MAHIMBING SA DILIM

33 0 0
                                    

Dis-oras na ng gabi
Bakit 'di ka pa naiidlip
Binabagabag ba ang iyong isip
Nang mga bagay na nais masilip

Bakit 'di mo subukang pumikit
Magpatianod sa dilim na sayo'y umaakit
Namnamin mo ang tahimik na himig ng gabi
Dahil sa pagbukang-liwayway, kusa nitong lilisanin ang 'yong tabi

Nang wala man lang pasabi...





01/10/2024
-AloraAyarih

Punto de Vista ng May-akda (A Collection of Poems and Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon