Protect
"I saw the headlines! Totoo ba? Russel Hermedilla forced you?!"
I had the worst headache this morning. Hindi ako nakatulog buong gabi. I finished a bottle of wine, but it still wasn't enough to put me to sleep.
Laglag ang panga ni Ronnie habang panay ang scroll sa laptop niya. Nag-iwas ako ng tingin at sumimsim na lang sa kape ko.
"These headlines are vile! And the worst part is, there were pictures to prove their articles! They recorded your statements! At ngayon, alam na ng lahat na ikaw si Chantel Corbilla! The Hermedillas must be furious!"
Hindi ako umimik. Tahimik lang akong nakatitig sa kape ko. Its bubbles reminded me of Russel's eyes when he looked at me after what I said to the media. Kitang kita ko kung paano siya natigilan sa pagpupumiglas sa mga bodyguards niya para makalapit sa akin. Hindi ko alam kung tuluyan ba siyang nakawala dahil nakatakas na ako.
"You're executing your plans effectively! Malaking problema ito sa mga Hermedilla! Now, they'd really have to make a statement! How do you feel?!"
"I'm... satisfied," I drawled as I imagined Russel's face. "I didn't plan on seeing him there, but I guess it turned out in my favor..."
"Yes, it did! Mas lalong lumaki ang suporta ng publiko sa 'yo! Lalo na dahil may mga pictures bilang patunay!"
That's great to hear. I guess I'm doing a great job. It might be at the expense of Russel, but I really shouldn't care.
"Nag-alala pa naman ako! Paniguradong susundan ka ni Russel, lalo na dahil panay ang tawag niya sa akin noong nasa airport tayo! Nag-alala ako na kapag nasundan ka, at nakita mo siya, manghina ka na at makalimutan ang mga plano mo-"
"Ronnie!"
"Aminin mo! Kahit ganito ang sitwasyon, hindi malabong malibugan ka pa rin do'n!"
Napatayo na ako sa lamesa. Ronnie looked serious about everything he said, though. He was really worried I might give in to Russel. Napailing ako at kinuha ang mug at platito.
"I'm just saying! Kung hindi ko nalaman ngayon na si Chantel Corbilla ka pala, at pagpapanggap lang ang ginawa mo noong magkarelasyon kayo, iisipin kong patay na patay ka sa lalaking 'yon! Kung pwede lang dambahan mo siya kahit saan, ginawa mo na!"
I slammed the door of my room. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi ni Ronnie.
Nahiga na lang ako sa kama. I reached for my laptop and opened it. I tried to reload the website to see if the Hermedillas had finally released a statement, but there's still none. Damn, they're hard to break, huh? Mahirap kalabanin ang pamilyang hindi takot sa opinyon ng publiko, at hindi palakausap sa media, pero hindi ako titigil hanggang sa maisakatuparan ang mga plano.
My phone beeped. It was a message from Miss Marielle.
From: Miss Marielle
I read the news. What are they talking about? You're Chantel Corbilla?
Napapikit ako nang mariin. I didn't plan on revealing myself to the public last night, but I had to take advantage of the opportunity to show the world that the Hermedillas want to silence me.
Pinatay ko na lang ang cellphone ko at pinilit matulog.
Puyat ako kagabi kaya nakatulog nga talaga ako kalaunan. I woke up to a blue hour. Kanina pa ako gising, at kanina pa ako tulala sa kawalan. I feel like I'm drowning inside my room. Its four corners starting to shrink, suffocating me if I stay any longer.
![](https://img.wattpad.com/cover/236023905-288-k971308.jpg)