Chapter 16 (Beach)

168 9 0
                                    

Beach

Arthea's POV

Naging maayos ang surprise namin kay Xyjan, sobrang nagustuhan niya ang regalong motor namin ni daddy. Minu-minuto siyang nagte-thank you saakin, mas naiyak pa ako para sa kaniya, napakasaya ko kasi pag nakikita kong wagas ang mga ngiti ng kapatid ko.

Napagdesisyunan kong pumunta sa paborito kong beach resort, busy silang lahat maliban kay Xyjan kaya naman sinama ko na siya.Kahit sa ganitong paraan manlang ay malimutan ko kahit papaano ang mga nangyari kahapon.

Sobrang gustong-gusto ko ng makita si Zeyschell at Aizeth pero alam kong hindi iyon ganon kadali dahil sariwa pa ang mga sugat namin.

Masaya kaming nagbyahe ni Xyjan, higit siguro ang sayang nararamdaman niya dahil finally namamaneho na niya ang pangarap niyang motor. Ampon yata ako eh, ako lang kasi ang kaskasera sa pamilyang ito eh.

Agad akong nagbayad ng room dahil dito na kami matutulog, gustuhin ko mang mapag-isa ay inisip ko nalang na magandang bonding ito para sa aming magkapatid. Inilagay muna namin sa room na kinuha namin ang mga gamit. Parang kubo ang style noon na ang dingding ay gawa sa mga kawayan. May hagdan na apat ang hakbang bago makarating sa pinto. Patuloy parin akong humahanga sa lugar na ito, lahat kasi ng bagay na makikita mo ay gawa sa kahoy or kawayan. May dalawang kamang magkahiwalay doon, tig isa kami ni Xyjan. Malawak ang room na ito, kaya naman sulit ang bayad.

"Tara na sa baba kain muna tayo ng lunch." saad ni Xyjan at tumango naman ako, gutom narin kasi ako. Nagkape lang kasi ako kaninang umaga. Napaisip nalang ako, sanay kasi akong ang kinakain ay mga luto ni Zeyschell, namimiss ko na agad ang bumangon sa umaga na ipinagluto na ako ni Zeyschell at namimiss ko na din agad yung pagtitimpla niya sakin ng kape tuwing may ginagawa ako.

Umupo na ako sa lamesa dahil sabi ni  Xyjan ay siya na ang oorder ng pagkain namin, libre na din daw niya kaya naman napangiti ako. Habang nakaupo sa lamesa, ay natatanaw ko sa dagat ang isang pamilyar na lalaki. Natiyak ko lamang na si sir Gaddiel iyon nang humarap siya.

Naalala ko ang naging maikling usapan namin kagabi, alam kong may mabigat din siyang dinadala, dahil base nga sa nabanggit niya kagabi ay nagbreak na sila ng girlfriend niya, na baka yung babaeng pina-drawing niya sakin.

Nagkaroon na naman ako ng isang malalim na realization, yun ay ang lahat talaga tayo ay mayroong kaniya- kaniyang hamon o problemang nararanasan at nasa saatin nalang kung paano natin siya haharapin at lalampasan.

Lagi kong iniisip tuwing may mga problema ako ay wag dapat akong magpalamon dito dahil sinisiguro kong may mga taong mas higit pa yung pinagdadaanan kaysa sa akin. Minsan naiisip kong kaya siguro tayo nagkakaproblema kasi way yun ni Lord para lumapit tayong muli sa kaniya, dahil di man natin aminin ay alam kong may mga araw na talagang napapalayo na tayo sa kaniya dahil sa iba't-ibang kadahilanan.

"Ito na ang binili kong ulam Arte ha?" Saad ni Xyjan sabay turo sa boneless na bangus, barbeque, at nilagang baboy. Namiss ko ang tawag niya sakin, tinatawag niya ako Arte imbis na ate. Kailan kaya niya ako tatawaging ate? Hindi kasi siya nasanay na tawagin akong ate, kasi bihira naman kaming magkita habang lumalaki siya dahil sa ibang lugar ako nag-aral.

"Bumili din ako ng halo-halo." Dagdag niya pa habang nakangiti.

"Kamusta na pakiramdam mo?" Seryosong saad ni Xyjan tumingin naman ako sa kaniya na nakakunot ang noo.

"Naman ih, tinatry ko ngang kalimutan muna at mag-enjoy, pinapaalala mo naman." Napatawa nalang siiya sa saagot ko.

"By the way, gusto kong mag-take ng law Arte." Pag-iiba niya sa usapan at napahinto ako sa pagkain ng halo-halo ko.

When Words Collide Where stories live. Discover now