Chapter V
Sweet Nightmare
~~ One two three neon nareul tteonatjiman
Eodingaeseo neoui sumsoriga deullyeowa
Tto dasi four five six ppalgan nunmuri naeryeowa
Nareul andeon neoui hyanggiga geuripdaNareul wihan geora haetdeon neoui mal
Geojitmalcheoreom chagapge doraseotdeon
Neoneun wae, neoneun wae you’’re gone awayCome back home
Can you come back home eh~
Chagaun sesang kkeute nal beoriji malgo nae gyeoteuro ~~Kinapa-kapa ko ang bedside table ko at pinatay yung nag-aalarm. Arrrrrrrrrgh! 6:30 pa lang, pero kailangan na ko na gumising ng ganito kaaga. Tsk tsk. Bakit kasi maaga kinuha naming schedule ni Aimi. No choice. Sabi nga niya: “Early bird catches a worm.” Hindi ko nga lang alam kung ano tunutukoy niyang “worm” dun. I bet yung mga naggwagwapuhang boylet lang na nakapaligid sa school.
At para hindi magreklamo yung bestie ko, nagready na ako dahil sabay na daw kaming papasok. Tsk tsk. At dahil mabait akong bestfriend sinundo ko siya sa bahay nila. At dahil nga minamalas ako ngayong araw, naghintay pa ako ng almost half an hour sa kanya. At buti na lang at nandun ang kuya niya na nag-entertain sakin, at nang hindi ako mabore. At... at... at... hayyyyyyyyyyyyyy...
Hayyy. Namiss ko rin ang makipagkwentuhan sa kanya.
“Pasensya ka na talaga dun sa kapatid ko, Nath. Alam mo naman yun. Hahaha.” Si kuya Emer talaga. Sanayan na lang yan.
“Okay lang po yun. Sanay na po ako. Tsaka kaya nga kami naging magbestfriend eh. Talaga pong magkasundung-magkasundo po kami sa lahat ng bagay.” Sinundan namin ng tawa ang mga sinabi ko. At alam ko na ang next scenario…
“Oui, oui. Kuya naman, wala ka na talagang ginawa kundi asarin ako. Pati ba naman kapag nakatalikod ako, ganyan ka pa rin.” At nagpout pa ang loka.
“Si bebe girl naman, ganyan kita kamahal eh. Hahaha.” Ganyan kung makapag-asaran ang dalawang yan. “Sige na, umalis na kayo baka malate pa kayo. Ingat kayo sa daan.”
“Opo, kuya. Bye bye!” hinatid pa kami ni kuya Emer hanggang sa gate nila at jinalikan kami sa mga pisngi namin bago hinintay hanggang makaalis. At sa tingin ko nakapagrecharge na talaga si Aimi dahil ito na naman po siya.
“Waaaaaaaaaaah! Bakla, hindi ako makapaniwala dun sa panaginip ko. Kilig na kilig talaga ako. As in kilig to the bones. Sa tingin ko nga umabot hanggang bone marroww ko. Hahahahahaha.” Yun agad ang pambungad niya sa akin. At may pakurut-kurot pa siya sa braso at padyak-padyak pa. Nababaliw na nga yata siya. At teka, tungkol saan ba yang panaginip niya at kilig na kilig daw siya.
Bago pa ulit nya ako makurot eh ay pinigilan ko na siya. “OOOOh, teka lang, teka lang bakla!!! Nasa daan tayo, tigil-tigilan mo ako dyan sa pagkurot mo at nasasaktan na ako. Hindi rin ako makapagconcentrate sa pagmamaneho ko dahil sa pagsigaw mo. Nakakabingi!” hinimas ko na muna yung kinurot kurot niya at pinagpatuloy yung tanong ko. “Tungkol saan na naman ba yang panaginip mo, at halos mangisay ka diyan? Baka lalaki na naman yan hah?” sabay irap ko sa kanya nung napasulyap ako sa kanya. Mind you, nakangiti siya ng pagkalawak-lawak niyan.
“Napanaginipan ko siya! As in si Mike, MICHAEL IAN BARTOLOME. And syempre, ang gwapo-gwapo niya dun sa panaginip ko. He’s so dreamy. At mala-prince charming ang dating niya with matching ‘oh so sweet niyang smile’ at para sakin lang talaga ang ngiti niyanh iyon.” Pinagsikalop pa niya ang dalawang palad niya at sa tingin ko nagtwinkle-twinkle pa yata mata niya. Seriously?!?! Magtwitwinkle ang mata?! That’s so B-R-R-R-R-R.