Chapter 10

29 3 0
                                    

Reason

Devlin's POV

"Saan na ba kasi 'yon?" kanina ko pa kinakalkal ang maletang dinala ko rito sa mansion. Naghahanap ako ng matinong susuotin. Kanina kasi ay bigla na lang nagpop up ang isang chat sa messenger. Galing iyon sa group chat namin noong highschool. Hindi naman ako mahilig magbukas ng social media account ko, nagulat na lang nga ako na miyembro na ako ng group chat na iyon. Bukas raw ng gabi ay magcecelebrate kami ng reunion namin.

Kanina ko pa hinahanap ang dress na dinala ko. Pero sa tingin ko ay wala naman akong dress na naisama sa pag-iimpake dahil parang guni-guni ko lang na may dress akong kakasya pa sa akin. Ang huling beses na nagsuot ako ng dress ay noong 11 years old ako, regalo iyon sa akin ni papa.

Papunta na sana ako sa kabilang side ng kwarto ko nang mapadaan ako sa salamin. Muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita ko ang mukha ko. Bakit ganito? Ang lusog ng eyebags ko, namumutla ang labi ko at andami kong blackheads. Ganoon na ba ako kapabaya sa sarili ko?

Agad akong napaupo sa sahig at doon nagtantrums. Ano na lang ang sasabihin ng mga dati kong kaklase sa highschool? Paniguradong magmumukha silang expensive bukas. Magpapayabangan ng kani-kanilang kinuhang program sa college at pag-uusapan kung ano ang magiging future job nila. Habang ako naman ay mangungulelat sa tabi dahil hindi man lang ako nakapag-aral sa kolehiyo tapos ang haggard ko pang tignan.

Busy ako sa pagmamaktol nang may kumatok sa pintuan. Agad kong inayos ang sarili ko at nagtungo sa pinto. Nang buksan ko iyon ay bumungad sa akin si Caellen. "May I come in?" ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Hindi pa man siya nakakatatlong hakbang ay agad akong tumakbo para unahan siya. Isa-isa kong pinulot ang mga damit kong nagkandasabog-sabog sa sahig. Siniksik ko lang ang mga ito sa maleta at bakas naman sa mukha ni Caellen ang pagtataka ngunit ipinagsawalang bahala na lang niya iyon.

Umupo ito sa kama ko at nakayukong pinaglaruan ang mga daliri niya. "Late na ah. Hindi ka pa ba inaantok?" pagbubukas ko ng topic.

"I can't sleep." maikli nitong sagot. Akala ko naman ay pumunta siya rito para makipagdaldalan sa akin. Bumuntong hininga siya ngunit nanatili siyang nakayuko. "Actually, I came here to apologize. I'm sorry for what I acted last time. Simula nung araw kung kailan tayo nagmeet pati sa mga araw na naging rude ako sayo." hindi man siya nakatingin sa mga mata ko ay ramdam ko naman ang sinseridad sa boses niya.

"Ano ka ba? Okay lang yun. Nangyari na eh, tsaka naiintindihan ko naman." ginulo ko ang buhok niya at ngumiti naman siya sa akin. "Pero bakit mo nga ba yun ginawa?" pinaningkitan ko siya ng mata.

"Uhm... I did that para takutin ka. Hindi ko naman talaga planong tamaan ka ng arrow. I just really want you to leave nung araw na yun." napangiwi naman ako. Obvious naman kasi na gusto niya akong umalis. Pareho sila ng sinabi ni Apollo.

"Alam kong gusto mo akong umalis. Pero bakit?" tanong ko.

"I hate getting attached to someone." malungkot ang kaniyang tono nang sabihin niya iyon. Umupo ako sa tabi niya at hinayaan siyang muling magsalita. "Simula pa noon, Lolo's already worried about me being so stubborn and a hotheaded brat. I keep on asking myself, magiging ganito ba ako kung mismong parents ko ang nag-aalaga at nagbabantay sa akin?" mapait siyang napangisi. "So he hired someone to look after me. At first, all I did was to pester, annoy and torment her but instead of scolding me, she's just giving me a smile, saying 'ayos lang'. Marami siyang pagkakataon para isumbong ako kay Lolo but she never complained about me." ngumiti siya sa kawalan.

"My dad has always been pressuring me when it comes to my studies. One night, my mom and dad came home unexpectedly, galit na galit si dad after hearing the feedback about my performance from my personal teachers. Pero bago pa ako pagalitan ni dad ay sumulpot si Claire, nakiusap siyang pumunta kami sa room ko para doon mag-aral but the truth is she took me out for an ice cream. That night, maayos akong nakatulog. I felt at ease and I was happy. She treated me as if I was her younger brother and simula no'n ay dumepende na ako sa kaniya dahil alam kong kahit na anong mangyari ay nandiyan siya para umagapay sa akin. Naniwala at umasa akong hindi siya aalis, na hindi niya ako iiwan." napangiti ako sa sinabi niya. Masaya akong naranasan iyon ni Caellen.

Fateful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon