Chapter 11- Get Ready, Elora

423 24 5
                                    

Chapter 11

Day 16

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, pero nahihirapan ako dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng loob ng kwarto. Pero nang tuluyan ko ng maibukas ang aking mga mata, sumalubong sa akin ang di pamilyar na puting kisame.

Sinubukan kong paulit ulit na pumikit, pilit inaalala ang mga nangyari.

Nasaan ako?


Sobrang sakit ng ulo ko na parang ang bigat bigat. Yung katawan ko naman ay nanghihina. Nahihirapan akong igalaw ang katawan ko.


As I tried to sit up, a gentle but firm hand rested on my shoulder, guiding me back down. I turned my head and saw Lysander standing beside the bed, looking at me with a mixture of concern and relief.


"Take it easy, Elora," Lysander said softly. "You've been through a lot."

Napakunot ang noo ko. I was trying to piece together what had happened kanina. My mind was still foggy, but bits and pieces of the last few hours—started to come back to me.

Sa warehouse, yung tear gas, at yung huling mukha na nasilayan ko bago ako mawalan ng malay. Yes! I saw her! I saw her face.

Di ako makapaniwala ng maalala ko na naman ang nangyari. Pero nasaan siya? Luminga linga ako sa paligid, pero tanging si Lysander lang ang nandito sa loob ng kwarto? Nasa hospital ba ako?

Si Lysander lang ang kasama ko. He is looking oh-so-hot with his white long sleeve and trouser. Sobrang clean look lang yung atake.

He cleared his throat and began to explain. "Solaris saved you and brought you here. Natagpuan ka niyang walang malay sa isang lugar malapit sa isang warehouse. And you inhaled a significant amount of tear gas. It caused severe irritation to your eyes, nose, and throat, and you experienced difficulty breathing. You also lost consciousness due to the lack of oxygen."

Napatingala ako rito sa nagtatanong na mga mata. No! Hindi si Solaris ang nagligtas sa akin! It was Hedera! Not Solaris! At paanong siya ang magdadala sa akin dito? Anong ginagawa ni Solaris sa warehouse? Paano niya kami natunton? Hindi! Impossible!

Hindi kaya siya yung-

"Nandito tayo ngayon sa clinic ng MediSynth. Don't worry you'll be fine"

Clinic ng Medisynth? Nandito lang pala ako sa mismong building ng MediSynth. Akala ko nasa hospital ako. Pero nasaan si Hedera? Okay lang ba siya?

Napapikit ako. I felt a lump form in my throat. The memories of the warehouse, the chaos, and the tear gas all came flooding back. I remembered feeling like I was suffocating, and the fear that gripped me in those final moments before everything went black.

"Where is Boss Hedera?" I managed to whisper, my voice hoarse and barely audible.

Napakunot-noo si Lysander, "She's in France. 2 days na mula ng umalis siya sakay ng kanyang private jet. Actually, 2 days ka na ring unconscious, Elora."

Wait..

What?

How?

My jaw dropped at what he just said. 2 days na akong walang malay? 2 days na ring nag-aalala ang nanay ko! And what about Hedera? Paanong nasa France siya agad?

Hindi ba siya nakalanghap ng tear gas? Okay lang kaya siya? Kailan ang balik niya? At bakit parang walang idea sila na kasama ko si Hedera that night? Parang it turned out na si Solaris yung nagsave sa akin, but I know it was Hedera.

UNMASKEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon