Chapter 7
SHADOWED PERSPECTIVE
(This point of view is from the 'enemy', but we aren't going to reveal them yet)
Malakas na kabog sa aking dibdib habang nakatingin ako kay Electra na kasalukuyang umiinom ng wine.
A hundred-year-old wine that she bought in an auction in Italy worth millions of dollars. May dalawang dahilan lang para uminom ito ng rare collection nito. Mostly kasi, she just drinks the normal ones.
It's either, a call for a celebration or a declaration of war.
But in Electra's eyes, I saw something I couldn't comprehend. I didn't know if it was a celebration or a declaration of war. As her smile faded away, I wondered how deep her thoughts were.
Hinawakan niya ang baso ng kristal, naglakad patungo sa akin, at binigyan ng isang nakakalason na ngiti. "I never thought someone would dare to mess with my plans. Not that faceless one won't bring me down." Mahinang bulong niya na may kakaibang kahayupan sa kanyang mga mata.
Pinilit kong panatilihing tahimik ang aking kabog na puso, ngunit hindi ko napigilan ang sarili kong mabigyan siya ng isang makahulugang tingin. "Is this a declaration of war?"
Nagsimula siyang tumawa, ngunit ang kanyang mga mata'y nananatiling misteryoso. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tenga at bumulong ng mga salitang puno ng kahulugan. "It's an early celebration, my dear. Everyone who crosses my path knows they don't come out victorious."
She gently swirled the fancy wine in her crystal glass, savoring its deep color. Bringing it to her nose, she enjoyed the luxurious scent. Finally, she took a sip, savoring the rich flavors, like a taste of pure luxury.
Pagkatapos, siya'y tumalikod at tumingin sa painting na nakasabit sa opisina nito.
"So, what's the plan, madame?" lakas loob kong tanong dito. Patuloy kong pinagmamasdan ang sopistikada niyang awra na hindi maikakaila. Alam kong isa siya sa pinaka makapangyarihang tao dito sa bansa. Hindi siya basta basta mababangga. At kung sino man kumalaban sa kanya ay may tiyak na kapahamakan.
"I know that faceless bitch is preparing to bring us down, but we're preparing more. Make sure to inform the team about it. I can't wait to kill that bitch"
"Yes, madame," Tanging nasagot ko sa sinabi nito. I knew how serious this was. Hindi ito basta basta kumpara sa mga napagdaanan niya dati. Masyadong maingat ang kalaban. I know she was trying to be calm, but I know deep down, my boss knew na matalino rin ang binabangga niya.
"Cheers, darling!" while looking at the painting, nakita ko sa reflection ng basong kristal ang malademonyo niyang ngiti.
..
Elora's POV
Day 14
"Arghhhhh!"
Umalingawngaw ang sigaw ko sa sakit ng bigla akong sinipa ni Traze sa tyan kaya napahiga ako sa sahig ng company gym. Sobrang sakit na halos lumabas yung kaluluwa ko sa sakit. May training mat naman pero hindi pa rin iyon nakabawas sa sakit na dapat kong mafeel.
Halos humiwalay yung bituka ko sa tyan ko sa sobrang sakit. Kasalukuyan niya akong tinetrain ng self-defense.
Actually, pang isang linggo na namin ito, at one-week na rin simula ng meeting ko with my boss. Sa loob ng isang linggo ay hindi na naman ito nagparamdam lahat sa amin. Sa pagkakaalam ko, nasa Colombia ito. Ayon sa narinig ko kay Mario at Carol na nahuli kong nagchichismisan kahapon sa warehouse.
BINABASA MO ANG
UNMASKED
Misteri / ThrillerWith only a hundred days left to live, the clock is ticking for Elora... This is the countdown to a life worth living. Date Started: December 26, 2023