SINO NGA BA?

25 0 0
                                    

Titik panulat aking ilalapat
Sa isang pirasong papel ako ay susulat 
Katotohanan aking ipagtatapat 
Ukol sa kung sino ba talaga, ang siyang karapat-dapat?

Triangulo-gulo ng mundo
Tila ba ang mga tao'y nalilito
'Di mawari kung ano ang totoo
'Pagkat naglipana huwad na mga tao

Sa pagsapit ng araw na inaasam
Mga gustong mamuno ay nagpaparamdam
Hinahangad na sila ay mahirang 
At maging angat sa iba pang nilalang

Sa dulo ng tatsulok 
Ninanais na mailuklok
Kung ano-ano pa ang kanilang inaalok
Nang sa bayan, sila ay pumatok

Mga walang kaalam-alam, kanilang nabilog
Kaya't namuno sa bayan kahit 'di pa hinog
Bansa raw kanilang iaahon sa pagkakahulog
Pangakong pag-asa ang kanilang handog

Ngunit ang nangyari'y taliwas sa pinangako
'Pagkat baya'y tila ba dinaanan ng bagyo
Lalong nalugmok at nagkagulo-gulo
Lahat ay bunga nang maling pamumuno

Marami ang walang tinuturing na tahanan
Sila rin ay walang matinong kabuhayan
Mga bata pa nga'y nagkalat sa lansangan
Madumi't walang suklay, nagpapalimos sa daanan

Talamak na rin ang kriminalidad 
Karamihan sa may gawa ay menor de edad 
Mga maliliit na bagay kanilang hinahangad 
Kahit pa nga telepono't gulong ay 'di pinapatawad

Kung ang takbo ng kamay ng orasan ay babaliktarin
Ang mga kaganapan ay maaari na nating baguhin
Pagpipilian ay atin nang titimbangin 
At ang karapat-dapat lamang ang siyang hihirangin




。。。。

Hi! This one was created for our NSTP subject before, wherein we need to create a poem using the following words- suklay, telepono, gulong, orasan, tatsulok, and bagyo. Huhue 💕


-AloraAyarih





Punto de Vista ng May-akda (A Collection of Poems and Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon