Chapter 4- Breathe, Elora

376 29 9
                                    

Chapter 4

"Ehmmm" Traze interrupted my thoughts.

Naputol ang kanina ko pa palang pagtitig sa kabuuan ng boss ko.  Kanina ko pa pala siya pinagmamasdan magmula ng maupo ito sa passenger seat.   Si Traze kasi ay pinalipat sa likod namin na mukhang masama ang loob ngayon.

Hindi ko kasi namalayan na kanina ko pa pinagmamasdan lahat sakanya.  The way she moves, how elegant, tall and sexy she is. 

She's way taller than me, at pansin ko na ang ganda ng curve ng katawan niya, yung kamay niya na parang kandila, ang ganda nung pagkakapolish ng mahaba niyang kuko, kulay black yung gel polish niya.

Lalo yung amoy niya.  It has a woodsier scent, and I think the mid notes contains raspberry, a blend of lavender and orange, and cinnamon, it's so feminine and sophisticated. 

Parang yung kapag naamoy mo yung pabango niya, parang instant nasa Bridgerton ka na dahil sa feeling ko pang Royal Bloods lang yung makakaafford nito.  And expensive ng amoy!

Yung tipong you will be constantly stopped on the street, in stores, elevators, in meetings, LITERALLY EVERYWHERE and you will receive a compliment like 'You smell divine, what are you wearing?' Tipong ganun yung amoy niya. 

I mean, I do love perfumes, and I swear her smell is so much better than my favorite YSL Libre Le.  But I do layer it with Voce Viva. 

Yes, I great way to smell nice is to layer your perfumes.  Yung aunt ko kasi from Canada, yung kapatid ng father ko, tuwing umuuwi yun, pinapasalubungan niya ako ng iba't ibang perfume, kaya naging favorite ko na yung combo na yun. 

Well, I'm obsessed with smelling so good, pero, gosh!  Hedera's scent is like divine!  It's giving!

"Hey, start the iginition, Elora!" ang tapik ni Traze sa balikat ko ang nagpagising ulit ng lumilipad kong diwa.  Masyado na pala akong nagmamasid sa boss ko na ngayon ay nakapoker face na naman ang maskara. 

Dalawang emosyon lang naman ang nakikita ko sa mask niya.  Yung isa ay walang emosyon, at yung isa ay galit.  Nakita kong galit ang expression ng mask niya nung inisprayan ko yung pinaka mamahal niyang ahas. 

Ano pa kaya yung emosyon na pwede kong makita sa mask niya?  At paano pala siya kumakain? 

Natural aalisin niya yung mask niya.

So, it means she always eat alone?  Never itong sumasabay sa kahit sino?  Ang hirap naman nun!

Napatitig na naman ako sa walang emosyon niyang mask.  Pero kapag ganitong wala siyang emosyon, alam kong dapat na kong sumeryoso.  Kaya naman sinimulan ko ng magfocus ulit sa pagmamaneho.

Ewan ko ba, her presence is suffocating me.  She's too serious, and I think just one wrong move she'll be kicking me out of this van. 

I mean, I wanna be like, at ease with her, pero mukhang wala sa personality nito ang makikipagclose sa kahit sino.  I think wala naman itong kasundo. 

Parang mas makakasundo ko pa si Aidan.  At least yun kahit robot, mukha naman siyang friendly robot.

Ramdam ko kasi na kahit si Traze, na medyo matagal na niyang kasama medyo nag-aalangan pa dito.  Siguro nga masyado siyang perfectionist kaya kailangan kong galingan.

I started the ignition while focusing in front of me.  Hindi na muna ako lilingon sa kung saan saan na nakakapagpadistract sa akin. 

Pagkatapos ay sinunod ko lang yung step na tinuro sa akin ni Traze kanina.  Ang lamig ng aircon sa loob ng van pero sa tingin ko, pinagpapawisan ako ng malagkit.  Damn!  Wag naman sana ako mangamoy pawis, nakakahiya sa katabi ko.

UNMASKEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon