Cant Lie Quotes
Arthea's POV
"Wag ka masyadong mag-inom" Kung makapagsalita talaga si Xyjan parang 50 years old na, nagpaalam siya sa akin na pupunta muna siya sa pool kasi nabobored siya dito kasi hindi pa naman pwedeng uminom ang batang 'yon.
"I think we should try this," Saad ni Gaddiel patungkol sa binigay na alak ni mang Nestor. Tinry naman naming inumin iyon ng pumayag ang lahat. naglagay kami sa kaniya-kaniyaang baso ngunit lahat ay napatingin kay Gaddiel ng tunggain niya ang isang basong hawak niya. Gago ang sakit non sa tiyan. Inabangan namin ang magiging reaksiyon niya sa lasa, at hindi ko napigilan ang mamangha ng makita ang itsura niya na tila parang uminom lang ng tubig.
"Hala ang galing." Saad ko at nginitian niya naman ako. Mainit sa tiyan ang alak, at kahit mataas ang alcohol tolerance ko ay hindi ko kayang dire-diretsong tunggain iyon.
"I can also do that." Biglang saad ni Jazzer, at nabaling naman sa kaniya ang tingin naming lahat. Gaya ng ginawa ni Gaddiel ay tinungga niya din ang basong may alak. Wala ding naging reaksiyon ang mukha niya ngunit labis na namula ang kaniyang mukha.
"Bida-bida na naman ang mga kasama ko, sana sumakit ang tiyan nyo." Pagbibiro ni Kiefer, napatawa naman ang lahat.
Nakailang bote kami ng mga alak bago naisipang matulog na, okay pa naman ang lahat maliban kay Kiefer at Zeyschell na lasing na lasing na.
"Yung isang kubo nalang daw ang available. sinong gustong matulog sa baba at sa taas." Tanong ko.
"Sa taas nalang kayong dalawa ni Zeyschell. Sa baba nalang lahat ng lalaki." Mabilis na sagot ni Aizeth.
"I will go home." Saad ni Gaddiel habang nakatingin sa cellphone niya.
"Ay nako magtigil ka, gabing-gabi na mapano ka pa sa daan." Suway ko sa kaniya. Nagpupumilit pa siyang umuwi pero wala na siyang nagawa sa pagpigil ko.
"Papansin." Narinig kong saad ni Jazzer. Ang init ng dugo nila sa isa't- isa.
"Sa amin na lalapit si Xyjan ha? Di iyon makakatulog pag kung sino-sino ang kalapit."
Nakahiga na si Zeyschell sa sahig ng pinag-iinuman namin. Isang mababang lamesa lang kasi iyon at sa carpet lang kami nakaupo.
Aalalayan ko na sana si Zeyschell pero ang bigat niya at tulog na tulog kaya naman kailangan talagang buhatin.
"I'll carry her" pagpi-prisinta ni Gaddiel at agad namang umangal si Jazzer.
"Ako na" Saad ni Jazzer.
"Magtatalo pa kayo, para kayong mga baliw, ako na." Napatawa ako sa sinabing iyon ni Aizeth. Pero aaminin ko, kahit may mga nangyari na sa aming tatlo ni Aizeth at Zeyschell, nananatili parin yung pakiramdam ko na magiging sila. Siguro ngayon ay hahayaan ko nalang magpasya ang tadhana, hindi na aabot sa punto na ishi-ship ko na naman sila, dahil mas okay kung hahayaan at tatanggapin natin kung ano ang will ni Lord.
Binuhat na ni Aizeth si Zeyschell sa itaas samantalang si Kiefer naman ay inalalayan namin ni Jazzer papasok sa tent.
"Pahinga na kayo, goodnight." Saad ko kay Gaddiel at Jazzer na nasa labas na ng tent.
"Goodnight" saad nilang dalawa. Pumasok na sa tent si Gaddiel habang si Jazzer naman ay nanatili sa labas. Sa kalapit ko.
"Did you enjoy your day?" Tanong sa akin ni Jazzer.
"Oo naman, salamat sa pagpunta ha? Tsaka dito sa kwintas na bigay mo."
"You're always welcome." dahil wala na akong masabi ay binuksan ko muna ang cellphone ko at binuksan ang facebook ko. Nang makitang familliar ang story ni Can't Lie Quotes ay agad ko iyong pumindot.
YOU ARE READING
When Words Collide
Teen Fiction[UNEDITED] Posible nga bang magtagpo ang dalawang damdamin sa pamamagitan ng mga salitang may tugma? Paano nga bang ang mga matatalinhagang salita, na ginagamit sa pagtula, ang maging dahilan upang humanga. Paano kung pati ang panahon ay tila pumapa...