Graduation
Arthea's POVNaglilinis ako ng kwarto ko habang nagpapatugtog ng mga kanta, nasanay na kasi ako na kapag may mga gagawin ako ay sinasabayan ko ng music, ng mag intro na ang kantang "Una't huling Pag-ibig" ni Yeng Constantino ay bigla itong tumigil at biglang nagring ang phone ko, ng tiningnan ko ito, ay tumatawag si Xyjan.
"9:30 ang start ng graduation namin, magbihis kana" bungad ni Xyjan na ikinagulat ko naman, jusko bakit ba nawala sa isip ko. Graduation nya nga pala ngayon. Napag-usapan kasi namin na ako ang sasama sa graduation nya, kasi s'ya rin naman ang nagpupumilit at pumayag narin ako kakakulit nya. Minsan lang naman s'yang humingi ng favor sakin kaya pinagbigyan ko na.
Nang mapatingin ako sa wall clock mas nataranta ako dahil 8:27 na, nagmadali akong pumunta sa cr upang maligo, matapos ito ay nagbihis na ako, hindi ko pa nalalabhan yung favorite kong pants kaya naman nagsuot nalang ako ng fitted na dress na kulay green, at nagsuot narin ng sneakers kasi di ako sanay maghills. Nilabas ko narin ang make up kit ko at nagsimula ng maglagay ng konting make-up. Naglagay ako ng concealer dahil ang eyebags ko ay malala na. Naglagay lang din ako ng blush on, liptint at konting shimmer sa eye lids. Hindi na ako nagkilay kasi sobrang kapal ng kilay ko, at lagi akong nilalait ni Xyjan sa kilay ko kasi para daw akong lalaki jusko. After mag make-up ay nagspray na din ako ng pabango.
Nang bumaba ako ng hagdan ay nandon si Zeyschell, ang kaibigan kong sira*lo at nanonood sya sa TV.
"San punta mo?" Tanong nya ng mapansin ang pagbaba ko.
"Uy, magbihis kana hatid mo ko, di pa kasi ayos itong kamay ko kaya nahihirapan ako magmotor." Sagot ko masakit parin kasi yung kamay ko dahil naipit sa pinto, kasalanan ito ni Zeyschell
"Ay wow, desisyon ah?" Saad nya sabay tayo, para uminom ng tubig, at sumunod naman ako sa kaniya.
"Graduation kasi ngayon ni Xyjan, bilisan mo na malalate ako" paliwanag ko naman, tumingin naman sya sakin at gulat na gulat ang mata.
"Ba't di mo sinabi agad, teka teka magjajacket lang ako" natatarantang saad nya at nagmamadali pang tumakbo pataas. Pagdating talaga kay Xyjan hay nako.
Pagkababa ni Zeyschell ay nagmamabilis na kaming lumabas ng bahay at nilock ang pinto, agad nyang ini-start ang motor at umangkas naman ako. Sana talaga ay hindi traffic.
Habang nasa byahe kami ay muli namang tumawag si Xyjan.
"Asan kana?" Tanong nito.
"Papunta na nasa byahe na, andyan ba si mama?" Tanong ko rin.
"Wala sya dito, sige intayin nalang kita sa gate, ingat ka bye, I love you."
"Sige malapit nadin naman kami, babye lovelots" tanging sagot ko at ibinaba ko narin ang tawag.
Malapit-lapit na kami sa school ni Xyjan pero 9:28 na. Hindi naman siguro agad magsisimula ang alam ko may picture- picture pa bawat student.
"Bilisan mo pa ng konti Zeyschell"
"Di ko nga mabilisan kasi sa pagmamadali natin, nalimutan ko yung salamin ko, blurred tuloy... Pag binilisan ko to, hindi sa school ang diretso natin, baka sa hospital." Sagot nito at nagawa pang tumawa.
Hindi rin naman gaanong nagtagal at nakarating na kami. Chineck ko ang oras sa phone ko at 9:38 na.
"Uuwi ka na ba?" Tanong ko kay Zeyschell.
"Hindi manonood ako ng graduation, balita ko ay may speech si Xyjan eh." Sagot nya sabay kindat. Hinintay ko munang i-park nya ang motor. At sabay na kaming pumasok. Hindi naman ako nahirapan na hanapin si Xyjan dahil nakaupo sya sa guard house na nakapwesto sa gilid ng gate.
YOU ARE READING
When Words Collide
Teen Fiction[UNEDITED] Posible nga bang magtagpo ang dalawang damdamin sa pamamagitan ng mga salitang may tugma? Paano nga bang ang mga matatalinhagang salita, na ginagamit sa pagtula, ang maging dahilan upang humanga. Paano kung pati ang panahon ay tila pumapa...