Chapter 4

40 5 1
                                    

Saved

Devlin's POV

Ang sabi nila'y kapag daw nasa bingit ka na ng kamatayan ay magkakaroon ng flashback sa isip mo ng mga nangyari sa buong buhay mo. Pero sa tingin ko ay sa mga sandaling ito, dumiretso na ako sa langit.

Walang nagflashback na kahit na ano sa utak ko, blangko lang ito. Siguro ay dahil wala naman talaga akong utak.

Marami pa akong gustong gawin sa buhay at masyado pa akong bata para mamatay. Parang pinagsisisihan ko nang pumayag ako sa pakiusap ni Sir Savedra na magtrabaho rito. Hindi ko naman akalaing isang bata lang pala ang tatapos sa malungkot kong buhay.

Abala ako sa pag-iimagine ng kung ano-ano nang may marealize ako. Hindi ako nakaramdam ng sakit. Ang akala ko ay masyadong masakit kapag namatay ka, ganoon kasi ang napapanood ko sa mga palabas.

Ngunit nasagot ang pagtataka ko nang imulat ko ang aking mga mata. Isang palaso na may layong isang pulgada mula sa akin. Nabaling ang atensyon ko sa lalaking may hawak nito. Dumako ang tingin ko sa kaniyang kamay at nagitla ako nang makitang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng dugo mula rito.

Sa wari ko ay pinigilan niya ang pagtama sa akin ng palaso. Hindi siya nakatingin sa akin ngunit nakaramdam ako ng tensyon sa kabuuan ng silid na ito. Nagsusukatan si Apollo at Caellen nang tingin. Hindi nagtagal ay ibinalibag ni Apollo ang hawak nito at dire-diretsong lumapit sa kapatid niya.

Kinuwelyuhan niya si Caellen gamit ang isa nitong kamay habang ang isa naman ay patuloy lamang na dumurugo. Nataranta ako kaya't dali-dali ko silang nilapitan para awatin.

“What the fuck is wrong with you?!” nakakatakot na tanong ni Apollo sa kapatid niya. Maging ako ay natakot. “Muntik mo na siyang mapatay!”

“Why does it concern you? Do you like her?” natahimik si Apollo ngunit mas humigpit ang hawak nito sa kuwelyo ng kaniyang kapatid. “You don't have to worry kung muntik ko na siyang mapatay. Hindi ko naman talaga siya papatayin. Hindi ako mamamatay tao. I'm not a monster like you.walang pasubaling pinadapo ni Apollo ang kamao niya sa mukha ni Caellen dahilan para mapatili ako. Malakas ang naging suntok niyo kaya't napabaling ang mukha ng kaniyang kapatid sa kaliwa.

“Tss. Stop acting as if you're a nice person. Next time, don't meddle with my affairs, kuya.” Hinubad ni Caellen ang kaniyang gloves at iniwan ang mga gamit niya bago ito lumabas ng silid na iyon.

Huminga nang malalim si Apollo bago muling magsalita. “Are you okay?” blangkong tanong nito ngunit hindi siya nakatingin sa akin.

×××××

“Salamat.” iyon lang ang salitang lumabas sa bibig ko. Ginagamot ko ngayon ang sugat ni Apollo sa kaniyang palad.

Medyo nagulat nga ako dahil hindi na siya pumalag o tumanggi nang sabihin kong ako na ang gagamot rito.

“Pero sana hindi mo na pinatulan ni Caellen.” dugtong ko pa.

“If you're thinking na pinatulan ko siya because of you, nagkakamali ka. We have different issues with each other. Sadyang napikon lang ako sa mga sinabi niya. I also have to discipline him.” tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Ilang minuto kaming naging tahimik bago ko naisipang magtanong.

“Gano'n ba talaga siya?” pag-usisa ko.

“Anong gano'n? hindi ko alam kung slow ba si Apollo o sadyang malabo lang talaga at mahirap intindihin ang tanong ko.

Fateful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon