Chapter 6

37 5 0
                                    

Talk

Devlin's POV

So he's your stepdad?” tanong ni Apollo habang humihigop ng kape.

Mhm. Hindi lang siya ang naging stepfather ko.” nakita ko naman ang gulat sa mukha nito ngunit hindi niya iyon ipinahalata.

“Are you sure you're fine?” pang-labing dalawa na niyang tanong sa akin yan. Kanina niya pa tinatanong kung okay lang ba ako. Kung kikita ako ng pera sa kada tanong niya, mayaman na siguro ako ngayon.

“Unli ka rin eh. Okay lang nga ako. Umuwi ka na pagkatapos mong ubusin yang kape mo, late na masyado.” pagkatapos kasi ng mga pangyayari kanina ay tumambay muna si Apollo rito sa bahay at ipinagtimpla ko naman siya ng kape.

“Bakit ako lang ang pinapauwi mo? Tayong dalawa ang magkasamang uuwi.”

Aangal pa sana ako nang bigla siyang magtungo sa kusina. Narinig ko ang paglangitngit ng gripo maging ang pagdaloy ng tubig mula rito. Sa wari ko'y hinugasan niya ang basong pinag-inuman niya.

Nang makabalik siya sa sala ay dire-diretsong naglakad ito palabas. Napabuntong hininga ako dahil wala naman akong ibang choice kundi ang sumunod sa kaniya. Pinatay ko ang main switch ng kuryente at sinigurong nakalock ang bahay.

×××××

Akala ko ay walang magsasalita habang nasa loob kami ng sasakyan at tanging katahimikan lang ang mamumutawi. “Does your mom know about this?” biglaang tanong ni Apollo. Napatingin naman ako sa kaniya ngunit hindi direkta sa kaniyang mga mata dahil maski ako ay parang walang lakas ng loob upang sagutin ang tanong niyang iyon.

Bumuntong hininga ako. “Wala akong mama.” agad kong naramdaman ang awa ni Apollo kaya't nagsalubong ang kilay ko. “Ang bagay na pinakaayaw ko sa lahat ay ang awa galing sa ibang tao. I know that I'm pathetic pero huwag kang maawa sa akin, sapat na iyong ako lang ang naaawa sa sarili ko.” tumingin naman sa akin si Apollo at tipid na ngumiti.

Walang kahit na sino ang nagsalita pang muli. Nakaramdam ako ng antok kaya't naisip kong basagin ang katahimikan para hindi ako makatulog. “Pinalayas ako ni mama noong 17 years old ako.”

“Why would she do that?” tanong ni Apollo. Batid kong parang hindi siya makapaniwala.

“Nagalit sa akin ang kinakasama niya kaya't pinaalis ako ni mama sa bahay. Umuulan ng gabing iyon kaya't naghanap ako ng masisilungan at hindi ko namalayang naliligaw na pala ako. Naging palaboy ako at kalaunan ay namasukan sa iba't ibang trabaho pero hindi na ako hinanap o binalikan pa ni mama.” basag ang tinig kong saad. Naramdaman ko rin ang panunubig ng mga mata ko ngunit pinigilan ko iyon. Ayaw kong umiyak sa harap ng ibang tao.

“What about your dad—your biological dad? Where is he?” nag-aalinlangang tanong ni Apollo.

Wala na si papa. Namatay siya sa construction site na pinagtrabahuhan niya noon.”

“I'm sorry to hear that. I apologize for asking.”

“Ayos lang naman. Hindi naman porke wala na si papa ay malulungkot na ako. Sa totoo lang ay masaya ako kasi alam kong saan man siya ngayon, siguradong masaya din siya.” nginitian ko siya.

Ngumiti din siya sa akin. “I like how you look at the brighter side of your life. Not all people can do that. Some of them think that death is all about misery, sadness, grieving and regrets but I guess you have a different definition for it.”

“Para sa akin, namamatay lang ang isang tao oras na kinalimutan na ito ng mga mahal niya sa buhay. Death doesn't always mean the absence of breath and having no pulse, sometimes, it's about being forgotten by the person you least expected to forget you.” hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang mga salitang sinasabi ko. Pakiramdam ko ay komportable akong kausap ang taong kasama ko ngayon. Dahil ba hindi kami gaanong magkakilala?

“But did you cry when your father died?” napatanga ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung wala siyang common sense, wala siyang alam o inuusisa niya lang talaga.

“Mhm... Umiyak ako pero pagkatapos ng burol niya ay hindi na.” sagot ko.

“Why is that? Akala ko kasi ay kapag namatay ang tao, kahit naiburol na ito, you'll be haunted by the memories every single day. You'll suffer from sleepless nights and lonely days.”

I just realized that crying and grieving won't bring the dead back to life. People die not because they want you to shed your tears for them nor spend your life with regrets, they just want you to learn to be happy and continue to live even without them.” napalaban ako sa pag-eenglish dahil rito kay Apollo. Hindi na ako magugulat kung anytime, dudugo ang ilong ko.

Naubos na lahat ng baon kong english words kaya't nanahimik na ako at ganoon rin siya. Mahaba ang naging pag-uusap namin ngunit nang tumingin ako sa bintana ng sasakyan ay malayo pa kami sa mansion.

Dahil na rin sa malamig na hanging ibinubuga ng aircon at sa katahimikang bumabalot sa amin ay bumalik ang antok na nararamdaman ko kanina. Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko at hindi ko namalayang nakatulog na ako.










Don't forget to vote, comment and share!

Fateful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon