Chapter 5

37 5 0
                                    

Stepfather

Devlin's POV

Tahimik naming tinatahak ngayon ni Apollo ang daan papunta sa bahay ko. Nakakailang at hindi ko mapigilang mapatingin sa wristwatch ko. Bakit ang bagal ng oras? Pakiramdam ko ay napakalayo ng pupuntahan namin.

Hindi rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano na ang ganap doon sa lugar namin. Adik sa alak, sigarilyo at sugal ang bagong asawa ni mama kaya't kahit na hindi na bago sa akin ang pag-aamok niya ay takot pa rin ako sa mga gagawin niya lalo pa at mukhang tototohanin nito ang banta niyang idadamay pati ang mga kapitbahay ko.

Simula nang mamatay si papa sa construction site na pinagtatrabahuhan niya noong 17
years old ako ay humanap si mama ng mga bagong asawa. Iba't ibang tao ang naging asawa niya na tila ba para sa kaniya ay laro-laro lang ito. Hanggang sa umabot sa puntong nagalit sa akin ang isa sa mga nakarelasyon niyang lasenggo at pinilit nito si mama na palayasin ako. Hindi ako nakaramdam ng galit o tampo kay mama kahit na pinalabas niya ako ng bahay at hindi pinagbuksan sa kabila ng pagbuhos ng malakas na ulan dahil alam kong wala lang siyang ibang magagawa kundi sundin ang gusto ng bago niyang asawa at ayaw ko rin siyang saktan nito. Wala akong ibang choice kundi maghanap ng masisilungan at hindi ko kaagad napagtanto na naliligaw na pala ako.

Sa sobrang abala niya sa paghahanap ng lalaking makakarelasyon niya ay tila ba marami na itong nakalimutan. Hindi pa siya ganoon katanda ngunit pakiramdam ko'y nakalimutan na niyang may anak siya, tila nawala sa isip niya na nag-eexist ako. Araw-araw ko siyang hinihintay, umasa ako na baka sa kaarawan ko, sa pasko o hindi kaya ay sa bagong taon ay mahahanap niya ako at makakasama ko na ulit siya. Lumipas ang maraming kaarawan, pasko at bagong taon ngunit walang ina na nakaalalang balikan ako.

Hanggang sa napagod na ako sa paghihintay at tinanggap na lang na hindi ko na ulit siya makakasama. Inisip ko na lang na kung mahal niya talaga ako at kung may pakialam siya, siya na mismo ang gagawa ng paraan para mahanap ako.

Masyado akong nalibang sa pag-iisip. Marami na akong nabalikang mga alaala ngunit hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin. Gusto ko sanang magbukas ng usapan kaso ay bubuka pa lang ang bibig ko nang siya na mismo ang bumasag sa nakabibinging katahimikan.

Why did you do that?” aniya nang hindi tumitingin sa akin.

“Ang alin?” tanong ko pabalik.

“Why did you lie? Why did you tell lolo na mabait si Caellen at wala siyang ginawa o sinabing masama sayo?” tugon niya.

Sandali naman akong napaisip. Bakit ko nga ba iyon ginawa?

“Mhm... Sa tingin ko kasi ay mabait naman talaga si Caellen. Kailangan lang niya ng kaunting pag-intindi at taong magt-tiyaga sa kaniya.” sagot ko.

“Wala ka ba talagang balak na umalis sa trabaho mo?”

Umiling ako. “Bakit ba matay kayong dalawa na paalisin ako?”

“It's not my thing to trust someone like you.” naitikom ko ang bibig ko. Nakakaoffend man ang sinabi niya ngunit may parte sa akin na naiintindihan siya. Hindi naman talaga madaling magtiwala sa panahon ngayon. “And ayaw ko ring makita kapag pinahirapan ka ulit ni Caellen.” dugtong niya na hindi ko inaasahan. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya, napangiti ako. “Why are you smiling at me?” paano niya yun nakita? May mata ba siya sa likod? “Wala akong mata sa likod kung yan ang iniisip mo. Tss. Nakikita kita sa gilid ng mata ko.” magaling ba siyang magbasa ng isip?

Tumango naman ako at napa-ahhh sa sinabi niya. “Ngumiti ako kasi marunong ka rin palang mag-alala.”

“Assuming ka! It's pity, hindi pag-aalala.” pagdepensa nito.

Fateful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon