Chapter 17- You're in, Elora

530 34 6
                                    

Chapter 17

Pagdating ko sa shooting range, hinihintay na ako ni Felix. Nakasuot siya ng protective gear, tapos madilim ang mukha na parang hindi maipinta.

Ako naman, kahit medyo numb pa rin yung binti ko kanina, ay sinubukan ko pa ring makapunta rito sa tamang oras. Kaya dinedma ko lang yung mukha niyang nakakagigil.

Sinuot ko agad ang protective gear, kinuha ang baril at pumuwesto. Hindi na ako nagsalita or kinausap pa siya.

BANG!

Sunod-sunod na putok ang binitiwan ko, each one aiming for the target. Kitang-kita ko na halos lahat ng bala ay tumama sa mark, kahit pa may ilang misses. Pero sa totoo lang, malapit lang ang mga iyon sa target center. Enough for me to notice na mas nag-iimprove ako.

"Nice shot," narinig ko si Felix sa likod ko, pero may halo sarkasmo iyon. "Pero kung ganyan lang, baka dapat taga-bantay ka na lang ni Ignis, 'di ba?"

Napahinto ako, medyo nainis. Binalingan ko siya, kita madilim niyang mukha na ang sarap tirisin.

"Ignis? So gusto mo gawin akong tagapag-alaga ni Ignis?"

"Why not?" Ngumisi siya, naka-cross arms at nakatingin lang sa akin na parang mas lalo akong iniinis sa reaksyon ko. "Naghahanap ngayon ng bagong babysitter. I mean, you're improving, but... you're still not there yet. Ayaw mong sumablay sa mission, 'di ba? Mas safe ka with Ignis."

Pumikit ako sandali, I took a deep breath. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Pero hindi ko mapigilan.

"I can handle it, Felix," sabi ko, diretso sa mga mata niya. "I'm not just here to babysit a snake."

"Uh-huh," sabi niya habang pumuwesto rin sa tabi ko, kinuha ang sarili niyang baril. "Look, Elora, I'm not saying hindi ka magaling. Pero, you know, pag sumablay ka sa mission, hindi lang buhay mo yung nakataya. Lahat tayo affected."

"Alam ko 'yun," sagot ko, tightening my grip on the gun. "Kaya nga nandito ako, di ba? Kaya nga ako nagti-train."

"Good." He fired a couple of shots, all of them hitting the bullseye, almost effortlessly. "Pero kailangan mo pang mas tumutok. Para talagang sure ka na hindi ka magkakamali."

Napansin ko ang pagkakaiba sa mga tira namin. Malinis, walang sablay yung kanya, habang ako may konting hesitations pa rin. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi ko kaya. Kailangan ko lang ng mas maraming practice—at mas maraming self-confidence.

"One more round," sabi ko, feeling a surge of determination. "Then, you tell me kung sino ang mas dapat na magbantay kay Ignis."

Felix smirked, pero tumango. "Deal."

Nag-load ako ng bala ulit, determined this time to prove him wrong.

Kinuha ko ulit ang baril, mas matindi na ngayon ang focus ko. Gusto kong patunayan kay Felix na hindi ako basta-basta.

Puwesto ulit ako, huminga ng malalim, at itinutok ang baril. Kailangan perfect. Bawat isang bala kailangan tumama.

BANG! BANG! BANG!

Tatlong sunod-sunod na putok, at lahat ay malapit sa bullseye. Hindi perfect, pero mas malinis at mas consistent na ang mga tira ko kumpara kanina. Halos hindi ko marinig yung sarili kong hininga sa sobrang kaba ko.

"Better," sabi ni Felix habang umikot siya sa paligid, tumingin sa target ko. "But... are you sure hindi ka nagkakalat diyan?"

Napakunot ang noo ko at napatitig ako sa kanya, obviously annoyed.

UNMASKEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon