Chapter 18Day 30
"Oh, dahan dahan, anak. Sure ka ba na kaya mo na?" Tanong sa akin ng nanay ko habang inaalalayan niya ko papunta ng taxi. Kaya ko naman na.
Matapos akong madaplisan ng baril, eto ako, buhay pa rin. I will not die..yet.
Hindi alam ng nanay ko ang nangyari, ang alam lang niya, natusok ako ng isang machine sa warehouse kung saan ako nagtatrabaho. Sobrang lame ng excuse ko pero hindi naman na nagtanong pa yung nanay ko. Basta inalagaan niya ako for a week. Nagpadala rin yung MediSynth ng mga prutas for me. Ang dami nga, halos di ko naman kinain, kasi wala rin akong gana.
Marami rin yung dugong nawala sa akin, pero buti nalang at daplis lang talaga yung tama ng baril. Hindi naman natamaan yung mga vital organs ko. That day, I fainted. Nagising nalang ako kinagabihan na, may bandage na sa gilid ng tagiliran ko. Pinaliwanag naman sa akin ni Lysander na after a week ay magiging okay na ako. Dahil sa gamot na nireseta niya sa akin. It was formulated by Hedera herself.
Pagkagising ko that night, wala na rin si Hedera. Kinuwento nalang sa akin ni Traze yung nangyari na natagpuan niya kaming dalawa, kaya naman mabilis niya kaming tinulungan. Wala na rin akong narinig mula kay Hedera since that day.
Lagi naman akong inaupdate ni Traze, the V5 is safe at nasa maayos na lugar. Hedera is busy at hindi rin nila alam kung kelan ulit ito babalik. Pero according to Traze, dinala nito si Ignis sa ibang bansa para ipagamot dahil na rin matamlay ito. Kasalukuyan pa rin silang naghahanap ng vet for Ignis.
"Kaya ko na po. I love you!" hinalikan ko sa pisngi ang nanay ko at nagmamadali ng umalis dahil malalate na rin ako.
Mabilis lang ang byahe papunta sa MediSynth. Wala pa ngang 15 minutes ay nakarating na ako. Hindi rin masyadong traffic ngayon.
Bitbit ang bagpack ko ay pumasok na ako sa main building, pakiramdam ko agad na iba ang atmosphere. Naaalala ko na naman yung nangyari kay Mario pero pinipilit ko naman alisin iyon sa isip ko. Kahit isang linggo na 'kong nagpapahinga dahil sa tama ng baril, parang hindi ako mapakali ngayon. Paminsan minsan pa ring kumikirot yung tagiliran ko kahit okay naman na ko.
Pagkatapos mag-in gamit ang facial recognition ay biglang tumunog ang phone ko. Text mula kay Traze:
"Hedera is back, she brought Ignis back as well. The python is super sick. The vet said it's Ophidian Paramyxovirus."
Napatigil ako. Ophidian Paramyxovirus? Mabilis akong nag google para tignan ang sakit ni Ignis. Mabilisan kong binasa iyon, at halos iisa lang ang mga sinasabi, na rare at napakadelikadong sakit iyon para sa mga python. Si Ignis... hindi lang siya basta alaga ni Hedera, she loves Ignis so much.
Bigla akong nakaramdam ng pag-aalala para sa aking boss.
"What about our boss? Paano si Ignis? Sino mag-aalaga?" I replied
"She hired a vet from Australia. The vet is with Ignis right now. Meron siyang sariling temperature-controlled enclosure at isang backup room na may specialized equipment para sa respiratory support. Dinalaw ko siya kanina, and I'm really worried, dahil unresponsive yung python"
Okay? So wala na si Ignis sa 13th floor kung saan nahuli ko si Felix na may hawak na syringe that time? Possible kayang?-
No! Hindi ako pwedeng mambintang, pero nakapagtataka talaga yung kilos niya nung nahuli ko siya. Plus, si Mario lang dapat yung kasama ni Ignis sa mga panahon na 'yun. Wala naman talagang kinalaman dun si Felix. Could it be?
"Where is our boss right now?" I asked, worried. Gusto ko siyang kumustahin. Una si Mario, tapos ngayon si Ignis naman ang maaaring mawala sakanya. Alam ko naman na itataboy niya ko, pero I just wanna know if she's okay.
BINABASA MO ANG
UNMASKED
Misterio / SuspensoWith only a hundred days left to live, the clock is ticking for Elora... This is the countdown to a life worth living. Date Started: December 26, 2023