Headache
Arthea's POV
Nagbigay ako kay daddy ng kalahati ng pambili ng motor na gusto ni Xyjan, dahil medyo mahal at hindi ko kaya. Pumayag naman si daddy sinabi niya pa na kaya naman daw niyang bilihin pero hindi ako pumayag dahil gusto ko na may ambag ako sa pangarap na motor ng kapatid ko. Malaking tulong ang napanalunan namin ni Aizeth.
Kasalukuyang nanonood si Zeyschell sa pag-mamake-up ko.
"Masyado ka na namang nagagandahan sakin" pag-bibiro ko.
"Hala sayo pala nagsimula ang alamat ng hangin." Natawa naman ako sa banat niyang iyon. Napakabilis talaga ng utak.
" Alam mo ba hbang nagluluto ako kanina tinanong ko si Aizeth kung may nangyari ba or nagawa akong nakakahiya kagabi, kasi diba lasing nga ako." Saad niya habang nagsusuklay. Kinuha ko naman muna ang sapatos ko bago tuluyang nagsalita.
"Oh ano namang sabi niya?" Tanong ko. Bumalik naman sa isip ko ang mga kinwento ni Aizeth, lalo na ang halik na naganap.
"Sabi niya wala naman daw." saad niya sa dismayadong tono.
"Wala naman talaga eh." Pagsisunungaling ko. Ayokong ikwento sa kaniya ang nangyari dahil baka kung ano pa ang maisipan niyang gawin na makakasakit lang sa damdamin niya lalo pa't parang wala nga talaga siyang tyansa kay Aizeth.
"Hindi, meron, sigurado akong hindi panaginip yun. Ano kasi... Nahalikan ko yata si Aizeth kagabi tapos parang umamin pa yata ako sa kaniya. Nakakahiya grabe." Napahawak siya sa noo. Habang ako naman ay nagulat nalang dahil tama ang mga naaalala niya.
"Baka naman panaginip nga lang yun." iginalaw niya ang ulo niya senyles ng paghindi.
"What if magpa-straight ako ng hair ko, what do you think?" Pagbabago ko sa usapan.
"Siraulo! Ang ganda ganda kaya ng kulot mong buhok, ano ka ba naman!" Mataas ang tono ng boses niya.
" Ang oa mo na naman bi." Kinuha ko na ang bag at helmet ko. Si Aizeth, Zeyschell at Asha ay maghahanap ng bahay na pwedeng bilihin o di kaya ay upahan. Ako naman ay iti-treat ko ang sarili ko at bibili narin ng panreglo kila nanay, xyjan, tatay, daddy at mommy. Medyo matagal na din akong hindi nakakadalaw sa bahay kaya naman labis ang pagka-excite ko.
"Ingat ka ha?" Saad ni Zeyschell
"Mag-ingat din kayo, ba-bye." sagot ko naman.
"Sana ay makatagpo ka na ng iyong forever." Ayan na naman siya sa mga paandar niyang ganiyan.
Speaking of forever. Bago ako sumakay sa motor ko ay chineck ko muna ang phone ko. May bagong status si Can't Lie Quotes. 5 minutes ago.
Kahit natanaw na ang iyong kagandahan, kailanma'y hindi magsasawang ikaw ay pagmasdan
Hindi parin ako maka-move on, dahil naging sponsor ng event si can't lie quotes which is sobrang big deal sakin, dahil ibig sabihin non, nandito lang din siya at hindi gaanong malayo. Pero ito na naman si Can't Lie Quotes, nag-iinlove posting na naman.Sinasaktan na naman ako.
Bago bumyahe papunta sa mall ay nag-iwan muna ako ng comment at ng private message.
Pag sa iba hindi magsasawa, pag sakin mapupuwing.
Mi-nessage ko siya dahil mayroon na siyang 300k followers sa fb page niya.
Hi love, happy 300k followers, nagustuhan kita non tanda ko pa nasa 1.5k ang followers mo, tapos ngayon, You've come so far. Always remember that I'm proud of you, mananatili akong tagahanga mo. Iwas-iwasan mo natin ang mga inlove posting mo lalo na kung hindi naman ako ang pinatatamaan mo. Sana mapansin mo na ako.
YOU ARE READING
When Words Collide
Teen Fiction[UNEDITED] Posible nga bang magtagpo ang dalawang damdamin sa pamamagitan ng mga salitang may tugma? Paano nga bang ang mga matatalinhagang salita, na ginagamit sa pagtula, ang maging dahilan upang humanga. Paano kung pati ang panahon ay tila pumapa...