Chapter 13 (Confession)

175 8 11
                                    


Confession

Arthea's POV


Ang living room nila ay parang sukat na ng buong bahay namin ni Zeyschell. Gray at White na kulay ang bumabalot sa kabuoan ng loob ng bahay. Inalalayan ko muna siya sa pag-upo sa sofa, at wala pang ilang segundo ay nahiga ito. Hindi ko na siya ginising pa para ilipat sa kwarto niya dahil mukhang hirap na hirap siya at tila labis din ang pagod na nararamdaman.

Hinawakan ko ang noo niya at grabe ang init na taglay no'n. Agad akong tumayo at naghanap ng bimpo na pwedeng ipunas sa kaniya. Nahihiya man ako dahil nakaharap ako sa sangkaterbang CCTV ng bahay nila, ay dumiretso parin ako sa paghahanap ng bimpo. Pumasok ako sa isang kwarto, at nang buksan ko ito ay isang malawak na CR ang bumungad sa akin. Binuksan ko ang mga cabinet, at nakahanap ng narin ako ng bimpo sa wakas.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig at kumuha narin ako ng gamot sa sakit ng ulo na nakalagay sa isang rack ng mga gamot. Madaming gamot ang nakalagay doon, hindi ako pamilyar kung para saan ba ang ilan sa mga iyon kaya naman hinayaan ko nalang at naglakad nalang muli papunta sa sala kung saan natutulog si Jazzer.

Bago makarating sa sala ay may isang wall ang pumukaw sa attention ko. Nakalagay doon ang isang katerbang mga medalya, at mga certificate, lumapit ako dito at tiningnan ang mga nandoon.

Kently Jazzer A. Vergara

Iyan ang nakalagay sa mga certificate. Baka iyan ang buong pangalan ni Jazzer?  kinunan ko muna ito ng litrato bago pumunta sa sala.

" Drive  safely, I'll wait for you... Love you too." sambit ni Jazzer habang may kinakausap sa cellphone, may jowa na pala yata siya? sino kaya iyon? Madami mang katanungan sa isip ko ay mas pinili ko nalang ang manahimik.

" Punasan muna kita, sobrang init mo kasi." saad ko habang pinipiga ang bimpong may maligamgam na tubig.

" I'm okay, yung paghatid mo sakin dito malaking bagay na iyon. Ako na ang bahala sa sarili ko, sobrang nakakahiya na sa iyo." Hindi siya tumitingin sa akin habang nag-sasalita.

" Ano ka ba, okay lang wag ka ng mahiya." tanging saad ko at hindi na siya naka-angal pa nang kunin ko ang kaniyang kamay at pumasan ito. Pinunasan ko ang braso niya at ganon narin ang mukha hanggang sa leeg. Pinipilit kong huwag tumingin sa mukha niya ng matapos ako sapagkat ramdam kong nakatitig siya sa akin.

" "I'm still feeling dizzy.", fuck" napahawak siya sa buhok niya.

" Ito ang gamot at tubig uminom ka, para maging maayos ang pakiramdam mo." Napatingin ako sa matilos niyang adams apple habang lumalagok ng tubig. Nang ibaiba niya ang baso ay ibinaling ko ang tingin ko sa lamesa at pinapatunog ko ito gamit ang mga kuko sa daliri.

" One last favor Arthea" tumingin ako sa kaniya at nagulat nalang ng bigla niyang tanggalin ang t-shirt niya.

" Hoy Jazzer anong ginagawa mo?" Sigaw ko habang tinatakpan ang mata ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya, kaya naman inalis ko ang takip sa mata ko at muling ibinaling ang tingin sa kaniya. Maganda ang katawan ni Jazzer, kitang-kita ng dalawang mata ko ang pinapawis niyang abs.

Saniban mo muna ako Zeyschell ng pagkakaroon ng walang emosyong mukha, di ko maintindihan ang nararamdaman ko, tila halo-halong pakiramdam na ito.

When Words Collide Where stories live. Discover now