Chapter IXBonding
It's Sunday morning, almost 10. Wala akong magawa dito sa bahay, nakatunganga lang sa ceiling ng kwarto ko.
*sigh*
Makabangon na nga. Nakakatamad ang araw na ito. I've got nothing to do, so better to go downstairs and eat my breakfast. After all, gutom na rin ako.
Pagkababa ko nakita ko agad si yaya Lena na naghahanda ng breakfast sa dining hall. Pagkatingin ko sa hinanda niya, agad nagtwinkle ang mata ko sa kasiyahan. Niyakap ko na rin si yaya sa likod niya.
"Thanks, ya. Alam na alam mo pa rin ang favorites ko." sabi ko habang nakalagay ang baba ko sa may balikat ni yaya. Medyo maliit kasi si yaya ng konti. "Buti ka pa." dagdag ko pang bulong hoping na sana hindi niya narinig yung sinabi ko. "Nandyan pa po ba sila mommy?" tanong ko pagkaharap ko sa kanya at nginitian siya.
"Kaaalis lang nila kaninang alas-siyete. Huwag ka nang magtampo sa mga magulang mo at ginagawa lang nila lahat ng ito para sa iyo. Hala sige, maupo ka na dito at kumain ka na. Pinainit ko pa iyan. Alam ko namang paborito mo iyang sinangag." tatawagin ko na sana siya para makisabay sakin pero inunahan na niya ako. "Tapos na akong kumain kanina pa. Huwag mo na akong masyadong isipin. Bilisan mo na at kanina tumawag dito si Aimi, niyayaya ka niyang mamasyal sa mall. Sunduin ka na lang daw niya dito ng tanghalian."
"Okay po, yaya." matamlay ko na lang sagot. Nakakawala ng gana. Para sakin? Hindi naman pera ang kailangan ko, mas kailangan ko sila.
Tinapos ko na agad ang pagkain tsaka umakyat para maligo at makapagbihis na. Baka any minute from now, dumating na si Aimi. Lagi pa namang on time yun.
Kahit na ganitong may kaya kami, mas gusto ko pa rin iyong kahit na walang-wala kami eh kumpleto naman kami. At lagi silang nandyan sa tuwing kailangan mo sila. Gusto kong bumalik nung baby pa lang ako.
At least noon, alam kong nandyan sila para sakin. I know that they're always there to take care of me and support me. Eh ngayon, wala na silang time para sakin. Minsan minsan pa kami nagkikita dito sa bahay. At kung minsan halos hindi pa ako mapansin dahil sa pagod nila sa trabaho. Hindi na nila ako nabibigyan ng pansin. Buti na lang nandiyan si Aimi para sakin pati na rin si yaya Lena at yaya Ilya.
I also have you back then. But, what happened?
~ ~ ~
Tapos na akong magprepare at ready na akong umalis. Pero past 12 pa lang, so naisipan kong manuod sa TV. Wala namang masyadong napapanuod. Boring -_-
Sana dumating na si Aimi. Tumunganga na lang ulit ako sofa namin habang hinihintay ko siya. Ilang sandali pa ay may nagdoorbell na, agad naman akong tumayo at pinabuksan si Aimi.
"Buti na lang nandi- -" naputol ang sasabihin ko ng hindi si Aimi ang sumalubong sa akin. "M-Mike! W-what are you doing here?" kumunot ang noo ko ng lumabas mula sa likuran niya si Aimi. Ngiting-ngiti naman ang loka.
"Gusto niya daw kasing magmall. So, inaya ko na siyang sumama satin." ngiting-ngiting sabi niya.
"I know, it's unexpected. But I just can't refuse Aimi's invitation, so that's why." depensa ni Mike sa sarili niya habang nakatingin sa akin. Humarap naman ako kay Aimi nang nakataas ang kilay. I have this magsisinungaling-ka-pa-huli-ka-na look.
"Gusto ko lang naman na itour siya sa malls dito. Diba bago pa lang siya dito?" pagsuko na lang ni Aimi pero may ngiti pa rin sa labi. Sigurado ako kaya hindi maalis ang ngiti niya kasi nakatext niya si Mike kagabi.