Chapter 4

484 17 0
                                    

ATOMATIC akong bumangon dahil sa sunod-sunod na ingay na nagmumula sa mga rehas ng selda dahil kinakalampag ito ng dalawang jail guard. Ang mga astig na guards na akala mo sa kanila ang batas.

"F*ck ang sakit sa tainga!" mura ko at tinakpan pa ng dalawang kamay ang magkabilang na tainga ko.

I know that it's already 12 midnight kaya tumayo ako at lumabas sa selda dahil oras na naman upang magbilang. Sa pagkakaalam ko para sa attendance ang pagkakalampag nila pero na pa iling na lang ako dahil ang dalawang jail guards ay mabilis na pumasok sa aking selda at hinalungkat ang mga gamit ko.

" It's surprise checking," wika ko at na pailing na lang. Hinayaan ko lang sila doon dahil kampante naman akong wala silang makukuha sa mga gamit ko dahil wala naman akong ginagawa pwera lang kung maglalagay sila.

Nag lakad na ako at pumili sa dating pila ko dahil checking for attendance na naman ang gagawin namin kung tama pa ba ang bilang o kung mayroon ng nakatakas na. Ganito ang routine dito sa bilangguan wala kang privacy dahil pagkatapos ng attendance babalik na naman sa selda upang matulog at magbilang ng mga darating pang araw.

Nagsimulang magbilang ang nasa pinakadulo sa unahan hanggang sa makarating sa akin. Huminga muna ako ng malalim dahil inaantok na talaga ako at pinipigilan ko lang.

"Lieutenant Colonel Sanchez, 859,"Sabi ko sa aking bilang at tumayo ng mabuti dahil kapag hindi mo gawin ang mga patakaran nila ay paparusahan ka lang. Sinasabi ko lang ang mga nangyayari sa loob dahil sa kanila ang batas at wala kang magagawa. Example, hindi ka nga lang makatayo ng matuwid isang malakas na hampas ng batuta ang tatama sa mga binti mo o isang suntok sa sikmura. Ganyan sila ka brutal. That's a reality of being a prison!

"Sanchez?" tawag sa apilyedo ko kaya na palingon ako. Though kilala ko ang boses na iyon pero hindi ako sumagot dahil hindi ako sigurado at baka hindi naman ako ang tinatawag niya kasi hindi lang naman ako ang Sanchez dito. Sumabit nong lapitan niya ako kaya mabilis akong sumaludo para respeto sa kapatid ko.

"Come to my office, " utos niya at tinalikuran ako. Walang nakakaalm na magkapatid kami ni Mc Knard dahil masiyado siyang pribado.

Sumunod naman ako sa kaniya hanggang marating namin ang sinasabi niyang office. Mc Knard is one of the officer here nakaka proud bilang kuya niya. Sadyang dito talaga niya gustong magtrabaho sa America dahil nasa Pilipinas na raw ako sapat na raw ang Sanchez doon kaya dito talaga siya nagpursue at hindi siya na pigilan ni daddy.

"Sit down kuya, " pag-ooffer niya ng upuan kaya hindi naman akong nag dalawang isip na umupo sa harapan niya.

"Salamat," tipid na ani ko.

"How are you here?" seryosong tanong niya at tumayo na ulit.

"I'm good bro. At nag a-adjust pa sa mga bagay-bagay na malayo sa trabaho ko, " Sagot ko habang sinusundan siya ng tingin. Nakita kung may kinuha siyang pagkain sa kabinet niya at lumapit muli sa akin. Ngumiti ako sa kaniya bago niya nilapag ang pagkain sa harapan ko.

"Tinatanong kana ni daddy," inporma niya kaya na paangat ako ulo at seryoso niyang tinignan. Hindi muna ako nag tanong kung bakit dahil gusto kung marinig ang susunod niyang sasabihin.

"Tinatanong ka kung nasaan kana raw at simpre hindi ko siya masagot dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko,"  Pa alam niya. Nagkibit balikat ako at sumubo ng pagkain bago nag salita.

"Sabihin mong okey lang ako at wag na wag mong sasabihin na andito ako dahil baka patayin niya tayo," Sabi ko at tumawa.

"Im serious, kuya. Im not joking here, " Seryosong sabi niya sa akin at padabog na umupo sa upuan niya.

"Im serious too bro," kibit balikat kong sagot.

"Edi ikaw lang ang papatayin kung sakaling malaman niya ang pinaggagawa mo kuya dahil labas na ako dyan."

"Whatever!" wika ko at nag kibit-balikat.

"Kumain ka muna at magpahinga bago ka babalik sa cell mo."Utos niya.

"Salamat Knard, " Salamat kung wika sa kaniya ng maalala ko ang binigay kanina sa akin.

"Is this room  recorded?" tanong ko, mahirap na baka ito pa ang dahilan na mabisto kami.

"This room is my private room, "Sagot niya at umiling pa.

"May nagbigay sa akin ng sachet, bro! " inporma ko habang kumakain.

"Nagsisimula kana ba?" tanong niya. Alam kung naka tingin siya sa akin dahil nararamdaman ko.

"Not yet but yesterday hindi ko inaasahan na binigyan ako, "Sagot ko at nag angat ako ng tingin kaya nagkatitigan kaming dalawa. Nag bunga siya ng hangin at tumayo kinuha niya ang wallet niya at binuksan ito at nag bilang ng mga dollars na cash.

"This," abot niya sa akin ng pera. He give me cash kaya nag-tataka akong tumingin sa kaniya at hindi ko muna ito kinuha dahil kumakain pa ako. Nakita kong nilapag niya sa harapan ko at hinayaan ko na lang rin.

"Pumunta ba rito ang isang General?" tanong ko dahil malakas ang kutob ko at hinala na siya ang may dala sa pinagbabawal na dr*ga. Feel ko kasi, pero feel ko lang!

"Yeah! yesterday," Sagot niya rin sa akin kaya tumango ako.

Kailangan kung malaman kung sino ang nagsusuplay ng pinagbabawal na gamot dito sa kulungan dahil ito ang binigay sa akin na trabaho. Sa ngayon sa akin muna ang hinala ko baka magkamali ako mahirap na mabulyaso ang lahat at ma pahamak pa ako.

Ako na lang ang gagawa ng investigation para masimulan ko ang trabaho hanggang matapos ang contract ko kay officer Montefalco.

"Salamat sa pagkain, " Huling sabi ko at kinuha ang pera sa harapan ko bago ako lumabas sa office niya at bumalik ulit sa selda ko.

Nag-iisip na naman ako ng plano dahil magsisimula na ako. Hindi ko alam kung tulog na ang ibang preso o parehas ko rin sila na nagmamatyag lang para hindi masalisihan at hindi pa hirapan ng taga bantay. Kailangan kasing alerto palagi dahil minsan ang kalaban mo ay hindi preso kundi ang nasa taas ang nanunungkulan. Humiga ako sa aking higaan at tumagilid upang makatulog na ako dahil panibagong araw naman ang sisikat bukas at lulubog kapag hapon na.

Emblem of Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon