Deja Vu
Arthea's POV
"Anong gusto mong pasalubong?" Tanong sa akin ng nakangiting si Zeyschell, Paalis kasi sila ni Aizeth ngayon. Natutuwa naman ako dahil sa dami ng nangyari ay mukhang lalayag talaga ang ship ko.
"Kahit ano, basta mag-enjoy kayo." Tanging saad ko.
"Una na kami." Nakangiti ding saad ni Aizeth.
"Ingatan mo iyang si Zeyschell nako pag 'yan napano, wag kang magpapakita sa akin at may kalalagyan ka." Pabirong pagbabanta ko, at tumawa naman sila.
Sinamahan ko sila hanggang sa labas ng bahay at kinawaayan ng makaalis na sila. Hindi nakakasawang pagmasdan ang ganong ngiti ni Zeyschell, makikita mo talaga kung gaano siya kasaya. Sino ba namang mag-aakala na magkakagusto sayo ang taong matagal mo ng hinahangaan?
Sana ganon din kami ni Can't Lie Quotes, kaya lang imposible eh. Alam kong hindi porket mahirap ay imposible na. Pero parang imposible talaga eh.
Binuksan ko ang cellphone ko at bumungad sa akin ang napakadaming message request, at hindi ko na muna binuksan ang mga iyon, at mas piniling intindihin ang chat ni Kiefer.
Available ka ngayon? Mag-cha-chalk-art kasi ako ngayon baka gusto mong sumama, hindi daw kasi makakasama si Aizeth.
At dahil nga wala naman akong magawa ay pumayag na ako, at isa pa ay namimiss ko na din ang gumuhit. Inihanda ko na lahat ng mga gagamitin ko at umalis na ako ng bahay.
Agad na sumalubong sa akin si Kiefer ng masilayan niya ako, at tinulungan niya ako sa mga gamit na dala ko.
"Kamusta ka?" Tanong ko kay Kiefer habang naglalakad kami papunta sa pwesto namin.
"Okay naman ako, nagbabatak ako ngayon pagcha-chalk art kasi andaming gamot na kailangan bilhin para kay mama." Gustuhin ko mang tumulong kay Kiefer ay hindi ko magawa, dahil alam ko namang tatanggihan niya. Lahat kasi ng bagay ay gusto niyang pinaghihirapan niya.
"Hayaan mo, yung kikitain ko ngayon hahatian kita, wag ka ng tumanggi." Tumawa naman siya at pumayag nalang. Sana ay malaki ang makuha ko ngayon, para naman malaki ang mabibigay ko sa kaniya.
Magkalapit ang pwesto namin ni Kiefer. Nilagay ko na ang tip box ko sa tagiliran ko, at nagsimula narin ako pag-gi-grid. Habang naghahanap ako ng pwedeng maging reference sa cellphone ko ay naisip kong si Zeyschell nalang ang iguhit ko ngayon, for sure matutuwa iyon.
Nang matapos ako sa pag-gi-grid ay nagsimula na akong mag-outline at gayon din naman si Kiefer.
Magkaiba kami ni Kiefer ng inuuna, ako kasi after mag-outline, nagpoproceed na ako sa pagkukulay, siya naman ay inuuna ang background kesa sa subject.
Kahit na parang 20% palang yung art namin at wala pa sa kalahatian ay madami na agad ang nagbibigay ng tip. Hindi ganoon kadami ang nagcha-chalk art ngayon, hindi gaya nung huli naming chalk art na bawat sulok yata ay may nakapwestong gumuguhit.
Sinisimulan ko ang pagkukulay sa mata, dahil para sa akin mata ang pinakamahalagang magaya mo sa isang artwork. Sunod naman ay ang ilong, at bibig.
Habang seryoso at todo ang pokus sa pagguhit ay naibaling ang atensiyon ko sa lumaglag na lilibuhin sa tip box ko.
Deja Vu...
Si Jazzer uli iyon na wagas na ngiti ang ibinigay ng tingalain ko. Agad akong tumayo at hinarap siya.
"Ano ka ba ayan ka na naman, sobrang dami na naman ng ibinigay mo." Reklamo ko sa kaniya.
"Just what I've said the last time, ituloy mo lang iyan at panonoodin lang kita." Naaalala ko ang nakaraan panonood niya, iyon nga ang sinabi niya. At gaya ng nararamdaman ko dati ay makaramdam na naman ako ng matinding hiya sa kaniya.
YOU ARE READING
When Words Collide
Teen Fiction[UNEDITED] Posible nga bang magtagpo ang dalawang damdamin sa pamamagitan ng mga salitang may tugma? Paano nga bang ang mga matatalinhagang salita, na ginagamit sa pagtula, ang maging dahilan upang humanga. Paano kung pati ang panahon ay tila pumapa...