Chapter 3

37 5 0
                                    

Archery

Devlin's POV

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng kwarto ni Caellen. 100% sure akong siya na talaga 'to dahil nagtanong ako sa isa sa mga maid sa baba. Hindi umabot ng isang minuto bago bumukas ang pinto.

Sumilip pa muna siya sa may maliit na siwang bago tuluyang tumindig nang pormal at pagbuksan ako. Ngumiti ako sa kaniya. “Hi, ikaw ba si Caellen?” tanong ko. Mahirap na. Baka mali na naman ako.

Tumango siya sa akin. “Pwede ba akong pumasok?” medyo nag-aalinlangan pa ito ngunit sa huli ay tumango rin siya at sumang-ayon. Isang pasilyo ang bumungad sa akin at sa dulo nun ay isa ring maganda at malaking silid. Katulad din ito sa kwarto ni Apollo ngunit ang kay Caellen ay halos puro laruan.

Pagkatapos kong ilibot ang paningin ko sa kabuuan ng silid na iyon ay inilapag ko sa isang mini table ang pagkaing dala ko. “Ito na pala ang breakfast mo.” saad ko at humarap naman siya sa akin.

Inayos nito ang salamin niya bago muling magsalita. “Just leave it there and you may also leave.” pormal niyang sabi na ikinabigla ko.

“Hindi pwede eh. Ako kasi ang magbabantay sayo starting today.” hindi ko tinanggal ang ngiti ko.

“Are you still here because you saw how handsome my kuya is?” nakangisi nitong saad. Walang halong pagbibiro ngunit puno ng sarkasmo.

Hindi. Bakit mo naman naisip yan?”

Humalukipkip ito bago muling tumingin sa akin. “No one even dares to pick up a fight with him. Yet...” tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at ngumisi. “A mere maid has the guts to do so. Do you like him kaya nagpapapansin ka sa kaniya?” malapit-lapit na akong mapikon sa mga sinasabi niya. Kaya bago pa ako sumabog sa inis ay huminga ako ng malalim.

“Nakipagsagutan ako sa kuya mo pero hindi iyon tulad ng iniisip mo at mas lalong hindi ko siya gusto.” sagot ko sa kaniya.

“One last question. Are you following my lolo's order because of willingness or just because of money? If it's because of money, don't worry I can give you some. After that, you may leave na.” agad na nangunot ang noo ko. Akala ko ay si Apollo na ang pinakamasungit at pinakamayabang na tao rito sa bahay na 'to. Saksakan din pala ng yabang ang kapatid niya.

“Hindi ito order ng lolo mo. Pakiusap niya sa akin 'to. At sinunod ko ang pakiusap niya dahil gusto ko at hindi naman labag ito sa kalooban ko. Huwag na huwag ka na ulit mag-ooffer ng pera sa akin, pinapakita mo lang ang pagkaarogante mo. Kahit baliktarin ang mundo, mas matanda pa rin ako kaysa sayo. Kaya sana magpakita ka ng kaunting respeto. Kusa akong pumasok sa trabahong 'to at kusa rin akong aalis.” medyo hiningal ako sa sinabi ko. Parang gumawa ako ng essay. Kita kong natameme si Caellen, naspeechless ata siya.

Dapat bang sinabi ko sa kaniya yun?

Tama lang 'yon. Mapagpasensiya akong tao pero may limitasyon din ang pasensiya ko.

Hindi na niya tinangkang magsalita at umupo na lang sa couch sa harap ng mini table at kumain. Nag-iisip na naman siguro siya ng bagong masasabi sa akin.

Nakatayo lang ako sa may gilid ng niya. Malapit na siyang matapos kumain nang may kumatok sa pinto. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang lalaking sumundo sa akin kanina sa gate.

Miss Cordova, tapos na bang kumain si Sir Caellen?” tanong nito.

“Hindi pa po.” sagot ko.

“After he eats, take him to the archery room. It's time for his archery lessons.” tumango ako sa kaniya.

Pagkatapos niyang umalis ay sinara ko ang pinto at sakto namang tapos nang kumain si Caellen. Uhm Caellen, kailangan mo na raw pumunta sa archery room.” wala siyang ibang sinabi pero naglakad siya palabas. Sumunod ako sa kaniya habang dala-dala ang tray na may laman ng pinagkainan niya.

Mabuti na lang at sinalubong ako ng isa sa mga maid at kinuha ang tray na iyon. Nakasunod lang ako kay Caellen. Umakyat kami sa third floor at iyon rin ang huling palapag ng bahay na ito. Pumasok kami sa isa sa mga silid roon at tumambad sa akin ang isang malawak na room. May isang malaking archer target sa pader kung saan titirahin ang arrow.

Muntik pa akong magulat nang makita ang lalaki kanina. Lumapit siya kay Caellen at ibinigay ang bow at quiver na puno ng mga arrow. Bago niya iyon tanggapin ay nagsuot muna siya ng gloves.

Umupo ako sa isang bench sa sulok at pinanood ang ginagawa niya. Maayos ang kaniyang pagkakatindig, kumuha siya ng isang arrow at inilagay ang dulo nito sa bowstring. Swabe ang pagkakahawak niya sa bow at marahan niyang hinila ang bowstring may arrow. Parang gusto kong makipagpustahan kung maaasinta niya ba ang target o baka makulelat siya.

Ngunit nagitla ako nang pumihit siya patagilid at saktong itinutok sa akin ang hawak nitong pana. Sumingkit pa ang mga mata nito na animong isang professional na archer. Binitawan niya ang bowstring at wala akong ibang nagawa kundi ang magdasal sa isip ko sa mga sandaling iyon.














Don't forget to vote, comment and share!

Fateful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon