Isang higanteng bituing nakakasilaw
Ang sa kalangita'y pilit kong tinatanaw
Mula sa malayo ako'y dumudungaw
Masilayan lamang ang sa aki'y nagbibigay tanglawIkaw, na sa umaga'y masayang bumabati
Sa lahat ng tao ay laging ngumingiti
Tuwang namumutawi sa iyong mga labi
Ang sa akin ay unti-unting bumibighaniKatumbas mo ay araw sa kalangitan
Kahit anong gawin ay 'di ko malapitan
Kausapin pa kaya'y 'di ko susubukan
'Pagkat nauunahan nang pangangatog ng kalamnanHiya, takot at saya ang aking nararamdaman
Sa tuwing nakikita kong ika'y dumaraan
'Di maipagkakailang ako'y kinakabahan
'Pagkat bigla nalang nawawala sa katinuanIka'y araw na maraming nagmamay-ari
Tila ba sa mundo ako'y nakikihati
Sa dami ng babaeng sayo ay pumupuri
At bawat isa'y nais kang maging hariHabang sayo'y lumalapit lalong napapaso
Ngunit damdamin ko parin sayo ay nag-iibayo
Kahit pa ako'y mahulog nang 'di mo sinasalo
'Pagkat puso't isip mo'y nakatuon sa ibang taoIka'y tatanawin nalang mula sa malayo
Masilayan lamang ang mukha mong maamo
Labis na kasiyahan na ang hatid nito
At masasabi kong, 'kuntento na ako'.01/05/2024
-AloraAyarih
BINABASA MO ANG
Punto de Vista ng May-akda (A Collection of Poems and Poetry)
PoesieSa bawat pagbuklat ay panibagong pamagat At iba't-ibang paksa ang masisiwalat ❣❣❣ October 23, 2023