Chapter VI. Place to Remember

46 2 0
                                    


Chapter VI

Place to Remember

Hindi ko alam kung paano ako nakatiis na katabi ko siya ng halos tatlong oras. Somehow, his presence makes me feel nervous and sad at the same time. Halos hindi na nga ako makapagconcentrate sa dinidiscuss ng instructor namin sa harap. Samantalang siya eh, prenteng-prente na nakaupo at focus na focus sa pakikinig.

I hope, hindi niya napapansin ang pagsulyap-sulyap ko sa kanya. Sana nga. Dahil ano ang idadahilan ko kapag tinanong niya ako.

"--- for today. Just so you know, you'll have your quiz about our today's topic tomorrow." umalis na rin si Mrs. Santos pagkatapos niya sabihin iyon.

Kinuha ko na lahat ng gamit ko tsaka hinintay sa labas sa Aimi. Hayyyy. Nakiki-chika na naman siya. Well, what's new?

Bakit ba matagal na naman yung babaitang iyon?

Nang natanaw ko na siya. Kasabay pala niya si Mike. So naghintayan pa silang dalawa. Or better yet, hinintay siya ni Aimi. -_-

"Hey, can I join you again at the cafeteria?" with all smiles pa yan na nagtatanong sa akin. Iyong isa naman ngiting-ngiti. So wala na akong nagawa kundi um-oo lang.

Pagdating doon, konti pa ang tao. Buti na lang. Ayoko ng nakikipagsiksikan sa pagkuha lang ng makakain. I ordered my usual snacks then nauna na sa favorite spot ko. Nakasunod naman yung dalawa sa akin. Nagkwekwentuhan pa sila. Parang ang tagal na nila magkakilala kung mag-ngitian ang dalawa.

"Nath! Ano ba yan. Parang biyernes santo naman yang mukha mo. Anong meron? Ayaw mo niyang pagkain mo? Parang wala kang gana ah." bungad ni Aimi. Tumabi siya sa akin. Umupo naman sa tapat namin si Mike. Tumingin naman sakin si Mike nang narinig niya ang sinabi ni Aimi.

"Wala lang ito. May naalala lang ako. Don't mind me." sinabi ko iyon nang nakangiti. Inumpisahan ko na rin kainin ang snack ko. Pansin ko naman na hindi pa inaalis ni Mike ang tingin niya sa akin.

"Why? Is there something wrong with my face?" pinunasan ko naman ang mukha ko. Nakakahiya baka may mga bits ng sandwich na dumikit sa pisngi ko.

"No. It's just that I remembered something. There's nothing wrong with your face." nag-umpisa na rin silang kumain. Occassionally nagkwekwentuhan silang dalawa. At hindi ako nakakasunod sa topic nila dahil occupied ang utak ko.

"Ang ganda naman dito! Paano mo nalaman ang lugar na to?" tanong ko sa kanya ng nakangiti. Hindi ko maalis ang tingin sa berdeng damuhan sa harapan namin.

"I think nung high school days? Years ago. Kasama ko sila mommy nang nagpunta kami dito. Naisipan kong dalhin ka dito kasi alam kong gusto mong makapunta sa mga lugar na 'to. And hindi naman ako nagkamali." sabay hawak niya sa kamay ko na nasa gilid ko. Sumulyap ako sa kanya at hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Come."

Hinila niya ako sa may dulo at sun ko nakita ang maliit na shed. I wonder, mayroon na ba nito? Bakit hindi ko napansin kanina. Masyado yata akong na-amaze sa ganda ng paligid kaya doon lang ako nagfocus."Ilang beses ka ng nakapunta dito?"

"Hmmm. Just one time. I promised the next time I'll go here will be the time when I'll be with you. I even asked someone to build this shed. So... what do you think? Have you refreshened? I wish it help you ease the stress." sinasabi niya iyon habang ginigiya niya ako sa upuan doon. Inilabas na rin niya yunv picnic basket na dala namin.

"It's really good. Thank you for bringing me here. Grabe, ang tahimik dito. Ang sarap ng hangin. Big help ito para makapag-isip ako ng idea para dun sa plates na gagawin ko. Ayos lang ba?" tanong ko iyon ng nakangiti sa kanya. Ang dami-daming ideya na pumapasok sa utak ko. Inilabas ko ang sketch pad ko at lapis ko.

Playful DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon