Chapter 8

37 3 0
                                    

Beaten

Devlin's POV

“Ang galing mo po Ate Devlin! Idol na po kita.” masayang sabi ni Elle. Dumila siya sa ice cream na hawak niya. Pagkatapos kasi ng nangyari ay inaya ko silang dalawa na bumili ng ice cream.

“Buti ka pa nga elibs sa akin eh. Si Caellen, hindi.” kunwaring nalulungkot na saad ko.

Nako! Naspeechless lang yan, ate. Kita mo hindi siya nagsasalita.” nagtawanan kaming dalawa ni Elle. “Paano mo nga pala po yun nalaman?” pag-usisa niya.


××× Flashback ×××

“Yaya ka po ba ni Caellen?” muntik na akong mapatalon sa gulat nang magsalita ang isang lalakingstudent sa tabi ko habang naghuhugas ng kamay. Sa tingin ko ay kaklase siya ni Caellen dahil kilala niya ito.

“Ahh, oo. Bakit?” sagot ko rito.

Nag-aalangan naman siyang tumingin sa akin. “I saw... uhm...”

“Ayos lang kung ayaw mong sabihin.” nginitian ko siya at nag-iwas naman siya ng tingin.

“I saw Khris' yaya put something inside Caellen's bag.” natigilan naman ako sa sinabi niya. Sino si Khris? At ang tinutukoy niya bang yaya ay ang babaeng panay tingin sa amin kanina?

Bakit niya naman iyon gagawin? Nakaramdam ako ng pag-aalala para kay Caellen. “Pwede ka bang sumama sa'kin?” kahit na nag-aalinlangan ay tumango sa akin iyong bata at sumama.

Habang naglalakad kami pabalik sa room nila Caellen ay naisipan kong buksan ang cellphone ko para tignan kung may nagmessage ba. Pag-unlock ko ng screen ay bumungad sa akin ang picture naming tatlo nila Caellen at Elle na kinuhanan ko kanina. Ginawa ko itong wallpaper dahil wala lang, ang cute kasi.

Papatayin ko na sana ang phone ko nang may mapansin ako sa picture naming tatlo. Naroon sa likod ang babaeng kahina-hinala kanina na yaya raw ni Khris. Hawak niya ang zipper ng bag ni Caellen at ang kabilang kamay nito ay may hawak na kumikinang na bagay.

Pumunta ako sa Photo Library upang izoom in ang litrato at naging malinaw sa akin na isa iyong relo. Iba ang kulay ng relo ni Caellen kaya't imposibleng sa kaniya ang relo na iyon. Doon pa lang ay kinutuban na ako.

××× End of Flashback ×××

Nakita ko naman ang paghanga sa mata ni Elle. Si Caellen naman ay parang walang pakialam ngunit alam kong interesado pa rin siya.

Hinihintay namin ngayon si Apollo dahil sumabay kami sa kaniya kanina sa pagpunta rito sa school at sasabay rin kami sa pag-uwi.

Hindi ko naitanong kung anong oras ang uwian nila kaya't naghihintay kami ngayon sa shed sa labas ng paaralan nila.

Kalaunan ay dumating na rin ang sundo ni Elle at nagpaalam na ito sa amin. Kaming dalawa na lang ni Caellen ang natirang nakaupo rito. Tumingin ako sa oras sa cellphone ko at nakita kong 5:37 na ng hapon.

“This is strange. Kuya said that 5:00 pm ang dismissal nila.” napatingin naman ako kay Caellen nang magsalita siya.

Kung gano'n ay nasaan ang kuya niya?

Fateful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon