Angel's Final BreathArthea's POV
"Nandito na ang asawa mo!" Sigaw ni Zeyschell na sobrang lakas, kaya naman napatulala nalang ako at sandaling napa-isip.
"Sinong Asawa?" Tatanong ko kay Zeyschell ng makababa na ako ng hagdan. Ngumuso naman siya sa may sala at nakita kong nakangiting nakatingin sa akin si Jazzer.
Di ko naman inaakalang seryoso pala talaga siya.
"Seryoso ka pala talaga don sa sinabi mo kahapon?" Lumapit ako sa kaniya, at sinamaan ko ng tingin si Zeyschell na tila nang-aasar ang titig.
"Of course" Nagawa niya pang kumindat.
"Saglit lang magbibihis lang ako."
Nagmamadali na akong umakyat sa kwarto upang magbihis. Baggy pants at isang green top ang isinuot ko, naglagay na din ako ng konting make-up dahil ang plain ng pagmumukha ko. Nakakahiya nakita ako ni Jazzer na walang kaayos-ayos. Ang dugyot ko pa naman.
Bumaba na ako papunta kay Jazzer, at nakita ko ang pagtitig niya ng wagas.
"Zeyschell paalis na kami." Saad ni Jazzer kay Zeyschell.
"Kayo na ba?" Walang prenong tanong ni Zeyschell kaya naman tiningnan ko siya ng masama.
"Ano ka ba naman." Pagsaway ko sa kaniya.
"We'll get there soon." Nanlaki ang mata ko sa sinabing iyon ni Jazzer, ibinaling ko ang paningin ko kay Zeyschell nang hampasin niya ako. Kinikilig ang bata, pwede naman kiligin nalang bakit nanghahampas pa siya? Ang sakit sakit kaya.
"Oh siya sige, umalis na kayo at nang ma-develop na ang love story niyo, ingat ha?" Tumawa pa siya.
"Pagpasensiyahan mo na si Zeyschell ha? Ganon lang talaga yun." Lumabas na kami at sumakay na sa kotse niya.
"Okay lang yun, but what I've said earlier. I really mean it." Hindi ko na nagawang umimik pa.
"Saan ba tayo pupunta ngayon?" Pag-iiba ko sa usapan dahil hindi ako komportable sa mga ganitong usapan.
"Ikaw may gusto ka bang puntahan?" Pagbabalik niya ng tanong sa akin. Wala akong maisip na puntahan, kundi yung mga lugar lang din na lagi kong pinupuntahan, Lavelle cafe, plaza, and mall.
"Ikaw na bahala, baka di mo trip ang mga gusto kong puntahan." Tanging saad ko at kinuha ang airpods at cellphone sa bag ko. Nagpaalam na din ako sa kaniya na matutulog nalang muna ako, at tumango naman siya.
"Arthea" Gising sakin ni Jazzer at agad naman akong nagulat ng magising akong nakahiga sa balikat niya.
"Sorry ha?"
"No worries" Ngumiti siya, at nahawa naman ako.
Namangha ako sa lugar matapos kaming bumaba ng kotse. Pumasok na kami sa malaking Gate at sinalubong ang mata ko ng sobrang daming tao, maraming food carts, at tila paraisong parke.
"Grabe, ang ganda naman dito, may ganto palang pasyalan dito, ba't ngayon ko lang nalaman?"
"Last month lang 'to binuksan, actually I owned this park." Lalo akong namangha. Ang galing, ang ganda-ganda nito, ang laking pera siguro ang ginastos dito.
"Bakit mo pala naisip na magtayo ng park? Ang laki ng ginastos mo dito no?"
"Actually connected to sa pagiging bata ko, Isang beses lang akong nakapasyal sa park, so sinabi ko sa sarili ko na I will have my own park soon, at ngayong kaya na, sobrang fulfilling na natupad ko ang pangarap ng batang ako. You know what’s even more exciting about this park?" Tanong niya at nacurious ako.
YOU ARE READING
When Words Collide
Teen Fiction[UNEDITED] Posible nga bang magtagpo ang dalawang damdamin sa pamamagitan ng mga salitang may tugma? Paano nga bang ang mga matatalinhagang salita, na ginagamit sa pagtula, ang maging dahilan upang humanga. Paano kung pati ang panahon ay tila pumapa...