Chapter 5

511 11 0
                                    

Tanghaling tapat at nasa oval field pa kami upang maghukay ng lupa. Hindi ko alam kung bakit ginagawa namin ito hindi ako sa nag-rereklamo pero wala naman ugnayan ang paghukay ng lupa dito sa bilangguan at basic lang naman ito sa akin kung tutuusin dahil police ako at isa na rin exercise.

Napatayo ako bigla ng biglang lumapit sa akin ang isang bilanggo. Kumunot ang noo ko dahil na mumukaan ko ito. Siya iying nagbigay sa akin ng sachet noong kumakain ako sa may kitchen area.

Pinunasan ko ang pawis sa aking mukha gamit ang laylayan ng aking damit. Bago ko siya tinignan mula ulo hanggang pa.

"Saan na iyong bayad mo kahapon?" tanong niya sa akin kaya na pa buntong-hininga ako at pinamaywangan siya. Siningkitan ko siya ng mata pero tinaasan niya lang ang dalawang kamay niya. Simbolo ito na hindi gulo ang nais niya kundi maningil sa sachet na inilapag niya kahapon.

"Pilipino ka pala, bakit ka na detained?" tanong kong sagot sa kaniya. Hindi naman ako chismiso pero parang nagmumukha ng ganoon dahil unang-una wala naman akong pakialam sa mga brethren dito ang importante kasi sa akin ang mission ko.

"Accident lang," maikling sagot niya at umiwas ng tingin sa akin.

"Sabagay, lahat naman ata ng nakukulong ay excuses nila, ang aksidente or self-defence."

"Mas malakas ang abogado ng kabilang panig kaya, Guilty ako," Malungkot niyang saad at yumuko.

Nakita ko ang pagdaloy ng kalungkotan sa kaniyang mga mata bago ito yumuko. Gusto ko tuloy siyang usisahin dahil ramdam kong siya ang magiging alas ko dito sa loob.

"What accident?"tanong ko ulit.

"Pagkakatiwalaan ba kita?" seryosong tanong niya.

"Ano sa palagay mo," sagot rin ko pero patanong ito. Na rinig ko ang pag buntong-hininga niya at tumingala. Alam kung nag-iisip siya kung kakampi ba ako o hindi.

"It's up to you brethren. Hindi kita pinipilit," wika ko.

Kahit gusto kung alamin para kahit papaano alam ko rin at masabi na mali ang ginagawa niya rito pero kung ayaw niyang sabihin okey lang dahil privacy niya naman iyon.

"Ang hirap Leutinant, wala akong magawa dahil andito ako sa America. Murder case ang kaso ko at self-defense lang iyon, " walang pag-aalinlangan niyang tungon.

"Mahirap talaga kapag dito ka sa America but you can defense yourself too. Maraming pagkakatiwalaan na abogado dito basta alam nilang nasa tama ang pinaglalaban nila," seryosong sabi ko.

"Bayaran mo na ba ang binigay ko sayo kahapon?" tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Mahaba ang sinabi ko pero iba ang sinabi niya kasi maniningil lang pala.

"Why do you need money here?!" tanong ko rin. Medyo tumaas na ang boses ko dahil seryoso na ako. Mahirap na masalisihan dahil maraming nang mapanglinlang ngayon.

"Para sa pamilya ko sa Pilipinas, " sagot niya.

"Babayaran kita kapag sasagotin mo ang tanong ko?" tanong ko ulit kaya tumango siya dahil nakaisip na ako kung paano ko siya magiging alas.

"Bakit kailangan mong gawin ang magbenta ng pinagbabawal na gamot?"

"Hindi mo ba alam na bawal iyon dito?" sunod na tanong ko.

Nagbuntong hininga siya ulit at tumingala bago tumingin sa akin at tumalikod. Bagsak ang mga balikat niyang naglakad kaya sinundan ko siya dahil hindi pwedeng makita kami na nagkwe-kwentohan dito sa labas ng oval field kasi paparusahan lang kami at may kaniya-kaniya kaming trabaho na dapat tapusin.

"Hindi alam ng pamilya ko sa Pilipinas na naka detained ako ngayon," Unang sabi niya at huminto sa paglalakad.Humarap siya sa akin at yumuko rin bago nagpatuloy sa kaniyang sasabihin.

"Hindi ko naman gusto ito Leutinant sadyang wala lang akong choice para sa kanila. Kailangan ko ng pera para matustusan ko pa rin ang pang araw-araw nilang pangangailangan."

"Why?" Nagtataka lang ako dahil nakadetained na siya tapos siya pa ang nagpapadala sa pamilya niya sa Pilipinas pero nagkibit-balikat lang siya sa tanong ko. Nararamdaman ko rin kasing kailangan niya ng pera kaya kinuha ko ang pera sa aking bulsa na para rin naman talaga sa kaniya.

"Bakit mo pala ako binigyan?" tanong ko ulit at inabot ko sa kaniya ang 500 dollars na siyang binigay ng kapatid ko. Alam kung malaki na ito sa Pilipinas kaya malaking tulong ito sa kaniya.

"Nafefeel ko kasing mayaman ka," sagot niya habang tinitignan ang 500 dollars. Kaya tumawa ako at alam kung nagulat rin siya sa pagtawa ko.

"How? I mean, papaano mo nalaman?"

"Your skin at alam ko rin may lahi ka pero bakit ka na detained?" kunot-noong tanong niya. Siya na rin ang nag-tatanong sa ngayon kaya hahayaan ko lang baka gumaan ang loob niya sa akin.

"My case is murder too but not self-defense. Kaya umayos ka!" banta ko sa kaniya at tinuro talaga siya. Na gulat man siya pero na pangiti na rin ulit dahil alam niyang may pagkakatiwalaan na siya dito sa loob ng bilangguan.

"At wala na tayong magagawa doon, accused na tayo pareho, self-defense man o hindi. Ang gawin na lang natin antayin kung kailan tayo lalabas at kung kailan bababa ang sintinsya natin. Kung ako sa'yo, magpakatotoo ka sa sarili mo dahil hindi lahat aayun sa'yo. Magpakabait ka rito sa loob at wag gagawa ng anomalya. Palagi mong iisipin ang dahilan kung bakit naging uniformed man ka dati."

"Anong ibig mo pong sabihin?" tanong niya sa akin.

"Life is not easy brethren. Kailangan natin matotoo sa lahat ng pagkakamali natin sa buhay. Kaya payong unang pagkakilala lang, wag mo ng ituloy yang ginagawa mo dahil baka pagsisihan mo bandang huli, " sabi ko at tinapik ang balikat niya.

"Pag-isipan mong mabuti. Lumapit ka lang sa akin para matulongan kita, " Huling sabi ko at iniwan na siya.

Bumalik ako kung saan ako ng huhukay ng lupa dahil hindi pa ako tapos. Masakit na ang tama nang sikat ng araw sa balat ko pero hindi naman pwedeng magreklamo dahil trabaho ko ito at kailangan ko itong matapos hanggang mamayang hapon bago lulubog ang araw upang makakain ako mamayang gabi.

Kailangan mong pagtrabaho ang pagkain mo rito kung gusto mong makakain ng okey na sa panlasa mo dahil ito ang katotohanan na hindi mo dapat pasokin dahil sinisigurado kong mawawalan ng saysay ang buhay mo.

Emblem of Love (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon