Chapter I
First Time
"Bye Mommy, Daddy! Pasok na ako!" paalam ko kina mommy sabay kiss sa cheeks nila.
"Bye, honey!!" --mommy.
"Mag-ingat sa pagdra-drive, hah?" --daddy.
"Yes, daddy!" pagsang-ayon ko bago tumalikod sa kanila.
Pagsakay sa kotse ko, nagring ang cp ko. Tumatawag si Aimi, bestfriend ko, agad ko ring sinagot.
["Oui bakla! Ang tagal mo naman! Asan ka na ba? Bilisan mo at baka mapanis na laway ko dito."] sabi niya.
"Oo eto na nga oh paalis na nang bahay. Masyado ka naming excited. Ano ba meron ngayon ha?" Sagot ko naman.
["Dalian mo na lang at dito ko na lang ikuwento. Sige byebye na wait na lang kita dito."] iyon lang ang sabi niya.
"Ooh si------ ge? what the!!! She hung up on me! Kalerky talaga ang baklang iyon." naiirita at nagingiting saad ko. Pwede pala iyon. Mangingiti ka at the same time maiinis ka. Hahahaha :D
I put my earphones and played the song “jar of hearts” then pinaandar ko na ang kotse ko at pinaharurot palabas ng subdivision namin.
By the way I’m Nathalieh Heinah Fernandez “Thaliah” for short. Ang unique ng name ko noh?? Haha. I’m seventeen years old and I’m a fine arts student, studying at UP. Define myself?? Obvious ba? Syempre I’m pretty!! Oh more than pretty pala I’m beautiful, rich and …… charismatic pa. Bwahahaha XD. transferee student kami dito at mantakin niyo iyon second month pa lang namin ni Aimi dito pero famous na kmi agad, at dahil maganda ako syempre papatalo ba naman bestfriend ko. Pero mas maganda parin ako sa kanya.
Obviously dahil maganda ako, syempre ang dami kong manliligaw but sad to say wala akong sinagot sa kanila..... except lang sa “kanya” :( wag na lang natin syang pag-usapan. Sinaktan nya ako and I will never forgive him for what he did to me. Past is past.
Nandito na ako sa school, pagkapark ko nang kotse ko dumeretso na ako sa tambayan naming magbestfriend. Sa CR.
Hindi yung iniisip niyo ha! CR, I mean sa CLASSROOM.
"Hello bakla! Good morning! Sorry late ako ngayon." bungad ko sa betfriend ko.
"Anong late ka ngayon? Hindi ka lang kya nalate ngayon ? Haler! 9:47 na kya at many times ka na kayang nalate.. Na-miss mo tuloy first class natin.” reklamo naman niya. Moooh. Hidoi.
"Grabe ka naman Aimi! Ngayon lang naman talaga ako nalate ha. Nalate lang kasi akong gumising.” sabay pout ko pa.
"Oh whatever! Pano ka nga ba nalate ha? Umuwi naman tayo nang maaga kahapon galing nang mall ah, paano ka nalate ng gising ngayon?" pangbibisto niya sakin.
"Nag movie marathon kasi ako kagabi. At tinapos ko talaga ung ‘My Love from the Star’. Hehe. And thankfully ang ganda ng ending. Grabe over-over. Ang ganda ng story nilang dalawa ni Do Min Joo at ni Cheon Song Yi.” nagtwinkle-twinkle pa ang mata ko at inalala ang kagwapuhan ni Do Min Joo.
Totoo naman kasi ang ganda ng story ng My Love from the Star and it’s so touching. Kilig na kilg ako while watching. And actually, i’m an avid fan of Korean movies and also I like watching anime!
At habang kinukwento ko sa kanya yung ibang scenes pumunta kaming canteen para bumili ng snack namin. Dinala ung snack namin sa isang table at doon kinain at nagkuwentuhan.