Ako'y bubuo ng bahay na bato
Sisikapin kong ito'y magiging pulido
Bawat parte ay bubusisiin ko
Nang 'di matinag, sa anumang bagyoAko'y bubuo ng bahay na bato
Matatag at mananatiling nakatayo
Sa bawat unos ay 'di paaapekto
Kahit kailan ay 'di susukoAko'y bubuo ng bahay na bato
Matibay na pundasyon ang sangkap nito
Walang butas na bubong ang magsisilbing payong ko
Sandigan at proteksiyon ang pader na sementadoBahay na bato na pinapangarap ng kahit sino
Lalo na ng mga taong madalas binabagyo
Unos at pagsubok na nagnanais lumusob
Ang bahay na bato sa kanila'y magtataobBawat tao ay inaasam-asam
Bahay na bato'y kanila ring makamtan
Ako'y 'di nagpahuli't nakiayon din
Dahil sa mga pagsubok na kahaharapinNgunit sa dulo ay may napagtanto
Hindi pala sapat ang bahay na bato
Dahil kapag naglaon ay bibigay rin ito
At sa dulo, ikaw rin ay matataloAng pasuko ay 'di nangangahulugang ika'y talo
At 'di porke ikaw ay natalo, ay siya ring pagsuko
Simulan mo ulit tumayo, o kung nais mo'y,
bumuo muli ng bahay na bato...01/13/2024
-AloraAyarih
BINABASA MO ANG
Punto de Vista ng May-akda (A Collection of Poems and Poetry)
PoesiaSa bawat pagbuklat ay panibagong pamagat At iba't-ibang paksa ang masisiwalat ❣❣❣ October 23, 2023