at divorced. Napa tagilid ako at pumikit kasabay ng pagpatak ng luha ko sa mga mata. I really mis her, I really mis my life, pero alam ko pagkatapos ng tatlong taong na mapapalagi ko rito malaki ang pag babago ng lahat, lalo na sa buhay ko sa labas.
Kung binigyan lang sana ako ng anak kahit isa lang sana? pero hindi naman nangyari at hindi binigay sa akin ng Dios, dahil ang tinataniman ko ay siyang mas magaling rin pala at mautak kaysa sa akin. Nasalisihan ako doon dahil wala akong kaalam-alam na nagpalagay pala siya ng control implant niya. Walang silbi ang pagpapa doctor ko para lang makabuo kami pero hindi naman pala nangyari at talagang hanggang pangarap na lang ang lahat dahil gusto kung maging daddy pero hindi binigay iyon ni Psalm dahil busy siya sa hospital at kay Aaron.
BINABASA MO ANG
Emblem of Love (Book 2)
RomanceAng pagkakamali sa nakaraan ang nagbigay ng dahilan kung bakit gustong itama ni Mc Llishan ang kaniyang kasalanan sa pamamagitan ng mission nito sa kulungan. Hindi madali ang lahat sa kaniya dahil na rin sa decision na ginagawa niya gusto niyang par...