Chapter 7

37 5 0
                                    

School

Devlin's POV

Isang madilim na paligid ang bumungad sa akin. Walang tao, walang kahit na sino.

Sinubukan kong maglakad ngunit pakiramdam ko ay hindi naman ako nakakaalis sa kinatatayuan ko.

Isang pamilyar na tao ang natanaw ko sa malayo. “Papa.” tumakbo ako palapit sa kaniya ngunit patuloy lang siya sa paglalakad palayo—palayo sa akin. “Papa, sandali lang!” lumingon ito sa akin at ngumiti, hindi pa rin siya tumitigil sa paglalakad. “Huwag kang umalis, papa!” garalgal ang boses kong saad.

Natigil ako sa paghabol kay papa nang biglang lumitaw sa harapan ko si mama kasama ang bagong asawa nito. “Devlin.” iyon ang paulit-ulit nilang sinasambit na salita habang palapit sa akin at ako naman ay napaatras.

“Devlin! Devlin!” napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang tinig na iyon. “Are you okay?” tumango ako. “Bad dream?” tumango ako muli.

Hinawakan ko ang pisngi ko at nakapa kong basa ito.

Umiyak ba ako? O laway lang 'to?

Tsaka paano ako nakarating dito? Ang naaalala ko lang ay nakatulog ako kagabi sa sasakyan ni Apollo pagkatapos naming mag-usap.

“You should get prepared. Today's Caellen's first day at school.” natigil ako sa pag-iisip nang magsalita ulit si Apollo. Kaagad din siyang umalis at hindi ko man lang natanong sa kaniya kung paano ako nakarating dito sa kwarto ko.

Nalutang ako ng mga 5 minutes ngunit nagsink in naman sa utak ko na ako nga pala ang sitter ni Caellen at ngayon na siya papasok sa school.  Nauna nang lumabas si Apollo sa kwarto ko at uminom naman ako ng malamig na tubig galing sa mini refrigerator.

Grabe talaga ang mga mayayaman. Pati kwarto ng mga katulong ay masyadong bongga.

Habang naliligo ako ay iniisip ko pa rin ang panaginip ko kanina. May meaning ba yun? Feeling ko ay napanaginipan ko si papa dahil ilang weeks na akong hindi nakakadalaw sa kaniya. Sa Linggo ko na lang siguro siya pupuntahan sa sementeryo.

×××××

Nang makarating kami sa school nila ay sinamahan ko si Caellen sa room nila. Kanina ko pa napapansin na parang hindi siya mapakali at parang kinakabahan.

First time niyang papasok sa school dahil simula 4 years old ay naghohomeschool lang siya. Pinag-aral siya ng lolo niya sa parehong private school kung nasaan nag-aaral si Apollo para hindi raw masyadong hassle. 3 weeks na simula nang magstart ang klase sa school na ito ngunit ngayon lang nagawang pumasok ni Caellen dahil nga noong una ay ayaw niya talagang mag-aral kung sa school kung may makakasama siyang mga estudyante.

Bago pumasok si Caellen sa silid ay humarap muna siya sa akin. “Ayaw kong pumasok.”

“Ha? Bakit naman?” takang tanong ko.

“I hate socializing.” napaisip naman ako.

Grabe naman 'tong bata na 'to. Akala mo naman ay may nakakahawang sakit ang mga kaklase niya. Mas maarte pa siya sa babae. Tsk. Tsk.

“Ayaw mo nun? Magkakaroon ka ng new friends. Masaya mag-aral sa school, Caellen. Hindi mo naman siguro ikakamatay kung makikipag-usap ka sa mga kaklase mo. Tsaka mapapagalitan ako ng lolo mo kapag nagcutting classes ka.” pangugumbinsi ko pa.

Fateful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon